part6. Her Family Situation

5 1 0
                                    

Pumasok ako sa loob ng bahay.

"Umupo ka na muna. Nasa labas siya ngayon, maya-maya'y babalik na rin siya."

"Sige po." umupo ako sa sofa at inilagay ang bag ko sa harap ko.

"Uh, Ma'am. Bakit po pala nandito si Sunshine?" tanong ko. Lumingon siya sa akin at binigyan ako ng tingin na tila nagtataka siya.

"Hindi niya ba nabanggit sayo?" tanong din niya atsaka umupo sa harapan ko. Tumango ako.

"That girl is my sister." panimula niya at bumuntong-hininga "Half-sister actually."

Nanlaki ang mata ko sa gulat. Magkapatid sila?! Kung ganun, bakit kung umakto si Sunshine kay Miss Falcon parang ayaw na ayaw siya nito?

"Nagtataka ka siguro 'no?" tumango ako. Tumawa siya.

"Ang totoo niyan hindi kami magkasundo. More like, she hates me kaya ganun siya kung umasta sa akin." pag-kwento niya. "Napansin mo rin siguro since lagi kayong magkasama."

Tumango ako.

"Teka matanong kita, Rouwi." tumingin siya diretso sa akin at biglang sumeryoso ang mukha niya.

"Po?"

"Magkarelasyon ba kayo ni Sunshine?" tanong niya kaya agad na nanlaki ang mata ko at agad na umiling.

"Hindi po." sagot ko.

"Ganun? Sabi sa akin ng mga kaklase niyo, girlfriend mo daw siya."

Napanganga ako. Seryoso?!

Biglang tumawa si Ma'am kaya naisara ko bigla ang bibig ko.

"Hindi po totoo 'yun, Ma'am." muling tanggi ko.

"Sayang naman kung ganun." huh?

"You know.. that girl is weird. Bihira lang siya makipag-usap sa tao. Palagi nga siyang mukhang galit kaya halos lahat ng tao iniiwasan siya.  So I'm really surprised na may kinakausap na siya bukod sa akin. Not like lagi kaming nag-uusap kasi most of the time nagbabangayan lang kami."
ngumiti siya.

"So.. thank you." napaangat ang tingin ko sa kanya at nakita siyang nakangiti, "For being a friend to her."

Friend?  Napangiti din ako. I guess kahit ang weirdo niya, matatawag na rin niya siguro ako bilang kaibigan niya.

Bigla kaming nakarinig ng yapak ng paa kaya't napalingon kami sa dumating. Nakita namin si Sunshine na may bitbit ng plastic at may iniinom na matcha shake.

Nagkatinginan kaming tatlo. Hanggang sa lumapit siya sa amin at inilagay sa ibabaw ng lamesa ang plastic na binili niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ko ang strawberry shake. Sinulyapan ko siya at binigyan ng tingin na nagtatanong, "Sa akin?"

Inirapan niya ako kaya't agad akong napangiti. I take that as a yes.

Inilapag niya ang isa pang coffee shake na siguro ay para kay Ma'am. Dinampot ko naman agad sa plastic 'yung strawberry shake saka ko ininom.

"Tara na, Rouwi." sabi lang niya atsaka na nauna sa labas nang hindi man lang nagpapaalam kay Ma'am. Ako naman ay nagpaalam na din kay Ma'am bago habulin si Sunshine palabas.

"Magkapatid pala kayo ni Ma'am." sabi ko nang makasabay na ako sa kanya sa paglalakad,  sabay inom sa hawak kong shake. "Bakit hindi mo sinabi sa akin?"

"Hindi naman importante 'yun." sagot lang niya. Napasimangot nalang ako, masekreto.

"Teka, wala ka bang payong? Ang init." tanong ko. Mainit kasi talaga sa labas saka kailangan pa naming lakarin 'yung meeting place naming magka-grupo.

When she finally dreamsWhere stories live. Discover now