Maaga akong gumising para ihain ang aming almusal ni lola.Habang hinahanda ko ang mga kubyertos sa mesa nakarinig ako nang kaunting ingay hudyat na gising na si lola.
"Magandang umaga lola".bati ko sa kanya
."Magandang umaga din sayo apo".ganting bati niya sa akin."Lola mag almusal na po tayo".
Lumapit na si lola sa hapag upang makakain na nang almusal."Shy,apo ko".tawag ni lola
.
"Bakit po lola ".sagot ko habang sinasaluhan ko si lola sa hapag
"Pupunta kaba sa may tabing ilog ?tanong niya.
Alam kasi ni lola na lagi akong nagpupunta doon para maligo at mamahinga."Opo,lola."maikling sagot ko.
"Pero sasaglit lang po ako doon para ibenta ang mga halamang gamot na ginawa niyo kahapon".
Tumayo na si lola upang iligpit ang aming pinagkainan."Ako na po lola".ngumiti lang ito nang tipid sa akin at pinagpatuloy ang kanyang ginagawa.
"Kung lalabas ka nang gubat apo isuot mo ang iyong balabal."
Nakatira kaming dalawa ni lola sa isang liblib na kagubatan,ang lupang kinatitirikan nang aming mumunting kubo ay pag mamay-ari daw nang pinaka mayamang angkan ng Costa Leona.
Ang Costa Leona ay makikita sa pinaka sulok nang vizaya.Bagama't tago ang aming lugar ayon kay lola ay maraming angkan nang mga kilalang personalidad o di kaya't mayayamang angkan ang naninirahan dito.Si lola letizia at lolo ferdie ay matagal nang naninirahan sa costa leona dito na din sila nagkakilala at bumuo nang sariling pamilya,bagamat mas pinili nilang manirahan sa kagubatan.
Ayon ulit kay lola mas gusto nang kanyang lolo ang lugar na ito ay dahil upang malayo sila sa gulo sa labas at mas payapa ang kanilang pamumuhay."Sige po lola".maikling sagot ko.
Lagi akong pinapahalalanan ni lola na magsuot nang balabal bago ako lumabas sa gubat.proteksyon ko daw iyon sa mga matang pamanghusga!
Kakaiba kase ang aking itsura.Ang aking balat ay makinis at puti kapag naarawan ay namumula ang aking buhok ay kulay tsokolate'ang aking mata ay kakulay nang langit.kakaiba ang aking itsura kaya maraming mga matang nakatingin sa akin kapag nasa labas ako nang kagubatan.
"O,siya sige mamahinga kana muna at mamaya maghanda kana sa iyong pag labas nag kagubatan baka gabihin kapa sa iyong lakad at delikado para sayo iyon."
Opo lola"maikling sagot ko.
.... .
BINABASA MO ANG
Shylove
General FictionSi Shylove ay isang babaeng inosente nakatira sa isang liblib na lugar kasama ang kanyang lola letizia.Maagang naulila si Shylove kaya silang dalawa nalang nang kanyang lola ang magkasama. Namumuhay silang tahimik at mapayapa.Ngunit magbabago ang la...