May isang lalaking naglilibot sa kanilang baryo at nag nagangalang Zeus. Siya ay gwapong lalaki, matyaga, at masipag habang siya ay naglilibot mayroon siyang nakitang isang malaking palasyo na ang pangalan ay Hacienda Luisita kung saan naninirahan dito ang hari na si Hephaestus at si reynang Hera na may prinsesang anak na si Aphrodite. Si Aphrodite ay isang magandang prinsesa at mabuting anak na agad nagustuhan ni Zeus. Siya ay nabighani sa labis na kagandahan ni Aphrodite. Nahiya siyang lapitan ito kaya't umuwi nalang ito sa kanilang tahanan. Hindi mapakali si Zeus kakaisip sa taglay na kagandahan ni Aphrodite. Sa susunod na araw nagtungo si Zeus sa palasyo at dito niya nakita ang ibat ibang prinsipe na sina Apollo, Poiseidon,Ares, Hades, Hermes. At nalaman ni Zeus na ang mga prinsipe na ito ay nanliligaw pala kay prinsesa na si Aphrodite at agad namang umalis si Zeus sa palasyo.
Dalawang araw ang nakalipas napabalita sa lugar ng Heredetus kung saan naninirahan si Zeus na nagkasakit ang hari na si Hephaestus. Agad nag tungo si Zeus sa hacienda luisita upang makibalita. Habang siya ay umiikot sa labas ng palasyo nakita niya si prinsesa Aphrodite na naka upo sa isang tabi na malungkot. Agad niya naman itong nilapitan at tinanong at kung kamusta ba ito. At agad namang ikwenento ni Prinsesang Aphrodite kung ano ang kalagayan ng kanyang ama. At dito nagpakilala si Zeus kay prinsesa Aphrodite at gumawa ng mga bagay na mag papasaya sa prinsesa at hindi naman siya nabigo sa kanyang gustong iparating. At dito nag paalam na si Aphrodite kay Zeus.
Kinabukasan nag tungo si Zeus sa hacienda Luisita upang bisitahin at kamustahin si Prinsesa Aphrodite at ang hari na si Hephaestus at nasaktuhan naman naririto ang limang prinsipe na nanliligaw kay Aphrodite. Nung araw din na ito inanunsyo kung paano mapapasakanila ang puso ni prinsesa Aphrodite. Ang dapat lang nilang gawin ay hanapin ang mahiwagang ibon na magpapagaling kay haring Hephaetus.
Agad agad namang nag handa ang limang prinsipe at Zeus ng kanilang gagamitin sa paghahanap ng mahiwagang ibon. Nagtungo sila sa kagubatan ng Amazona upang dito simulan ang paghahanap sa mahiwagang ibon. At dito nila nakatapat ang higante na si Empedocles habang kinakalaban nila ito napaslang ng higante si Apollo. Agad namang pinutulan ni Zeus ng isang paa ang higante na naging dahilan ng pag bagsak nito at agad namang pinugutan ng ulo ni Hades.
Sa haba ng kanilang paglalakbay hindi nila natagpuan ang mahiwagang ibon sa lugar ng Amazona kaya't agad silang nag tungo sa lugar ng Almeria habang dito nila hinahanap ang mahiwagang ibon kanila namang nakaharap ang serpyente na si Cassiopeia na may dalawang ulo na ang isa ay bumubuga ng apoy at ang isa naman ay nag lalabas ng asido. Habang sila ay nakikipag sapalaran napaslang ng serpyente si Ares ang sanhi ng pagkamatay ay nasunog ng serpyente at sunod namang napaslang serpyente Hermes at ang naging sanhi ng pagkamatay ni Hermes ay natunaw sa binugang asido ng serpyente. Dahil sa kasiyahan ng serpyente hindi niya namalayang nasa likod niya na si Zeus at Hades na ang sanhi ng pagkapugot ng kanyang dalawang ulo.
