PROLOGUE

25.2K 231 5
                                    

POSTED: OCTOBER 2021

REPOSTED: APRIL 2024

-

Personal work of Red Auza, exclusively free to read on Wattpad. No one can distribute this story in any group for a fee. If you paid to read this, thieves are profiting from my story. Let's not support such practices. It's unfair to authors who stay up late creating for free, only to have their stories exploited by others. I repeat, this is FREE TO READ.

Please limit your expectations.
Expect errors, such as grammar mistakes and typos. I appreciate your understanding.

This story contains language that is not suitable for young readers.
It includes profanity, sexual content, explicit language, substances, alcohol, and other mature themes.

Content Warnings:

Sexual Content: Graphic depictions of sexual situations may be present.Violence: Scenes of violence or physical abuse may be included.Substance Use: References to drug and alcohol use may be depicted.Mental Health Issues: Themes related to mental health struggles may be addressed.Triggering Content: Reader discretion is advised, as some themes may be sensitive or triggering to some readers.

This story is purely fictional.
Any names, places, events, or similarities to actual people or situations are purely coincidental and not intended by the author.

By reading this story, you acknowledge that you are doing so at your own discretion and that the author is not responsible for any emotional or psychological reactions that may occur.

ENJOY READING!

-RED AUZA

AUTHOR

Mas mahalay si Jace at bulgar.  95% Tagalog lang ang gamit niya kahit sa BS kaya alam niyo na. NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS. OK?

------

Natatawa si Jace habang nakatingin kay Blaze. Kita kasi sa mukha ng kaibigan na napipikon ito habang nakatingin sa paligid. Halata sa hitsura ng kaibigan na hindi ito masaya sa kasal. Sino ba naman ang sasaya kung alam mong napipilitan ka lang.

"Ang tagal ng babaeng iyon," reklamo nito sa kanila habang hinihintay ang mapapangasawang si Maggie. Nakakunot ang noo ng kaibigan habang nakatingin sa paligid. Mukhang ngayon pa lang kasi ay may asaran na sa dalawa.

"Sinundo si Margot at parating na sila," sagot ni Dane na ang tinutukoy ay ang ate ni Maggie.

"Sino yon?" tanong ni Jace.

"Kapatid ni Maggie," sagot ni Dane.

"Chicks din kaya kapatid ng Maggie? Kasing hot din kaya niya?" Natatawang tanong ni Jace pero nakita niyang sumama lalo ang mukha ng kaibigan.

"Tigilan mo na nga kalandian kay Maggie, Jace, sakalin kita makita mo." Napipikon na sagot ng kaibigan niya.

"Ang hot naman ng future husband. Tinanong ko lang kung kasing hot ba ni Maggie ang kapatid niya nagselos agad." Nakangisi niyang sabi at mas pinikon pa ang kaibigan.

"Ayan na pala si Maggie," sabi ni Dane. Napatingin siya kay Maggie at sa kasama nito. Napakunot agad ang noo nang makita ang babaeng kasama nito. Pamilyar sa kanya ang babae pero hindi niya matandaan kung saan niya nakita. Pero malakas ang kutob niyang nakita na niya ito noon.

"Parang pamilyar ang kapatid ni Maggie. Isa kaya 'yan sa mga naikama ko tapos kinalimutan...aray." Hindi niya natapos ang sasabihin dahil binatukan siya ni Dane dahil sa sinabi niya.

"Kamanyakan ang putangina."

"Dane, nagiging bastos na rin bunganga mo, natuto ka na magmura," sita niya sa kaibigan habang nakahawak sa ulo. "Naging sadista ka pa."

"Kayo ba naman kasama ko araw-araw. Anong aasahan niyo? Babait ako? Masisiraan ng bait pwede pa."

"Hi," bati ni Maggie sa kanila. Pansin ni Jace na nagulat ang kasama ni Maggie nang makita siya pero agad din nagbigay ng ngiti sa kanila.

