"Punyeta ka! Lumayas ka sa pamamahay na to! Inutil!"
Pigil ang luha ko habang pinupulot ang mga damit na nagkalat sa kalsada. Sinamaan ko ng tingin ang pinsan kong si Patricia."Pakyu ka bente! Hinding hindi na talaga ako babalik dito nginamo!"
Sinaludo ko ang gitnang daliri ko Kay Patricia at gumanti din saakin ang demonyita. Kahit gigil akong sabunutan siya pinagtuunan ko na lang ng pansin ang pagpulot sa mga damit ko gagang Patricia bagong laba ko tong mga damit ko isasaksak ko talaga sa baga niya ang downy na ginamit ko punyeta."Hindi kana welcome dito! Umalis kana pangit! Shoo!!"
Nang maipon ko na lahat ang damit ko at maisilid sa loob ng maleta, tumayo ako ng tuwid at tinitigan sa mata si Patricia, anong akala sakin ng babaeng ito mahina? Ha! Wala sa bokabularyo ko. Kung demonyita siya mas demonyita ako ng 100%"Ito ang tandaan mo Patricia na mukhang kuhol, makakahanap ako ng gwapong mayaman at ipapa demolish ko ang bahay na to pakyu ka!"
"Wag ka ng umasa Candace, sinong magkakagusto sa isang katulad mo na mahirap, walang maipagmamalaki at ulila? Kawawa ka Candace kung ako sayo mag bigti kana!"
Kinuyom ko ang kamao ko ng tumawang parang bruha si Patricia at pumasok na sa loob ng bahay nila. Tanginang babae yun kung makalait kala mo maganda! Mukha naman kuhol. Eh ano naman kung ulila ako?! Maganda parin ako! Eh ano naman kung mahirap ako?! Maganda ulit ako! At tanga siya may maipagmamalaki ako itong ganda kong walang katulad. Kung siya kaya ibigti ko.Buti na lang at walang mga pakalat kalat na tao dito nasa plaza ang mga tao dahil nag speech si mayor, good timing ka mayor. Dahil kung hindi, madami na naman makiki echos. Mga tsismosa tao dito bwisit. Padabog na binitbit ko ang maleta ko. Ang tanong saan ako pupunta? Wala naman akong kaibigan dahil sa hinyupak na Patricia na yun sirang sira ang pangalan ko dito sa lugar namin.
11 anyos palang ako ng mamatay ang mga magulang at kupkupin ng pamilya nila Patricia, Kapatid ni papa ang ina ni Patricia ngunit sa kasamaang palad na deads si tita Marian dahil sa sakit sa puso at simula ng mamatay ang tita naging demonyo na ng tuluyan si Patricia at ang tatay niyang kalansay. Naging miserable ang buhay ko dahil sa magtatay na yun. Kung buhay sana si tita hindi naman magkakaganito.
Pinunasan ko ang luha ko ayokong umiyak nakaka pangit yun ayokong maging kamukha ni Patricia. Ako kaya si Candace Anderson, wala sa bokabularyo ko ang maging mahina.
Saan naman kaya ako pupulutin? Wala pa akong kain bwisit na Patricia kasi yun wrong timing kung magpalayas. Nakakita ako ng karenderya sa di kalayuan, may pera pa naman akong naitabi buti na lang talaga at nakapagipon ako for emergency purposes.
"Ale 2 cup po ng kanin, yan pong dinuguan, tsaka Yan po chopsuey, tas yang adobong sitaw"
Habang inaantay ang order ko may napansin akong kakaiba Mula sa kalayuan. Nakasandal ang lalaki sa kanyang kotse habang may kausap sa telepono grabe mukha siyang modelo. Ang pogi! Kahit malayo alam na talagang pogi to eh, sa tindig palang pak na pak na! Pustahan may abs to mga walo o namin ang tantiya ko.Nadismaya ako ng pumasok na ito sa loob ng sasakyan niya at pinaharurot palayo. Sayang Hindi ko nakita ang mukha side view lang kasi. Inubos ko na ang pagkain at nagbayad. Hindi naman ako timawa pagdating sa pagkain medyo lang kapag gutom. Kaya makakatipid ako.
Gusto ko ng iumpog ang ulo ko sa pader, kanina pa ako lakad ng lakad pagod at uhaw na din ako parang ang bilis ko matunawan eh ang dami dami kong kinain kanina. Asar na sinipa ko ang lata na nakita ko.
"Malas mo talaga Candace! Kung Hindi mo sana pinatulan ang kaeengengan ni Patricia hindi ka mamroblema ng ganito"
Minsan talaga wala sa hulog ang kasaltikan ni Patricia.Tulala lang ako habang naglalakad wala na akong pake kung saan ako dalhin ng mga paa ko bahala siya mag decide. Ganito ba talaga kapag maganda? Palaging may problema?
Tatawid na sana ako ng biglang gumulong gulong ako sa gitna ng kalsada.
"Fuck! Damn it!"
Naramdaman Kong umangat ang katawan ko, medyo malabo at hindi ko naaninag kung sino ang bumuhat saakin, ngunit isa lang ang masasabi ko. Lord nasa heaven na ba ako? Anghel ba itong may buhat saakin?"Hold on Ms! I'll bring you to the hospital!"
At tuluyan na nga akong nilamon ng dilim.