🌺
LUMULUTANG ang mga paa ko sa lupa habang naglalakad. Hindi ko na nga namalayan na nakapasok na pala ako sa loob ng classroom. It's been a week since that encounter with Chary. Thorn still hasn't shown up. Nagri-ring ang cell phone niya subalit hindi siya sumasagot. Hindi ko na alam kung tama ba na hintayin ko pa rin siya o dapat ko nang kalimutan.
"Huy, alam n'yo na ba ang balita? Wala na talaga si Thorn." Narinig ko iyon mula sa 'di kalayuan. Nanatili ako sa kinauupuan ko.
"This is so unfair. Wala na ba talagang magagawa? Sayang lang ang lahat ng pinagpaguran niya. Thorn did not do anything wrong!"
"If not because of—" Humina ang boses nila.
Marami nang mga alingasngas ang nagsasabing binawi ang scholarship ni Thorn. Pero ayokong maniwala. Kung may kasalanan ako, kung ako ang dahilan... dapat ako ang pinatalsik dito. I can just transfer to another school like I always do.
Saktong pumasok si Mrs. Madrid. Alam kong malapit si Thorn sa guro kaya hindi ko na pinigilan ang sarili na lumapit sa kanya.
"Mrs. Madrid..."
"Yes, Ms. Rhyce." Hindi siya tumingin sa akin.
"It's about Thorn—"
"Class, prepare for a short test for today," hiyaw niya sa klase. Nagsigawan ang lahat habang nakatayo pa rin ako rito sa harapan.
"P-Please, Mrs. Madrid..." Halos magmakaawa ang boses ko.
"If you don't have anymore questions, Ms. Rhyce, then sit down and take the test or get out of my class!" matigas niyang sabi. Narinig iyon ng lahat kaya napayuko ako sa pagkapahiya.
Nanlulumo akong bumalik sa silya ko. Dama ko ang matatalim na titig ni Mrs. Madrid kahit hindi ko siya tingnan. Even my classmates' glares invisibly seemed to sting every part of me.
Mainit ang mga mata ko. Ibig kong umiyak. Gusto kong sumigaw. Nanginginig ang bawat kalamnan ko. Tumayo ako at wala na akong pakialam kung magalit pa sila sa akin. I decided to leave the class and ran.
Itinulak ko ang pintuan ng opisina ng Dean. Kahit nandoon ang sekretarya ay tuloy-tuloy ako sa kinauupuan ni Dean Sta. Maria.
"Please don't remove Thorn's scholarship!" Ibinagsak ko ang mga palad sa mesa niya.
"Ms. Rhyce, don't you have any class at this time?" tanong ni Dean. Inayos pa niya ang kanyang suot na salamin sa mata.
"Sabihin n'yo sa 'kin? Tinanggal n'yo ba ang scholarship ni Thorn? Mahalaga iyon sa kanya! Mahalaga iyon sa kanyang pamilya. Bakit n'yo ginawa iyon sa kanya?" Halos maghisterya ako sa harapan ni Dean.
Sumandal si Dean Sta. Maria sa kinauupuan niya. "You are asking a very personal question, Ms. Rhyce..." kalmanteng sabi. Tumaas ang mga kilay niya. "And that... I cannot answer."
I scoffed in front of her while I shook my head in disbelief. "You cannot answer a simple question?"
"If you don't have any more business here—"
Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya. Tinalikuran ko siya at walang lingon-likod na umalis.
They are all full of shit! Ano ba ang mahirap sa tanong ko? Why did they do that to him? Where is Thorn? What the hell happened to him?
Bakit umalis siya nang walang pasabi? Bakit nawala siya nang hindi nagpapaalam sa akin? So that is how he feels about me after I gave up myself to him?
Pumunta ako kay Tito Mauro. But the security guard told me he's not working there anymore. I asked his whereabouts but all they could say was that they don't know.
Kinapalan ko na rin ang mukha ko para tunguhin si Tita Ofelia. All I got was Chary's poker face and her German Shepherd dog na muntik pa akong habulin. She said na wala na roon si Tita. She told me how shameless I was to even show up in front of her house. The hell! Does that mean it was her bed I slept on that night? Really? Akala ko pa naman ay may kapatid na babae si Thorn. Fuck!
Para akong tanga na naglalakad sa kawalan. I don't know where to go anymore. Paano ko makikita ang taong ayaw naman magpakita? So ganoon na lang iyon? Paano kung may isang nilalang na nabuo sa sinapupunan ko? Paano kung may nararamdaman na pala ako sa pesteng Thorn na iyon?
May pumatak sa aking pisngi. Tumingala ako sa kalangitan at napapikit. Bumuhos na kasi ang malakas na ulan.
Hindi ko alam kung sino pa ang lalapitan ko para mahanap si Thorn. Walang kuwenta kung maghihintay ako sa wala. Ayoko na ring umasa na makikita pa siya. Then so be it. I simply don't care any longer.
And so I left that place with a sorrowful heart. Thinking if I will ever see Thorn again.
BINABASA MO ANG
I Knew I Loved You
RomansaHighest Rank Achieved: #1 in playgirl #1 matured #1 in virgin #1 in deceived #2 in deception #2 in unexpected #2 in charm #9 in General Fiction "Ilang lalaki na ang dinala mo rito, Ms. Matilda Rhyce? Lima? Sampu? Isang dosena?" Nagtapat ang aming...