Chapter 12
Lisa's POV
After nang nakakatawang kasal ng Seulrene at Chaesoo ay umalis na kami ni Jennie.
Pagod na pagod kaming dalawa at natulog lang, kinabukasan ay nagmamadaling umalis si Jennie dahil sa madami syang naiwang papeles sa kumpanya nila.
Its been 2 weeks since then at naiinis na ako. Simula nang magpakasal kami ni Jennie ang huling beses na magkasama kami ng kaming dalawa lang ay ang 2 days namin sa Norway.
"Aalis ka ulit?" Tanong ko.
"Yep, sorry ang dami lang ginagawa." She give me peck then she leave.
Mga hapon na at bored na bored na ako. Kaya naisip kong gawin yung sinabi sakin na prank ni Jisoo at Seulgi.
Kinuha ko yung phone ko at nagmessage kay Jennie.
My Jennie 😍
You can go here now, she will be home late.
"Send." I said grinning.
Sabi sakin ni Jisoo at Seulgi siguradong matatawa si Jennie sa prank na to, pero hindi ko alam kung bakit ayaw nilang sabihin ko na sila ang nagturo sakin.
"Lisa!" Narinig kong sumigaw si Jennie sa may 1st floor.
Lumabas ako ng kwarto at isang lumilipad na heels ang sumalubong sakin, buti na lang at nakailag ako. Then I felt my back at the wall and Jennie is holding me in my shoulder and pinning me at the wall. I also felt her knee at my crotch.
"Lisa! Hayop ka!" Galit na galit si Jennie, she's in her vampire mode.
"Eh? Bakit? Ano nanamang ginawa ko?" Nagtataka kong tanong.
"Sino yung kabit mo ha!? Nasan sya!" Sigaw nya sakin.
"Hindi ko alam." Kinakabahang sabi ko.
She growl at me, tapos pinakawalan ako at pumasok sa kwarto namin. Naghalughog sya sa buong kwarto na para bang may hinahanap.
"Damn you Lisa! Nasan yung kabit mo!" Sigaw nya sakin nang wala syang makita sa kwarto.
"Wala akong kabit Jennie." Mahinahong sabi ko.
Hinila nya ako at pabalibag na hiniga sa kama. She hold my arms upward with her right hand and she hold my waist with her other hand.
"Liar! Nawrong send ka sakin! Kailan mo pa ako niloloko ha! Kailan pa!" Sigaw nya sakin.
Humigpit ang paghawak nya sakin pero pilit akong kumakawala sa hawak nya.
"Hindi ako nawrong send." Sabi ko sa kanya.
Nang sinabi ko yun lumuwag yung pagkakahawak nya sakin kaya nakawala ang mga braso ko. Namumula ito sa higpit ng hawak nya kanina.
"What?" Nagtataka nya akong tinignan.
"It's a prank." Sabi ko then pouted. "Niloloko nila ako, sabi nila matatawa ka."
Parang naghihina naman na napahiga sa ibabaw ko si Jennie, siniksik nya yung mukha nya sa leeg ko.
"Damn it Lisa, natakot ako." Sabi nya.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kanya, niyakap ko sya.
"Your message means that you are seeing someone Lisa." Sabi nya sakin, she then start to sniff me.
"Hala!" Nagulat ako sa sinabi nya. "Hindi ko gagawin yun. Sabi sakin ni Jisoo at Seulgi nakakatawa daw yun."
"It's okay Lisa, I understand. I'll take care of them later." Bulong nya.

BINABASA MO ANG
Aurora's Blessing (Calypso's Curse Sequel)
Fanfic[Calypso's Curse Sequel] A curse that breaks her heart. A bond that was forgotten. Will their thread of fate interweave again?