Chapter 26
Sweetie
••••••••••••••••••••••••••••••••
Pagdating ng linggo ay lilipat na ako sa Vivaldi condo. Ihahatid ako ni Tanya at Flint. Dalawang araw na rin akong inaasar ni Tanya, aniya patay na patay talaga sakin si Brayden.
"Grabe! Marionne. Ang swerte mo naman!! Arg! Brayden Matthew Monteverde's" panunuya niya sakin noong sinabi ko sa kanyang papatirahin ako ni Brayden sa dating condo nya.
Nakasakay kami ngayon sa pulang Ford Ranger ni Flint. Medyo malayo ito sa bahay nila kaya medyo matagal ang biahe. Nasa front seat si Tanya ako naman ay nasa backseat. Ang mga gamit ko ay nasa bedrail ng sasakyan. Kanina pa ko inaasar ni Tanya. Si Flint naman ay tawa lang ng tawa.
"Dapat kasi sagutin muna sya Marionne! Hiwalayan mo nalang si Kevin" sambit ni Tanya.
Nagkibit-balikat lang ako. Wala naman akong sasagutin dahil hindi naman nanliligaw si Brayden eh. Kevin? sino un? kilala ko ba un?
"Tse! Hindi naman sya nanliligaw eh" sagot ko.
Tumili si Tanya. Pati si Flint ay naingayan don sa tili nya. "So kapag nanligaw sya, may pag-asa sya? Ayeih!!" pang-aasar nya.
"Love, ang ingay mo. Wag mong pinipressure si Marionne" sabi ni Flint habang nakangisi na nagdadrive. Arg! Isa pa to eh. Makahulugan ang mga ngisi nya.
"Eh kasi naman eh. Sabihin mo nga kay Brayden na ligawan na tong si Marionne, love" ani pa ni Tanya at pumapalakpak.
"Kayo talagang dalawa. Tumigil nga kayo! Tss." sabi ko lang at umirap sa kawalan. Parang ibinebenta ako ng dalawang to eh.
Nang makarating na kami sa Vivaldi Condo ay tinulungan nila akong mag-ayos ng gamit nang biglang may nagtext sakin unknown number.
Unknown Number:
You arrived in condo? Text me if you already arrived.
Hindi na kailangang magtanong. Alam kong si Brayden iyon. Kailangan ko lang ng clarification.
Ako:
Bray? San mo nakuha number ko?
Unknown Number:
Yep. Is isnt obvious? Kay Tanya.
Kaasar to! Pilosopo eto ay!
Ako:
Pilosopo! Okay! I'm already here. Kasama ko si Flint at Tan.
Unknown Number:
Hahahahaha. Okay sweetie. Pupunta ko mamaya dyan
Nag-init ang pisngi ko. Sweetie. Arg!
Hindi ko na sya nireplyan. Busy kami nag-aayos ni Tanya ng mga gamit ko. Si Flint naman ay nagpapalit ng curtains sa sala.
Si Tanya ay eto nangungulit nanaman sakin.
"Girl, sige na! Kayo nalang ni Bray. Bagay kayo eh" pang-aasar nanaman nya.
"tumigil ka nga Tanya! Para kang tanga! Hindi nga sya nanliigaw eh!" sabi ko habang inilalagay sa closet ang mga damit ko.
"Asus! Hindi paba sign of panliligaw to Marionne? Pinatira kana sa condo nya oh" dagdag pa nya.
"Lukaret ka talaga eh noh? Wag mong kalimutang may boyfriend pa ako Tanya. Hindi pa kami officially naghiwalay ni Kevin" ani ko naman.
Humalakhak sya. "Sooner or later, magiging official din ang break up nyo. And then, magiging kayo na ni Brayden"
Umiling ako. "Tss. Grabe ka Tan. Nakapa-advance ng pag-iisip mo"
Tawa lang sya ng tawa.
Hindi malayong mangyari ang sinasabi ni Tanya. Gusto kong kausapin si Kevin para magkalinawan kami. Para malinaw rin sakanya na hindi pwedeng basta basta nalang nyang gawin ang gusto nya sa akin, anytime, anywhere. Hindi naman pwede un. At yung sinasabi ni Tanya na magiging kami ni Brayden? I doubt kung mangyayari un? Di nga sya nanliligaw eh. At hindi ako naniniwalang manliligaw sya sakin. Oo umamin syang gusto nya ako, at ipagpapatuloy ang pagkagusto sakin pero hindi nya sinasabing gusto nyang ilevel up. Is it because I still have Kevin??
Nang magtanghalian ay kumaen na kami. Nagluto si Tanya ng Menudo at Chopsuey. Sa kalagitnaan ng kaen namin ay nagring ang cellphone ko.
Brayden Monteverde is calling.....
Ang bilis ng pintig ng puso. Hindi ko alam kung bakit ganto nalang ang epekto ni Brayden sakin. Should I worry or should I be thankful for this feeling? Arg!
Uminom muna ako ng tubig saka sinagot ang tawag ni Brayden.
"Hello Bray" panimula ko.
Isang nakapangingilabot na ngisi ang ipinakita ni Tanya. Si Flint naman ay natatawa lang sa gilid. Pinandilatan ko pa ng mata si Tanya sa inasal. Tumigil namn sya at kumaen na ulit. Sinubuan pa sya ni Flint.
"Hello Marionne. Andyan pa sila Flint at Tan? I'm on my way." aniya
Tumango ako. "Oo. Andito pa sila. Naglalunch palang kami eh"
"Okay. I'm along Billgates Ave. Kakaen ako dyan hah! Hintayin nyo ko." sabi
niya
Um-oo lang ako at pinatay na ang linya. As usual, ilang libong asar nanaman ang pinaulan ni Tanya sakin. Paulit-ulit nalang, parang sirang plaka rin naman akong sagot ng sagot na hindi.
Ilang sandali lang ay nariyan na si Brayden wearing a khaki short, navy blue shirt and topsider pants. Its like the usual Brayden's look. I want him wearing that attire all the time. Arg! Kumaen na rin sya. Nang matapos kaming kumaen ay nagpasya akong maghugas na ng pinggan. Si Flint naman at Tanya ay nasa sala nanunuod at syempre naglalampungan. Ako at si Brayden ang naiwan sa may counter. Nagliligpit ako at kukunin na sana ang baso nya ng bigla nyang hawakan ang kamay ko.
May iilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa katawan ko. Hinawi ko ang kamay ko at pinag patuloy ang ginagawa. Tumawa lang si Brayden sa inasal ko. Hindi ko na sya pinansin at naghugas nalang sa lababo.
Nang matapos akong maghugas ng pinggan ay pumunta na ako sa sala. Nandoon pa rin si Tanya na nakahilig sa balikat ni Flint. Nanunuod sila ng RomCom movie. Hinahanap ko si Brayden ngunit walang mahagilap ang mga mata ko. Nagtungo ako sa kwarto ko at namataan si Brayden na nakahiga roon sa kama ko. Nakapikit ang mga mata.
"B-brayden." sabi ko.
Hindi sya nagsalita. Baka tulog na. Lumapit pa ako para makita kung tulog ba talaga sya.
"Bray, tulog kana ba?" tanong ko ulit nang bigla nya akong hilahin. Napahiga tuloy ako sa dibdib nya. I can smell his damn so masculine perfume. Nakakarelax habang inaamoy ko sya. Saglit akong nagbalik sa ulirat ng maramdamang niyakap na nya ako.
"B-brayden...." sabi ko nanaman at nilayo ang sarili sakanya. Nagpoprotesta ang puso ko sa ginagawa kong paglayo. Hindi to pwede!
"Hmmmm?" narinig kong sabi nya.
"You're hugging me..." nahihiya kong sabi sa kanya. Although ayoko talagang kumawala ay kailangan.
Nakita ko ang ngisi nya sa kanyang mga labi. Nag-eenjoy ang loko.
"Please Marionne, just a minute. Naiinggit ako kay Flint at Tanya eh kaya dito ako pumunta" sabi nita habang nakapikit pa rin.
Goddamn it Monteverde!
BINABASA MO ANG
Perfectly In Love (NZ1 -Completed)
Fiction généraleI will wait for the right time until I can say that I'm perfectly inlove. ❤