Prolouge

240 13 0
                                    

Naranasan mo na bang magmahal ng mali? Nagmahal ka na ba ng may kahati? Nag angkin ka na ba ng pag ma may-ari ng iba? Nagbigay ka na ba ng walang hinihinging kapalit? Bakit nga ba minsan may mga bagay na nagagawa tayo na hindi natin inaasahan magagawa pala natin? Sino nga ba ang gusto na magmahal ng merong kahati? Sino nga ba ang may gustong maging pangalawa lang? At sino nga ba ang gustong magmahal ng mali?

Bakit nga ba hindi mo maiwasang mahalin ang pag aari ng iba? Na kahit anong iwas mo hindi mo mapigilan? Pikit mata mo na lang tinatanggap ang katotohanan makasama mo lang siya kahit sa konting sandali. May pag-ibig na dumarating sa maling panahonat maling pagkakataon...... Gustuhin mo mang makasama siya pero hindi pwede.Minsan iniisip mo na sana siyaang kasama mo.


Kasama mong bumuo ng mga pangarap at kasama mo hanggang sa pagtanda mo.... Sabi nga nila hindi lahat ng nagsasama ay nagmamahalan at hindi lahat ng nagmamahalan ay magkasama. Mapaglaro ang tadhana, minsan akala mo nakita mo na ang taong gusto mong makasama habang buhay pero sa isang iglap may taong gugulo sa mundo mo at hindi ko inaasahan babago ng pananaw mo.... Maraming bagay ang hindi ko maipaliwanag at hindi mo maintindihan...

Ano nga ba ang tama at mali? Ano nga ba ang dapat at hindi? Kahit gaano ka katalino sa paaralan at buhay Pagdating sa larangan ng pag- ibig mabobobo at mabobobo ka din.. Dahil sa pag-ibig hindi naman utak ang ginagamit kung hindi puso,kaya hindi mo mapipili o mapipigilan kung kanino ka magmamahal.... Mahirap itama ang mga pagkakamali... Lalo na kapag nagdudulot ito ng ligaya sayo.. Pero kung iisipin mo nga na mas masarap tahakin ang tamang landas... Yun bang wala kang nasasaktan na iba at wala kang nasisirang buhay......


Walang sinumang maaaring humusga sa taong nagmahal ng mali dahil lahat tayo ay may pagkakamaling nagawa. Ang mahalaga alam mo kung paano ka babangon at itatama ang pagkakamaling iyong nagawa... Minsan kailangang gawin ang tama kahit na labag ito sa kalooban mo.. Ang pag-ibig naman kasi hindi yan makasarili Hindi lang kaligayahan mo ang dapat mong sundin... Dapat isipin mo ang taong nasa paligid mo at ang tama. Baka kailangan mo lang tanggapin sa sarili mo na 'you have a right love at the wrong time'... Lahat naman pwede pero hindi lahat dapat.



Well, You Changed Me!(Ikaw Ba Talaga? Part 2) (JaDine fanfiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon