Kimmer Ryx Gomez POV
Mga chakang to! Kala mo kung sinong maganda at kung makatingin parang ang panget-panget ko.
Tusukin ko mga eyeball niyo ng makita niyo.
Hayyyy....
Ganito ba talaga pag-anak mayaman at ang gaspang ng mga ugali kung hindi ko lang talaga gusto makapagtapos ng pagaaral baka majumbag ko natong mga chakang to.
Psh, ako lang maganda nu!
Kasulukuyan ko kasing tinatahak ang hallway papuntang room. At syempre dahil sadyang maganda ako kaya madaming tumitingin sakin, (flip hair).
Napapangiti nalang ako sa mga naiisip ko ng biglang....
"Araayy!!" Daing ko habang marahas na hinihimas ang pwet kong nalamog sa pagbagsak.
PUTA!!!
Sino bang animal ang bumangga sakin nang mabangasan ko.
Agad ko naman itong tiningnan at binigyan ng isang tiger look...
Pero napatigil ako...
Shuta ang gwapo! Pero hindi! Galit ako ngayon kaya dapat siyang managot!
Agad akong tumayo at raskal na pinagpag ang slacks na suot ko bago ko ito inis na tiningnan.
"Hoy! Bakit mo ko binangga?!" Taas kilay kong tanong. Nakita niya nang may dyosang dumadaan tapos binangga pako! Bastusan lang talaga?!!!!
"I'm not." Tipid nitong sagot na ikinakunot ng nuo ko habang magkasalubong ang kilay.
Attitude?
"Anong hindi? Sa tingin mo ba matutumba ako kung hindi mo ko binangga?!" Inis kong untag dito at pinaningkitan ito ng mata.
Marami naring mga tsismosa sa
paligid ang nakikiusyuso sa ganap namin ngayon pero itong kaharap ko ay parang wala lang pakialam."You're just stupid so stop putting the blame on me." Tanging sagot lang nito sakin bago ako lagpasan.
Napatanga naman ako.
Stupid?!!!
Hindi ako pinanganak na maganda para lang tawagin stupid ! Kaya hindi ko yun matatanggap.
Agad kong hinubad ang lumang sapatos kong suot at pinuntiryang batuhin ang ulo nito at dahil magaling ako ay hindi ito natamaan at lumagpas lang sa direksiyon niya.
Lumingon naman ito sakin.
"Are you trying to hit me?" Salubong kilay niyang tanong pero nginitian ko lang ito ng matamis.
"Ako? Hindi nu! Sinusubukan ko lang talaga kung matatamaan ko yung hangin. Pero anggaling pala nung umiwas" Ako at inerapan siya. Hindi paba halata na para sa kanya yun.
Tangahan lang masyado?
Nakita ko naman itong napabuntong hininga bago ito dahan-dahang naglakad sa direksyon ko habang may nakakatakot na ekspresyon ang mukha.
"You really testing my patience huh?" Parang nagtitimping sabi nito. Kakabahan na sana ako pero nang maalala kong may pasok pa pala ako ay agad kong tinungo ang direksiyon ng sapatos ko at madalian itong sinuot bago tinungo ulit ang direksiyon ng lalaki.
Patay! Malalate na ko!
"Hoy lalaki! Maya ka nang mag-sorry may pasok pako at kung gusto mong patawarin pa kita bigyan mo ko ng 5k, hmmmpp!" Mataray kong sabi dito.
May presyo na lahat nu!
Hindi ko na ito hinintay sumagot dahil dali-dali na kong tumakbo papuntang room pero narinig ko pa itong nagmura bago ako umalis.
BINABASA MO ANG
Love in Contract
General Fiction"Hoy, ano bang alok ang sinasabi mo? Siguraduhin mo lang talaga na matutuwa ako diyan." Nakataas kilay nitong tanong. Napakunot naman ang nuo ng binata "Can you just shut your mouth. You're so loud." Salubong kilay nitong sagot pero inirapan lang si...