•••••
DAY ONE
[Pryztel]
Maaga akong nagising.Ayoko naman kasing mangyari uli yung nangyari kahapon.
Nakakahiya ako.
Hinintay ko nalang ang pagdating nya at nasa sala ako tumatambay.Wala lang,kumakain lang ako ng snacks habang nanonood ng TV.Powerpuff Girls kasi yung show.Haha namiss ko tuloy to.
Ilang oras lang ang nakalipas may nagdoorbell na.Napatayo naman ako kaagad at patakbong tinungo ang pintuan at saka binuksan.
"Andito ka na pala.Hmm pasok ka muna"-sabi ko at pinapasok na sya.May dala syang mga bagahe.
Tinawag ko ang katulong namin saka pinahanda ang kwarto nya.Pinalagay ko na din ang maleta nya sa kwarto.
"Dun muna tayo sa sala.Hmm,may I offer you something?"-I kindly said at pinaupo ko sya sa sofa.
"Uh,sige salamat nalang.Ano bang gagawin natin ngayon?"-he curiously asked.
"Eto na ang schedule natin,inayos ko na kagabi."-inabutan ko sya ng papel na pinagsulatan ko ng mga gagawin namin.
Binasa naman nya yun.
"Oh,Yuan,bakit di ka pa nagbibihis?Zic,nandito ka na din pala"-nagtatakang tanong ni Corrs na kakababa lang galing sa kwarto nya.Nakauniform na sya at handa na lahat para pumasok sya.
"Hindi ako papasok ng two weeks,ikaw na ang bahala sa mga teacher natin"-mukhang naintindihan naman nya kaya tumango nalang sya.Pinagmasdan lang namin sya habang papalabas ng bahay.
Matalino naman talaga yun kaya nga nya ako nagets agad.Ayaw ko lang syang makasama sa isang section kaya dun sya napunta sa section C.
"Okay!So simulan na natin?"-nakangiti kong sabi.Mukhang di naman siguro ako masyadong excited sa lagay nato di ba?
"Shopping?Pero wala akong pera."-yun kasi ang number one sa list.Napatawa nalang ako.Akala ko ba matalino sya?Pero at least naman hindi sya assuming na bibigyan ko sya ng pera haha.
"Ako na ang bahala.Tara na."
•••••
Sumakay na kami ng kotse at pinagdrive na kami ni Manong Ernie.
"Madami tayong bibilhin ngayon.Mga damit,gamit sa school,sapatos,and everything"-naeexcite kong sabi.
"Kailangan ba talaga yun?"-nagtaka pato.Inexplain ko sa kanya na dapat lahat ng gamit nya pangmayaman.Alam ko medyo nau-awkward sya sa akin.
"Oo naman.Hey,sana maging komportable ka na kasama ako,ha?Isipin mo na lang na nagtatrabaho ka para sa akin"-nginitian ko sya pero tumitig lang sya.May mali ba sa sinabi ko?
BINABASA MO ANG
My Fictional Boyfriend
ChickLitOur story started with a lie. A lie which made my world perfect. A lie that led us to confusion. A lie that trapped us both into this unrealistic world of fiction. A lie that I started believing in. A lie that I made, but I was the victim. -Pryztel...