"Ask me everything you want to know Jennie.""May masakit pa ba sayo?" Tanong bigla ni Jennie.
"Huh?" Nagtataka ko syang tinignan.
Nilagyan nya ng benda yung kamay ko, tapos ay tinignan akong mabuti. "Ito lang yung sugat mo diba?" Tanong nya.
I nod.
"Good, luto na yung breakfast let's eat." Sabi nya tapos ay lumabas na para pununta ng dining.
Sumunod ako sa kanya at nagtataka sa kanya, I'm pretty sure that she knows something.
Umupo na ako at kakain na pero nahihirapan akong kunin yung kutsara dahil yung kanang kamay ko yung nakabenda. Kaya ginamit ko yung kaliwang kamay ko.
Lumipat ng upuan si Jennie sa tabi ko at kinuha yung kutsara ko. "Let me."
Sinubuan nya ako at kumain na kami. Pagkatapos nyang ligpitin yung pinagkainan namin tinignan nya akong mabuti.
Umupo sya sa harap ko at kinuha yung phone nya, kasabay nun ay may narinig akong boses. Ang boses ko at boses ni Jennie, naguusap kami.
Tumulo ang luha ko ng marecognize ko kung anong nangyari sa paguusap na to, dahil ito ang huling beses kaming magkasama.
"I woke up without remembering a lot of things and no one is there to explain to me what is going on, but I always have this nagging feeling that I lost something. That's when I check my phone and saw this. I saw a lot of picture of a woman I don't even remember at kahit tong video na to, alam kong nangyari to pero hindi ko matandaan kaya nahihirapan akong tangapin at paniwalaan kung nangyari nga to." Sabi nya sakin.
"Lisa Manoban, who are you to me?" Tanong nya sakin.
I smile sadly. "That is something I can't answer but I know who you are to me."
Pinunasan ko yung luha na naglandas na sa pisngi ko at humugot ng malalim na buntong hininga.
"Jennie you came to me because you love Kai so much, I ask you a very selfish thing at pumayag ka. Pumayag kang makasama ako." I look at her. "It's selfish because I know you will like me, I know you will forget him, I know you will be confused pero hinayaan kita, because I want to feel it Jennie. I already met a lot of people and I've been in love a lot of times pero kahit minsan hindi ako gumawa ng paraan para makasama ko sila instead ay lumalayo ako. Sino ba naman ang gusto ng pekeng pagibig?"
"Hindi ko rin maintindihan kung bakit ang lakas ng hatak mo sakin Jennie, ang bilis kong nahulog, kaya kahit na gusto kong lumayo nanaig yung kagustuhan kong makaramdam. I just want to be with you, kahit peke, kahit na sa huli makakalimutan mo ako. I just really want to be with you, kahit saglit lang." Paliwanang ko sa kanya.
Sa buong pagsasalita ko, walang kahit anong emosyon akong nakikita kay Jennie at habang tumatagal lalo akong natatakot.
"Sinabi mo ba sakin?" Tanong nya.
Umiling ako. "Yang narinig mo, dun ko lang sinabi pero yun din ang huling araw."
"Bakit hindi mo sinabi? Bakit tinago mo?" Tanong nya, maririnig ang inis sa boses nya.
"Dahil makakalimutan mo rin naman." Sabi ko. "Yan yung paulit ulit kong sinabi sa isip ko, pero ang totoo nyan natatakot lang akong baka umalis ka at iwan ako. I'm a coward Jennie, madalas na tumatakbo ako sa kahit konting pagbabago lang nararamdaman ko kahit konting posibilidad lang na mamahalin ko ang tao lumalayo na ako. Hindi ako nagdadahilan o sinisisi ang kasalanan ko sa kaduwagan ko pero ito ang totoo Jennie. Hindi ko sinabi dahil ayokong mawala ka." I smile bitterly. "Araw araw akong humihiling na sana sana tumigil ang pagtakbo ng oras para mas humaba ang panahong kasama kita."

BINABASA MO ANG
Aurora's Blessing (Calypso's Curse Sequel)
Fanfic[Calypso's Curse Sequel] A curse that breaks her heart. A bond that was forgotten. Will their thread of fate interweave again?