STARS.
Edited.
Former When I see you CRY.
_______________________________________________________________
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na dumadampi sa mukha ko. Umaga na pala. Inunat ko muna ang mga kamay ko. Wierd. Ang bigat ng pakiramdam ko. Pakiramdam ko, galing ako sa mahabang pagkakatulog. NApailing na lang ako. Baka nga maaga lang akong nakatulog kagabi. Tama. Maaga lang akong nakatulog ^_^V
After kong gawin ang daily routine ko ay bumaba na ako para magbreakfast. May pasok pa kasi ako at mukhang malelate ako >.< Nako.
"Yaya!" Tawag ko kay yaya. Wala pa kasing nakahain na pagkain. Patay ako nito! Late na ako eh >.<
"Mommy!" Pumunta ako sa mga pwede nilang puntahan dito sa bahay kaso wala silang lahat.Wala lahat ng kasama ko.
Iniwan ba nila ako? Pero imposible. Ayaw ni Mommy na naiiwan akong mag-isa. Baka naman may pinuntahan lang? Tama. Baka may pinuntahan lang. Napatingin ako sa relo ko at.. ay takte! Late na talaga ako >.<
~~~School
Pagdating ko sa school, himalang hindi ako sinita nung guard. Pag late kasi ang estudyante, it's either dinadala sa detention o magcocommunity service. Pero on the positive side, hindi ko gagawin anu man sa dalawang yun! \m/
Dumiretso na ako sa room at ayun, ako lang ang late T.T Nakaupo na silang lahat habang yung prof naman namin ay nagsusulat sa board. Pumasok na ako sa loob. Good thing, walang pakielam sakin yung mga kaklase ko kaya di din nila ako pinansin.
Bakit walang pakielam sakin mga kaklase ko? Sino ba naman kasing mag-aaksaya ng panahon sa babaeng laging mahabang palda ang suot, nakalong sleeves na blouse tapos may salamin? Manang na, nerd pa.
Umupo na ako sa upuan ko.
"Goodmorning!" Bati ko sa ever tahimik kong seatmate na si Shane.
Tiningnan nya ako na may gulat na expression then yumuko sabay iling. Ano kaya yun? -.- Baka nagulat sya kasi late ako? Hohoho. Ikaw naman kasi Mandy, biglang sumusulpot >.<
Maya-maya, napatingin ulit sakin si Shane kaya nginitian ko sya kaso umiwas sya ng tingin.
Suplado? Natural yun sa kanya. Pagkakaalam ko pa nga,bully din yan eh. NAgbago lang daw yan nung nagkagirlfriend sya. Napangiti na lang ako. Love nga naman. Daming nababago *u*
"So class, what is sociology?" Napatingin ako bigla sa prof namin. Sociology na agad agad kami? Ang pagkakaalm ko wala pa kaming subject na ganun para this sem ah? Di naman ako umabsent? Oh well, baka advance study? Buti na lang, bestfriend ko ang mga books! Hohoho.
Nagtaas ako ng kamay. Nagtataka ako kasi hindi ako nililingon ng prof. In fact, ang tinawag nya ay yung nagtaas ng kamay sa bandang likuran. Knowing na nasa second row ako at pang fourth row yung tinawag nya. Ang daya. Tss.
~~~Cafeteria
"Miss!" Tawag ko dun sa mga naglilinis ng table. Wala na kasing ibang table dito sa cafeteria. eto na lang kaso madumi pa sya.
"Miss!" Tawag ko ulit.Aba't di ako pinapansin. Nagbabayad naman ako ng tuition ng ayos ah!
Nakakailang tawag na ako kaso di pa din ako pinapansin. Medyo nakakaBV na. Una, di ako natawag sa kahit na anung recitation kanina tapos sumasabay pa tong cafeteria na to. Argh!
Buong araw akong naBV. Ewan ko ba . Ang weird talaga! weird ba o ganito lang talaga ako kainvisible sa kanila? Hays. At dahil BV ako, umakyat muna ako sa rooftop ng main building namin. Dito sa rooftop nakalagay yung mga instruments na ginagamit nung mga course na may kinalaman sa galaxy, sa universe, including stars,moon and sun. *u* Kaya madaming telescopes dito. Dito ako madalas nakatambay. Bukod kasi sa tahimik, gustong-gusto ko kasing tinitingnan yung mga stars.
BINABASA MO ANG
Stars
Romance"You're like a star, you shine in the darkest moment of my life.." Stars. edited.