9

411 15 0
                                    


Naramdaman ko ang pagkalma ko pero kasunod ang pagbilis ng tibok ng puso ko dahil malapit nanaman sakin si Lisa.

Agad kong binitawan ang mga balikat nya at ibinaba ko to para hawakan sya sa bewang nya.

"Bakit ka umalis?" Tanong ko sa kanya.

"Nagpaalam ako ah, sabi mo kailangan ko lang magpaalam para walang mag alala sakin kapag aalis ako." Nakakunot noo nyang tanong, para talaga syang bata.

"Sinabi ko rin sayo na your not going out without me." Sabi ko sa kanya.

Kinuha ko ang kamay nya at naglakad kami papalapit sa kanila.

"Nasa labas naman tayo ah." Pangangatwiran nanaman nya.

Umupo ako sa couch at automatic na tumabi sya sakin.

"What I mean is hindi ka pwedeng umalis ng hindi ko alam o kung hindi ako ang kasama mo." Pangangaral ko sa kanya.

"That's what you mean?" She pouted. "I'm sorry, I don't know."

"Wag mo nang uulitin to Lisa or else itatali na kita para makasigurong di ka makakaalis." Sabi ko sa kanya.

"It's really weird that it matters now na umaalis ako." Nakakunot noo nyang sabi.

"It matters to me." I look at her eyes, medyo mapula pa yun kakaiyak. "Bakit ka umalis? At bakit ka umiiyak?" Tanong ko sa kanya.

Bigla naman syang namula sa pagtatanong ko tapos nagiwas sya ng tingin.

"Lisa." I called her.

"It's embarrassing." Mahinang sabi nya.

"What is it?" Tanong ko ulit sa kanya.

Lumapit sya sa mukha ko at bumulong. "I saw you hugging someone. That guy." Sabi nya sabay tingin kay GD oppa.

She then run to Rosé and hug her. While I froze on my seat.

Did she just admitted that she got jealous?

Shit! She's so adorable. I want her so bad.

I sigh to calm myself, then I remember something.

"Lisa." I called her bigla naman syang tumingin sakin at tila namutla pa. "Seems like someone wants to know you, yung kaibigan ni Kai hinihingi yung number mo."

"Sino?" Nagtataka nyang sabi.

"Jungkook." Mahinang sabi ni Kai.

"Sino yun? Di ko kilala." Sabi ni Lisa using her childish voice.

"Single ka daw kasi." Sabi ko.

"Ah, oo nga pero hindi ako interesado." Sabi nya.

Natuwa ako ng sinabi nyang hindi sya interesado pero nagtaka ako sa pag confirm nya sa sinabi nyang single sya.

"Single ka?" Napataas ang kilay na tanong ko.

She nod.

"Aren't you my girlfriend?" Tanong ko bigla. Naguguluhan na rin ako sa nangyayari.

"Huh? Sabi mo friends lang tayo." Sabi ni Lisa habang naka pout.

Naalala ko na sinabi ko yun pero after nun halos di na kami mapaghiwalay.

"Lisa, we are literally living together." I said.

She nod. "Yep, we become really close friend."

My jaw literally drop. All this time I am treating her as a girlfriend while she's just treating me like a close friend.

Napuno ng tawanan ang lugar dahil sa sagot ni Lisa. I face palm and regret not clarifying what relationship we have.

Aurora's Blessing (Calypso's Curse Sequel)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon