Saka pa lang ako nakahinga nang i-distansya na niya ang sarili sa akin. Ilang beses akong kumurap dahil sa kakaibang kaba na nararamdaman. Nakatingin pa rin siya sa akin kaya mas lalong kumakabog ang aking dibdib.
"It's simple, Deborah. I came there to feed my family."
Naguguluhan ako at hindi ko siya maintindihan. How can he feed his own family by staying there? May sweldo ba sila roon? Sinuswelduhan ba sila sa trabahong 'paglilinis' na ginagawa nila?
"Do you get money from hurting a person through initiation?" naglakas ng loob na akong magtanong. Hindi man lang siya natigilan para dipensahan ang sarili.
"It's on the pledge. You shouldn't talk about it outside. You'll get punished."
"These lame people..." I whispered out of my frustration. "Tell me, how will I get punished?"
"If a member heard you."
"You're a member. Isumbong mo na ako."
Saglit siyang napapikit, nakukulitan na sa akin. Hindi naman iyon yung tipo na kasigaw-sigaw sa mundo. Hindi ako ganun ka-curious doon at kahit kailan ay hindi ko ihahayag ang kalokohan nila sa labas.
"Go back," sinabi niya na lang kaya sinamaan ko siya ng tingin. "I'll tell you when you need to go there."
Marahan niya hinawakan ang kamay kong nakakapit pa rin sa dulo ng sleeves niya at dahan-dahan itong tinangal. Matapos iyon ay umalis na siya sa harapan ko at lumabas ng eskinita kung nasaan kaming dalawa.
I gulped. He's wearing that black buttoned up shirt, then he's going there.
Hindi ako makatulog, pinipigilan ko ang sarili kong mag-isip nang malalim at pilit na sinasara ang mga mata. I've done all the requirements in school and I'm yearning for a rest. Yet, here I am, I'm killing myself again.
Muli akong napatingin sa nag-iisang bintana ng dorm ko at huminga nang malalim. What did they just promised to someone like him? Sa mga oras na ito, nandoon siya sa lugar na iyon, anong ginagawa niya do'n?
Muli akong pumikit nang mariin. Hindi na ako nakatiis, natagpuan ko nalang ang sarili kong naglalakad mag-isa papunta sa lugar. Hindi ako nakaramdam ng kung ano man na takot. Tinahak ko ang dulong kakahuyan na puro puno, kung saan nakatago ang park na iyon.
Napayakap ako sa sarili kong mga braso dahil sa lamig ng hangin na humahampas sa mahaba kong buhok. Mabigat ang aking bawat paghinga at pinanatili ang pagiging alerto sa paligid. May narinig akong mahihinang kalukos sa hindi kalayuan.
Mas lumakas ang kabog ng aking puso at dumagdag pa rito ang mga tunog ng mga tuyong dahon na aking naapakan. Sana pala ay nagdala ako ng cellphone para may ilaw. Ang dilim, wala ako halos maaninag.
"Ginagawa mo rito-"
"Ah!" napasigaw ako dala ng gulat. Mabilis kong nilingon ang aking likuran at nakita si Yandiel. Iba't-ibang emosyon ang nasa mga mata niya at wala akong maintindihan. Nanlaki ang mata ko nang makitang sugatan siya at may tumutulong dugo sa bibig, marahan kong inangat ang kamay ko para ituro iyon. May dugo...
Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang hawakan niya ako sa magkabilang balikat para italikod mula sa kanya. Ilang beses akong napakurap dahil sa kaba. What's happening? He's not even saying a word!
Halos tumigil ang aking paghinga, idinikit niya ang sarili sa akin at pinulupot ang kaliwang braso sa balikat ko. He slowly rested his chin on my head as I almost heard his rapid heart beat.
"What's happening-"
"Shh."
Nanahimik ako at napapikit nang may marinig na malakas na tunog, kasabay no'n ay ang tunog ng mga tuyong dahon na tila may bumagsak sa lupa.
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Spirituelles2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...