SEVENTEEN

3.5K 107 30
                                    

Zeus asked me a favor to come at Luxury to take some files. Nakisuyo siyang daanan ko ito dahil may ka-meeting ako malapit sa lugar. Since way ko rin naman ay pinagbigyan ko na. Hawak ko na ang papeles na pinadaanan niya at nasa loob ako ng elevator pauwi.

The elevator stopped at the 5th floor and opened. I was surprised when I saw Maggie holding with a man hands. If I am not mistaken ay siya ang kasama niya kahapon sa restaurant. Anong ginagawa nila dito?

"Ow, you're one of Margot's friends right? Blaze if I am not mistaken," tanong ng kasama na agad akong nakilala.

"Yeah," sagot ko.

"Ow nice to see you again." Pero tango lang ang sinagot ko.

"Gotta go, hon," agaw ni Maggie. "Ingat sa byahe and thanks for the last night. You made me happy," she said and smile at this ass.

"No, you made me happier last night, hon. Thank you and see you again." He kissed Maggie's hand and they hugged each other. "I will miss you."

"I will miss you too." Nahiya pa silang maghalikan sa harap ko. 'Tangina nilang dalawa nakakaumay silang tingnan.

"Sige na, bye, ingat sa pagda-drive, hon." Then the man looked at me. "Nice to see you again, Blaze."

"Me too." Asshole. Then the elevator door closed at hindi namin kasama ang gago. Mukhang hinatid lang niya si Maggie at kaming dalawa dito sa loob. I wanted to ignore her pero hindi ko mapigilan.

"Nakailang round kayo?" Inis kong tanong saka tumingin sa kanya. "Nasarapan ka ba?"

"Excuse me...do I know you?"

"Ganyan ka na bang klaseng babae? Wala naman akong pakialam sa'yo. Pero ang ipamukha sa akin na..."

"Wala rin akong pinamumukha sa'yo, maliban sa hindi ka kawalan. Kung sumasama ako sa iba't-ibang lalaki, yon dahil choice ko. Wala ka ng pakialam kung sino ang gusto kong magpawi ng kalandian ko at ikama ko kapag nalibugan ako. Masarap man o hindi ay mapawi lang ang libog." I hold her hand tight at napansin kong may benda ito sa bandang pulso. Iba ito sa benda na nakita ko nang nakaraan sa kamao niya pero wala na ngayon.

"Anong nangyari sa kamay mo?" Napahigpit yata ang hawak ko kaya medyo may bumakat na dugo. Maggie?" Saktong bumukas ang elevator.

"Alam mo, Blaze, panindigan mo na 'yang paglayo mo. Hindi 'yong may nakita ka lang ay nawala ka bigla sa sarili mo. Weak."

"Maggie wait!" Pero hindi niya ako pinansin at tumuloy lang siya. Dahil natutula ako saglit ay naiwanan ako, at nang makabawi ay nahabol ko rin siya sa parking. "Ano ba ginagawa mo sa sarili mo? Bakit may sugat ka banda riyan?" may pag-aalala kong tanong dahil mukhang hindi na normal ang ginagawa niya.

"Ano ba pakialam mo? Nilaslas ko may problema ka?" I look at her na parang wala lang sa kanya ang sinabi niya. She fucking hurts herself?

"Why did you do that?"

"Bakit ba ang dami mo'ng tanong? Ano ba pakialam mo?"

"Because I am. May pakialam pa rin ako kahit sa'yo dahil hindi na normal 'yang ginagawa mong pananakit sa sarili mo."

"Well, wala ka ng pakialam ngayon."

"Ito ba ang paraan mo para mapansin ka, ha?"

"Yes, masaya ka na?"

"Maggie." Kumalma ako at nagbuga ng hangin. "Maggie, don't do that kind of stupidity."

"I hurt myself kasi gusto ko. Natutuwa ako and that' what you called self-happiness. Hindi dahil nagpapansin ako sayo, sa inyo. Wow, importante kayo para magpapansin ako?"

Brother's Code - Denial 2: Blaze's Psycho LoverTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon