Halos hindi ako makapaniwala sa nangyayari ngayon.
"And you, slut!" halos pasigaw na sigaw ni Xylene sabay sabunot sa buhok ng babaeng kasama ni Raze. Napaatras ang ilang estudyante sa paligid dahil sa biglaan at marahas na eksena. Umiiyak na yung babae habang pilit siyang inilalayo ng DS girls kay Xylene, pero ayaw magpaawat ni Xylene—parang nakulong na leon na gusto lang ipaglaban ang kaibigan niya.
“Ano ba Xylene!” iyak ko habang pilit siyang pinipigilan. “Tama na please!”
Pero biglang ITINULAK ni Raze si Xylene ng sobrang lakas kaya’t napaupo ito sa malamig na sahig ng cafeteria. Napatigil ang lahat—parang huminto ang oras. Kahit ang mga estudyanteng kanina'y tumatawa, ngayon ay nanahimik, nagulat, at napatitig kay Raze.
"Ano bang problema mong babae ka?" galit na galit na sigaw ni Raze. “Don’t mess with me, Xylene! Hindi mo gugustuhing magalit ako!”
Agad akong lumuhod sa tabi ni Xylene, inalalayan ko siya habang nanginginig pa siya sa galit.
"Wow, Raze!" sigaw ni Xylene. “Ang kapal din naman ng mukha mo para sabihin yan, ah! Edi go, magalit ka hanggang mam*tay ka! Kapal ng mukha mong saktan ang kaibigan ko at ipagpalit sa babaeng yan!”
Lumingon ako sa babaeng kasama ni Raze—umiiyak siya at nakayakap sa braso ni Raze, para bang siya pa ang biktima sa gulong ito.
"So ang ipinaglalaban mo iyang kaibigan mo?" tumaas ang kilay ni Raze habang nakatingin sa akin. “Hahaha. Aisla, bakit hindi mo nalang sabihin sa kanila kung anong sinabi ko sayo kahapon?”
Napakapit ako kay Xylene. “X-xylene... tara na, umalis na tayo dito...” mahina kong bulong, umaasang makakaalis kami nang walang dagdag na gulo.
Pero ngumisi si Raze. “Come on, Aisla. O sige, ako na lang magsasabi. Mukhang hindi mo naman kayang panindigan ang lahat ng ‘to.”
Tumawa siya—yung tawang nanunukso, malupit, parang wala siyang puso.
“Para sabihin ko sayo, Xylene, na kahit kailan—HINDI KO MINAHAL yang kaibigan mong yan!” malakas niyang sabi, halos sumigaw. “Sino namang magkakagusto sa ganyang itsura? Hindi ganyan ang tipo ko. Pinagpustahan lang namin siya ng mga kaibigan ko… at nakuha ko na ang gusto ko sa kanya.”
BOOM.
Parang binagsakan ako ng langit at lupa.
Hindi na ako nakagalaw. Hindi na ako makahinga.
Dahan-dahan akong bumitaw sa braso ni Xylene, at lumapit ako kay Raze na parang isang multong tinanggalan ng kulay. Lahat ng mata nakatingin sa amin, pero wala na akong pakialam.
“Masakit ba, Ais—”
PAAAAK!
Sinampal ko siya ng buong lakas, halos tumagilid ang mukha niya. Hindi ko na pinigilan ang luha ko.
“Masaya ka na ba? Dahil nakuha mo na ang gusto mo?” nanginginig kong sabi. “Masaya ka na ba dahil napaluha mo ako? Dahil sinira mo ang pagkatao ko? Dahil naniwala ako sayo kahit niloloko mo lang ako?”
“Masaya ka na ba, Raze?” ngumiti ako, mapait, punong puno ng sakit. “Wag kang mag-alala… sa oras na mawala yung sakit na ‘to, ikaw naman ang magdurusa.”
At doon ako tumakbo—tumakbo nang walang direksyon. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Hindi ko na alam kung nasaan ang puso ko. Basta ang alam ko lang, ang sakit.
Hanggang sa naramdaman kong naupo na ako sa bench sa likod ng campus. Wala nang tao. Wala na rin ang ingay.
Tumitingala ako sa langit habang tuloy-tuloy ang luha ko.

BINABASA MO ANG
Tears Of Sorrow (PUBLISHED UNDER UKIYOTO)
Teen FictionCOMPLETED What if the love of your life was also your greatest heartbreak? Aisla Xyceria wasn't looking for forever-but it found her in the eyes of Raze Yuan, a boy with a heavy past and a dangerously beautiful smile. Their connection was instant, u...