"Margot, this is my future husband, Blaze, and his friends, Zeus, Phoenix and his wife Hailey, Jace, and Dane, and guys this is Margot, my eldest sister."

"Hi, Diana, it's been a while," ani Margot bilang pagbati kay Dane.

"Dane, na lang Margot."

"Maggie, medyo bastos ka sa part na tinawag mo lang siyang Margot imbes na ate." Phoenix laughed softly habang nasa gilid niya si Hailey.

"Bastos naman talaga yan si Maggie," sagot ni Blaze.

"Wala kasi kayong mga kapatid kaya hindi kayo maka-relate. Mga kapatid ko rin naman ay Dane lang tawag sa akin."

"Bastos naman talaga mga kapatid mo, Dane, lalo na si Dylan. Anyway, Margot, you look familiar, have we met before?" tanong niya sa dalaga.

"Hoy, Jace, kapatid ko 'yan kaya wag mo idagdag sa koleksyon mo kung hindi susunungin ko 'yang bahay mo," pagbabanta ni Maggie.

"Nagtanong lang, ang hot mo naman."

"I don't think so, Jace. I think this is the first time," sagot ni Margot sa kanya.

"Ah." Kahit nasagot na ni Margot ang tanong niya ay hindi pa rin maalis sa paningin niya si Margot.

Maganda ito, sexy rin, hindi nga lang sa pananamit dahil medyo may class ito na pang formal like Dane. Hindi kagaya ng kapatid na halos luwa na ang kaluluwa. Napapansin din niya na ang nakaw na tingin nito sa kanya kaya mas lalo siyang naghinala. Hanggang sa matapos ang kasal at nagpuntahan na sila sa reception.

'Para talagang nakita ko na siya noon, hindi ko lang matandaan. Pamilyar talaga siya sa akin.'

Dahil hindi nakatiis ay nilapitan niya si Margot nang makarating sila sa reception.

"Hi." Napansin niyang nagulat ito nang lapitan niya. Pansin din niya na medyo nailang ito. "Parang hindi talaga ako naniniwala na ngayon lang tayo nagkita."

"I am not one of your girls as Maggie said." Pinakita nito sa kanya ang maganda niyang ngiti at naging dahilan ng pamumula niya. Nakaramdam din siya ng kakaiba sa tiyan niya na hindi niya maintidihan pero binalewala lang niya.

"Pero para kasing nakita na talaga kita." Tiningnan niya ito mula ulo hanggang sa dibdib. Tingin na may pang-aakit. Wala naman siyang planong idagdag ito sa mga babaeng niloloko niya lalo at hipag ito ng barkada niya. Gusto lang niyang masiguro na ngayon lang talaga sila nagkita.

"See...Jace, right?"

"Yes, dear,"

"Ito ang unang beses na nakita kita. Ang sabi ng kapatid ko ay marami ka ng babaeng naikama. Kaya kung iniisip mo na isa ako sa mga iyon at nakalimutan lang ay nagkakamali ka. Hindi ako ganoon klase ng babae. Excuse me." Saka ito tumayo at iniwan siya.

Kahit napahiya siya ay nakangiti siyang sinusundan ng

tingin ang dalaga. Kahit wala na ito sa harap niya ay hindi

niya maiwasang hindi niya ito maisip.

'Oo nga naman, sa ganda niyang 'yan at ang pormal pa

niya ay imposibleng makakalimutan ko siya kung nakita ko

na siya noon.'

Pilit na lang niyang pinaniwala ang sarili na ngayon lang talaga niya ito nakita. Kahit ang totoo ay familiar ito sa kanya. Hindi lang ang mukha kundi kahit ang amoy ng dalaga na nanunuot sa ilong niya.

A/N:

BROTHER'S CODE SERIES
1. His Deceptress Wife
2. His Psycho Lover

Margot is above picture.

Brother's Code - Denial 3: Jace's Kindhearted WifeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon