Miguel's Diary
.........
I decided to make this diary para isulat ang natitira ko pang araw dito sa mundo.
I was diagnosed with idiopathic pulmonary fibrosis 4 years ago, it is a rare progressive illness of the respiratory system, kung saan nag kaka scar ang lungs ko ng walang dahilan. Once kasi na nagkascar ang lungs natin hindi na ito nawawala katulad ng sa balat, may mga cases naman na merong scar na gumagaling pero hindi na nawawala, permanent na sya sa lungs and they called it fibrosis, hindi nman na sya risky and that's okay. But in my case it's different, contagious ang pagkalat ng scar sa lungs ko and because of that, nahihirapang magtransport ng oxygen ang lungs ko sa blood ko that's why it is more difficult for me to breathe.
The sad thing is its incurable, because it's rare wala pang gamot para dito, the only option is lungs transplant. May ininom akong gamot bat ang purpose lang nito ay para pabagalin ang pagkalat ng scar. Yeah that's sad, well ano pa bang reason para magstay pa ko dito, wala na si Mommy at Daddy, iniwan na rin ako ni Angela so I'm ready,.. I"ll just wait for that day to come.
I will start my diary tomorrow, ito muna sa ngayun.
............
Day 1
Yeah, so this is the first day of my diary, that's why I was so excited na isulat ang mga nangyari ngayung araw.
I almost forgot I will be conducting an interview nga pala today. Nang makapasok ako sa opisina I saw the applicants waiting for me to start the interview. But something bothers me, it was a strange feeling but, I saw an angel today. Akala ko nga anghel na bumaba galing sa langit, hehe,.. ang cute nya. Well, she was a different angel kasi ang daldal nya, haha. I told her na tatawagan na lang namin sya, na unfair sa iba kung tatanggapin ko kaagad sya, but I decided already, wala akong pakialam kong qualify sya or not, I want to know more about her.
Day 2
Kakapasok ko pa lang kanina, nakita ko na kaagad sya. I call Miss Santos na pumasok sa opisina ko, alam ko kasi na isasama nya sya. At hindi nga ako nagkamali, binati nya ako habang naka smile sya. Shet that smile though, I don't know if it's a good or bad thing pero, lalo akong nahihirapang huminga sa tuwing nakikita ko ang mga ngiti nya. Oh Miguel, what is the meaning of this na ba?..
Day 9
Hindi sya marunong gumawa ng report, so para matuto sya I had to scold her. I asked her kung bakit hindi maayos yung ginawa nya. She said she's being nervous everytime she saw me, and I asked her why. Ang sabi nya, crush nya raw kasi ako. Parang sasabog ang dibdib ko nong sinabi nya yun. Gusto kong ngitian sya at sabihin sa kanyang crush ko rin sya, but,.. hindi pwede, hays.
Day 14
Halos isang oras syang naghintay sakin sa labas ng opisina sa police station, I told her na umuwi na sya at ako ng bahala sa lahat. Pero dahil nga makulit sya, wala na rin akong nagawa. Paglabas ko ng opisina, naabutan ko syang nakahiga sa upuan sa may information, sa tagal ng paghihintay nya sakin, nakatulog na tuloy sya. I tried to wake her up, pero mukang antok na antok talaga sya. Sinabi ko na lang sa police officer na nandoon na pakibantayan sya, hindi ko na sya mahihintay dahil marami pa kong aasikasuhin. Bago ako umalis, I take my jacket off and ikinumot ko yun sa kanya.
Day 15
Kakababa ko pa lang ng sasakyan, narinig ko na kaagad ang maingay na boses nya. Nakikipagtalo sya sa security kasi ayaw syang papasukin dahil wala raw syang maipresent na ID. Haha, wala talaga syang maiipresent kasi, I already have it. Nahulog nya yun nong nakaraang pumasok sya sa office ko, I called her but, nakalabas na sya ng pinto, so itinago ko na lang 😊.
BINABASA MO ANG
417 Days With You - TAGALOG
RomanceCompleted... Tagalog. Si Cathy ay isang inosenteng dalaga na walang ibang gusto kundi ang mahanap ang tamang tao para sa kanya. Pero, mahalin rin kaya sya ni Mr. Right kung hindi pa ito nakaka move on sa ex nya?. Paano kung may ibang taong handa sy...