"Oh little red riding hood".wika nang kanyang kasama.
Nang makabawi na ako sa aking pagkagulat ay tumalikod na ako sa kanila at kumaripas nang takbo.Pagod akong huminto sa likuran nang isang matayog na puno nang acasia.
"Ah muntik na ako doon.sino kaya sila bakit sila nasa gubat."mahinang sambit ko.
Pinagpatuloy kona ang aking paglalakad upang makarating sa pamilihan.Nang makarating na ako sa labas nang kagubatan maraming mata ang nakatutok sa akin waring sinusuri ang aking pagkatao.Tulad nang aking nakaugalian hindi ko na lamang sila binigyan nang pansin at patuloy lang ako sa paglalakad.
"Diwata nang kagubatan nasa labas nanaman".sigaw nang batang naglalaro malapit sa kalsada.dahil sa sigaw nang bata tumigil saglit ang mga tao sa kanilang kanya kanyang ginagawa upang makiusyoso."Nakakatakot siguro ang itsura niya kaya nakasuot siya nang balabal".narining kong wika nang isang babaeng hindi nalalayo ang edad sa akin.Hindi ko na lamang sila pinansin at tinahak ko na lamang ang daan papunta sa pamilihan.
Pagkadating ko sa pamilihan iba't ibang ingay ang iyong maririnig.
"Alam niyo na ba na dumating na ang panganay na anak ni Senyor Felix.wika nang isang ginang na nagtitinda nang ibat ibang uri nang mga karne."Balita ko nga".sagot nang isang matandang namimili sa kanya.
"Ang balita ko masama daw ugali nang binatilyong iyon. Sayang napaka gandang lalaki pa naman niya".Hindi kuna tinapos ang kanilang pag-uusap dahil hindi ko naman kilala ang kanilang tinutukoy.Hinanap ko na lang si Aling Cora.Si Aling Cora ang bumibili nang mga halamang gamot na gawa ni lola.kilala din itong bilang tindera nang mga halamang gamot'mabisa ang mga halamang gamot ni lola sa sakit nang kasu-kasuhan,ubo't sipon at iba't ibang uri nang sakit.Nang makita kona siya sa kanyang puwesto'mabilis ko siyang nilapitan.
"Magandang umaga po".bati ko sa kanya.tipid naman itong tumango.
"Iyan na ba ang mga gamot na gawa nang iyong lolo ineng" tanong niya sa akin."Opo".tipid na sagot ko.
"Tatlong daan lahat".sabay abot sa pera."Maraming salamat po."Aalis na sana ako sa aking kinatatayuan nang biglang may isang lalaking tumatakbo'at hindi sinasadyang natamaan ang aking balikat dahilan nang aking pagkatumba."Pasensya na po".hinging paumanhin ko.
BINABASA MO ANG
Shylove
General FictionSi Shylove ay isang babaeng inosente nakatira sa isang liblib na lugar kasama ang kanyang lola letizia.Maagang naulila si Shylove kaya silang dalawa nalang nang kanyang lola ang magkasama. Namumuhay silang tahimik at mapayapa.Ngunit magbabago ang la...