Chapter 1

1 0 0
                                    


*beeeeeeeppppppp-----------* *beeeppppppp--------*

Maingay na busina ng mga sasakyang stuck nanaman sa traffic ng EDSA, isabay mo na ang ingay ng mga taong nagsisiksikan para makapasok sa pumapasadang bus, jeep at tren. Gabi narin kase at talagang rush hour pa. Napaaga ako ng out sa Opisina dahil madami narin naman ang sales ko.

By the way ako nga pala si Jhon Andrew T. Buenaventura. Isa akong call center agent dito sa Ayala. Pasakay ako ng tren dito sa Ayala station ngayon. It's already 7:30 in the evening. Balak ko pa nga sanang kumain sa isang fast food chain na malapit dito kaso nagmamadali din akong umuwi dahil sa aso ko.

Ilang sandali pa naka kuha na ako ng ticket sa counter at eksaktong dumating na ang tren na sasakyan ko.

Mas pinili kong mag tren kase mas mabilis at walang traffic medyo hastle lang dahil sobrang siksikan na sa mga ganitong oras.

Pagdating ko ng Quezon Ave Station ay isa ako sa nakipagunahansa pagbaba ng tren. Ewan koba nakasanayan nadin.

Mas maingay dito kaya mas minabuti kong magsuot ng ear phones para chill lang.

Pagbaba ko sa estasyon ng tren pumara agad ako ng tricycle malapit lang naman dito Condo ko.

Yes, may condo ako. Di naman porque nagcocommute dukha na agad. I just find it more convinient.

May sasakyan ako pero minsan kolang gamitin. Kapag day off and also kapag may hang out with family and friends ganon or kapag may pasok ako ng Sundays. Hindi kase masyafong traffic nun sayang kase sa gasolina. Ewan koba ganon ako katipid pero tawag nila sakin kuripot. They just don't know what's the importance of saving money.

Ilang saglit lang nakarating na ako sa Condo. Inabot ko kay manong yung bayad tapos pumasok na ako.

I headed to the elevator and selected 31st floor. Wala namang masyadong tao sa Elevator at wala din akong kakilala kaya tahimik lang akong naka akyat sa floor ko.

Ilang saglit lang nasa 31st floor na ako. Koting lakad lang then I'm already home.

I find my key in my bag then nabuksan oo naman agad ang pinto.

"Rusty!" Tawag ko sa aso ko.

Kumaripas naman ito ng takbo papunta sa direksyon ko at tumalon sa mga bisig ko.

German Shepherd sya na may half labrador. Ganda ng breed nya at sya lang talaga pinag gagastusan ko maliban sa sarili ko.

7 years narin akong single. I was too broken that time with my first love. Atleast may experience na diba? Since then wala naman akong niligawan at tinuon kolang ang intensyon ko sa sarili ko hanggang nung mag 20th birthday ako niregaluhan ako ni Dad ng aso and that's Rusty. Si Rusty ang pumawi ng lahat ng sakit sa puso ko hanggang dumating nanaman yung bagong problema.

Si Dad, he died.

Stage 3 Leukemia ang cause of death ni Daddy, di kase namin nalaman agad. Hindi nya pinaalam kaya ayun.

My family really had so much problems pagtapos mawala ni Daddy. Mom was too depressed and feeling lonely that time kaya pinili kong huminto sa pagaaral so that I can watch her together with my dog. Habang nagaaral naman yung younger sister ko na 4 years ypunger sa akin. Syempre kuya ako kaya I sacrificed the time kahit graduating na ako. Sobrang laking sayang pero my Family is my priority. Hindi ko sila pwedeng iwanan. Lalo na si Mommy.

Nung naging okay na sya naisipan ko rin namang mag-aral ulit but I think it's better na magtrabaho nalang ako. Nakatungtong den naman ako ng Collage, undergrad nga lang.

Siguro mag-aaral nalang ako ulit kapag gusto kona ulit. Sa ngayon priorities ko talaga is trabaho ko.

Apat na taon na rin pala ang nakalipas simula nung araw nayun.

Nakabukod ako ng tirahan kase medyo malayo ang Cavite kung everyday ako magtatravel from There to Ayala madalas traffic pa. Buti na lang I can afford to buy my own Condo may iniwan kase sakin si daddy kahit paano. Yung Company naman namin inaasikaso ng tito ko dahil wala pa naman kaming knowledge to run the bussiness pansamantala lang naman yun until makatapos yung kapatid ko. Sa ngayon kase Graduating narin sya ng Business Management sa isang sikat na school dito sa QC, naka Dorm sya kaya ang kasama nalang ni Mommy sa bahay is yung tita namin si Tita Grace.

Sa sarili ko di naman ako masyadong magastos. I prefer eating more instant noodles than to eat those food na andami pang gagawin. Atleast yun lagyan molang ng tubig ilagay mo sa microwave tapos, tapos na. Nakakakain lang naman ako ng mga cooked food kapag may binibigay yung kapit bahay ko. Madalas naman sila magbigay tsaka kapag andito yung younger sister ko.

Pagdating naman sa kalinisan sobrang malinis naman ako. Everyweek nagpapa room service ako para malinis. Yung aso ko naman hindi naman madamak kase naturuan ko naman ng maayos. Every week nagpapa-laundry ako.

Pagtapos kong isalang sa oven yung noodles ko pumunta muna ako sa rest room para mag shower.

After that eksaktong pagtunong ng oven ibig sabihin tapos na. I just wrapped my hips with a towel then nilagyan ko langvyung lalagyanan ni Rusty ng dog food nya.

I opened the tv nood muna ako netflix habang kinakain 'tong instant noodles tsaka may natira kaseng buttered corn sa ref ininit konaden.

Nang matapos na yung series na pinapanood ko 11:00 pm na kaya natulog na ako maaga pa ang pasok ko bukas.

Quezon Avenue Station (MRT)Where stories live. Discover now