Keep Calm And Go Stalk 'your crush' [One Shot Story]

4.9K 116 45
                                    


NARANASAN NYO NA BANG MAGKAROON NG CRUSH? [Syempre naman, Oo diba? Kahit na nga abnormal nagkakaroon din ng Crush eh. Maliban na lang kung ibang klaseng abnormal ka. . .Joke :D]

NAALALA NYO PA BA ANG UNANG FEELINGS NG MAGKAROON NG FIRST CRUSH? [Sa dami ng crush ko, di ko na maalala, eh. Kayo ba naalala nyo pa? Comment lang :D Comment box is yours.]

I'm Angel Something. Super confidential talaga? Hindi arte lang yan. I'm sixteen years old, at fourth year na ako. Ibig sabihin, kunting kembot na lang, ga-graduate na rin ako. Hindi na ako mag-aaral, syempre joke lang. May college pa eh. Pero hindi ko muna iniisip yan, gusto ko muna kasing itigil ang pag-aaral ko, para naman makapag-pahinga muna ang utak ko. Besides, I'm having fun with my work---modelling :D [Enough for chicka na muna, time to bangon na!]

"ANGEEEEEL! Gising na!" Oh ayan na! Alarm clock ko yan eh! Bunganga ni Mommy. Wala epek kasi ang power ng mga yaya ko, kaya si Mommy laging nag-gigising sakin.

"KYAAAA! Mommy! Pwede bang bukas na lang ako papasok? I'm sure hindi pa naman mag le-lesson agad ang mga teachers eh!" Paghihimutok ko pa. Eh kasi naman eh! First day of school, hindi naman importante sa'kin yan!

"Huy! First day of school! Bumangon ka na!" Aray naman! Kung makahatak naman tong Mommy ko, mauubos buhok ko neto eh. "Yaya, dalhin mo na si Angel sa banyo nya! Paliguan nyo, yong malamig na malamig na tubig para magising ng buo ang sistema nyan." Utos ng mabait kong Mommy.

Eh syempre, ang mga utusan, todo karga naman sa'kin. Dinala na akong banyo at hinubaran na nila ako. Hindi na ako nahiya sa kanila, kasi naman simula't sapol kita na nila ang buong katawan ko. Lagi kasing sila ang nagpapa-ligo sa'kin kapag ginigising ako ng maaga, especially for school. And until now, gawain pa rin nila 'yan. "Ikaw Angel ah?! Dalaga ka na, hindi ka na namin dapat pinapalguan pa. Kaya mo na naman eh," Si Nana. Isa sa pinakamatagal na naging Yaya ko. Mabait yan :D Lola na nga ang turing ko dyan eh :D

"Nana, sino ba kasing may sabing paliguan nyo ko?" Nakapikit pa ako habang hinuhubad na nila ang shorts ko. Umupo ako sa bath tub at yon, ang malaming na tubig, nasa balat ko na! "Shete! Ang lamig!"

"Wag kang magulo, mababasa kami." Paalala pa ni Ate Kitty. Hindi 'yan babae, bakla yan. Pero dahil matagal na sya samin at loyal, birthday gift ko sa kanya ang pagtra-transgender. Kaya ngayon girl na sya :D

Sigaw dito, sigaw doon. Mababasa na ang dapat mabasa, HAHAHA :D Pero syempre si Nana hindi ko binasa, si Kitty lang, ang kulit ng pangalan.

Pagkatapos mag bihis, suklay, pa beauty at kung ano-ano pa, [ang daming arte nitong si Kitty eh!], bumaba na ako para mag breakfast. Pagkatapos kumain, toothbrush, tapos ang pinaka-favorite part ng lahat, ALLOWANCE :D Yeeey!!!

"Thanks, Mom." Nagpa-alam na ako at sumakay na ng Van. Syempre, kasama si Kitty, haizt! Fourth year na ako't andyan pa rin yan. Pero hindi ko sya sinasama sa loob ng campus, sa Van lang sya. Crush nya kasi ang driver namin, ang landi no?

Pagbukas ko ng pinto ng Van, naagaw agad ng paningin ko ang lalaking naka side-view. Syempre pag sabing side view, mataas ang ilong. Favorite spot yan ng mga kulang sa tangos ng ilong eh. Pero I'm pretty sure na matangos ang ilong nya. Naka Clothing sya, uso talaga kahit saan ang mga Tees ngayon. Naka-black jeans, knapsack bag, may piercing sa kaliwang taenga, pareho pa kami, sa ibabaw ng taenga pa talaga :D Destiny.

"Uhum!" Napalingon ako kay Kitty. Nakatingin sya sa direksyon ko kanina, ang gaga ang lapad ng ngiti. "Type mo na naman? Mana ka nga sa'kin, everywhere ang crush atey!" Oh sige, ako na ang pinaka-maraming crush. Pwede ngang pang worldwide record eh.

Keep Calm And Go Stalk 'your crush' [One Shot Story]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon