Chapter 8: A Glimpse of Death

44 0 1
                                    

Lalong lumakas ang ulan.

Napaluhod na si Vixen habang ang kanyang mukha'y nakatingin kay Iko na tuwang -tuwang sipa sipain at gulpihin ang kanyang katawan. Nasa malayo na ang kanyang baril.

May katotohanan kaya ang kanyang sinabi? ganun ba talaga ang Sentinel? Ibinigay ko nanaman ang tiwala ko! Si Kenneth nasabi niyang kasapi siya ng Org noon..

Para kanino ba ako nabubuhay?

...Sa Colony!..Para sa mga taong gusto kong ipagtanggol?

"Iko! Hindi!" Sumigaw si Vixen ng napalakas. Nasangga niya ang kamao ni Iko na dadagok na naman sa mukha niya. "Tama na! Ang sakit na ng mukha ko.." pangiti ni Vixen habang mabilis niyang hinugot ang laseta nakasuksok sa kanyang medyas at mabilis na itinarak ng paulit ulit kay Iko. Natumba si Iko.

"Ano pang dahilan mo para lumaban? Kalaban na ang nagpadala sayo para mamatay...!"

Binawian ng buhay si Iko ng iputok ni Vixen ang baril sa kanyang ulo. Agad siyang lumakad palayo sa lugar na iyon ngunit hindi kaila na malaki din ang pinsalang natamo niya mula kay Iko. Nagdilim ang paningin niya.

Nang maalala niya ang Colony nagkaroon siya ng lakas para ituloy ang kanyang misyon. Naroon ang mga magulang niya. Naroon din si James..

Mabilis lang pala siya patayin...

Nawalan ng malay si Vixen sa kandungan ng isang lalaki.

"Ikaw na ba ang sumusundo sa akin? Nakakadissappoint pala na pinaglalaruan lang ang tulad naming ordinaryong tao ng mga mayayaman at kumukontrol sa lipunan. Mabuti palang mamatay agad para makatakas na sa kanila."

At tuluyan na siyang nawalan na ng malay.

Nakita ni Vixen ang dalawang lalaking tila mga aninong naghahabulan at huminto ngunit ng sila ay nagharap parehas din silang tumumba.

Nakita niya si Iko. May hawak na patalim at siya'y inundayan. Pinipilit niyang gumalaw ngunit hindi siya makagalaw. Nagsusumigaw siya ng malakas.

"Hindi!"

Nagising siya sa isang malakas na sampal. Idinilat niya ang kanyang mga mata at unti unting lumiliwanag ang lahat.

Nagpalinga linga siya at nakita niya ang pamilyar na mukha. Pinilit niyang gumalaw. Ngunit naramdaman niyang maraming parte ng katawan niya ang masakit.

" Sorry..sumigaw ka kasi." Paliwanag ni Kenneth."Wag mo ng ipilit. May bali ka sa tagiliran. Bugbog na mukha at mga pasa sa hita." dagdag pa niya

Nanatiling nakatingin si Vixen kay Kenneth.

"Hindi ka makapagsalita dahil pumutok ang nguso mo. Magaling si Iko sa mano manong labanan. Pero sa huli nanalo ka parin."

"Pa..no mo ko nahaahanap?"hirap niyang tanong

"Hindi talaga ako nagpakita sayo pero araw araw kitang binabantayan...baka kasi gusto mong kumilos ng magisa ayokong makigulo..kaya ng isagawa mo ang misyon andito lang ako sa paligid" Paliwanag ni Kenneth habang humihitit ng sigarilyo

Maghapon lamang siyang naroon sa kuwartong iyon. Ginamot at binantayan ang mahinang si Vixen.

Nung bumagsak ako akala ko katapusan ko na. Bangungot ang lahat ng ito. Ayokong maniwala kay Iko na may kinalaman ang Org sa misyong ito. Kung magkatotoo man hindi na ako makakauwi sa Sentinel.
..Ang Colony...

Ilang araw pa ang lumipas. Nagpagaling si Vixen ng kanyang mga sugat. Ngunit hindi niya makuhang magsalita o magkwento kay Kenneth. Dahil dati itong kasapi ng Org. Nais niyang malaman kakampi ba ito o kalaban bandang huli.

Vixen: The Winter FlowerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon