Chatemate | Dhen Abad
(Based on Ashyong true to life story)
WRITTEN:MeKusang sinadya na itago ang totoong pagkaka-kilanlan ng mga tauhan at lugar sa kwento para protekthan ang kanilang mga pribado.
Sa kabila po nang ngiti ko, meron po akong nakatagong pait at pag dadalamhati. Ako po pala si Ashyong, tubong mindanao di ko na ilalahad kung ilang taon na ako. Ang karanasan kong ito ay tinuturing kong isang bangungot, bangungot na hindi ko na gustuhin pang mapanaginipan.
Dati nagtatrabaho ako as a sales clerk ng phil.7/11 sa maynila at may naging ka chatmate ako itago lang natin sa
pangalang Yen. Kaibigan lang kami nung panahon na yon at nasa abroad sya that time.Last sept.26 2020 umuwi ako ng probinsya isa o dalawang buwan ang lumipas ng pag uwi ko na yun ay nabalitaan kong umuwi na din siya ng Pilipinas.
Magkalapit lugar lang kami ni
Yen.Nang mabalitaan kong umuwi siya ay sina-chat ko na naman siya para kumustahin,pero hindi niya ako
pinapansin at minsan lang niya e-seen ang mga messeges ko.Hanghang sa isang araw di ko iniexpect na magri-reach out siya sa akin,
nereplayan na niya ako hanggang sa naging ganon na ang rotation namin at sa paglipas pa ng mga panahon,araw at gabi kme nag cha-chat sa isat-
isa.Palitan nang minsahe at mga kwento, na humantong sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon na nahulog na ko ng paunti unti sa kanya.
At dumating ang araw na nililigawan
ko na siya.masaya at masarap siyang kausap, napakalakas ang sense of humor niya,ganon din naman ako halos
pariho kami ng taste yung mapagbiro.Buwan ang lumipas bago ko nakamit ang inaasam-asam na matamis nyang oo.
February 07 sinagot niya na nga talaga ako,yun ang araw na subrang saya ko at sa panahon na yon di pa sya masyadong nakaka move-on sa eks nya.
Bigo at wasak ang puso nya dulot ng kanyang kahapon, na tila bagang
pinagluluksaan ang sakit at lungkot na kanyang nararamdaman.Binasag ko ang nakakabinging katahimikan ng kanyang inbox/messages at ako ang nagsilbing gabay niya at sandalan para hindi siya mapuruhan ng sakit at sakdal pait ng pagdadalamhati.
Nung panahon na yun,masaya naman kami,maayos ang flow ng relasyon namin,yung daloy nang relasyon na hindi mo iisiping magtatapos,ganun ang vision ko sa relasyon namin ni Yen.
Ganun ka tindi ang pananaw ko.Lagi akong positibo sa lahat ng bagay.
Isang araw nabalitaan ko may ikakasal sa lugar nila at dahil chatmate pa lang kami noon at hindi pa kami nagkita ng personal,napagpasyahan kung pupunta ako sa araw ng kasal.Sinabi ko sa kanya na pupunta ako dun sa araw ng kasal na yon para magkita na kami at ang araw na yun ang
gagamitin kong panahon para maganap ang pagkikita namin.Bago magtakip silim pumunta na kami, kasama ang pinsan at mga barkada ko.Syempre andun yung kasabikan na makikita ko na din sa wakas si Yen at nag cha-chat kami nung nakarating na
kami sa lugar na yun.Sinabi din niya na nasa may Banda
(mga kumakanta sa kasal) sila naka pwesto,andon na daw sila kasama mga pamangkin niya at yung pinsan niya na
nanliligaw kay Yen.Oo tama po ang pagkabasa niyo,pinsan niya po nanliligaw sa kanya at yun po ay si Sam.Ang pinsan niya na yon ay ang kanyang matiyagang manliligaw.
At nakita ni pinsan si Yen banda sa may taas namin pinuntahan siya, kasi pinsan ko nanyun medyo malapit sila dahil laging nakatambay sa lugar nila Yen kasama ng barkada nya na mga pamangkin ni Yen, marami din siyang mga kakilala at tropa sa lugar na yun.