Sa kabila ng pakikipaglaban nila sa serpyente naramdaman nila ang pagod upang mapagdesisyon na magpahinga muna sa ilalim ng Puno ng Masedonia at napagusapang kinabukasan ituloy ang paghahanap habang sa kasarapan ng pag tulog ni Zeus naisip ni Hades at ni Poseidon na ihulog si Zeus sa isang bangin sa susunod nilang patutunguhan kinabukasan.
Pagsikat ng araw agad namang naglakbay ang tatlo patungo sa kagubatan ng Hermis. Ngunit, bago pa man sila makarating sa kanilang patutunguhan naalala ni Hades ang kanilang plano at kung kaya't biglang itinulak nito si Zeus na nag sanhi ng pagkahulog nito sa bangin. Pagtapos niya itong gawin nagtawanan sa saya sina Hades at Poseidon dahil sa pag aakala na na dalawa nalang silang makakakuha ng puso ng prinsesa.
Nang sila ay makarating sa kagubatan ng Hermis, dito nila natagpuan ang pinaka mabangis ng hayop na kung tawagin ay Sandugo, Ito ay uri ng isang aso na kayang pumatay ng ilang tao. Kinalaban ito ng dalawang prinsipe ngunit nabigo si Poseidon kaya't ito ay napaslang ni Sandugo ngunit napugutan naman ito ng ulo ni Hades na nag sanhi ng pag kamatay ni Sandugo.
Sa kabilang banda naman si Zeus ay tinulungan ng isang matandang ermitanyo na nag nga ngalang ermitanyo Tanying. Hindi ito nag dalawang isip tulungan si Zeus dahil sa malubhan kalagayan nito ginamot at pinatira ito ng dalawang araw ng ermitanyo sa kanyang pinag tataguan upang makapag palakas si Zeus. Nang bumalik ang malay nito nabangit ni Zeus ang nangyare sakanya at kung ano ang misyon niya. At maswerte naman itong Zeus dahil alam ng matanda kung saan nito matatagpuan ang mahiwagang ibon. Kaya't tinulungan niya itong magtungo sa pinaroroonan ng mahiwagang ibon.
Nang makarating sila dito nakita din nila dito si Hades na masaya dahil natagpuan na din niya ang ibon. Ngunit ang galit na nararamdaman ni Zeus dahil sa ginawa nito sakanya ay hindi maipaliwanag. Kung kaya't silang dalawa ay nag tuos kung sino ang manalo siya ang makakuha at makakapag dala nito sa palasyo upang gumaling ang sakit na nararamdaman ng hari. Nag laban ang dalawa ng mahigit ilang oras ngunit dahil sa kalakasan ni Zeus siya ang nag wagi sakanilang pag tutuos na naging dahilan ng pag kapanalo upang siya ay makapag dala ng mahiwagang ibon sa palasyo.
Masaya si Zeus pabalik sa hacienda Luisita dala dala ang mahiwagang ibon na ikinatuwa naman ng sambayanan ng hacienda. Nang maibigay ni Zeus ang ibon sa reyna agad itong humingi ng pasasalamat kay Zeus dahil sa katapangan at kalakasan nito at agad naman din itong niyakap ni prinsesa Aphrodite upang mapakita nito ang pasasalamat nito at labis na pag mamahal kay Zeus.
Nang gumaling na ang hari ito ay inanunsyo sa hacienda luisita kung gaano kalakas at katapang ang kanyang taga pagligtas at dito naman ay inanunsyo na ang inaasam asam ni Zeus na pag mamahal na mula sa prinsesa. Pag katapos ng araw na iyon ilang buwan ang nakalipas ay ikinasal na si prinsesa Aphrodite kay Zeus at naging prinsipe na si Zeus ng hacienda Luisita.
TAGPUAN:
Hacienda Luisita
Heredetus
Kagubatan ng Amazona
Almeria
Puno ng Masedonia
Kagubatan ng Hermis
TAUHAN:
Zeus
Aphrodite
Hephaetus
Hera
Apollo
Poseidon
Hermes
Hades
Ares
Empedocles (HIGANTE)
Cassiopeia (SERPYENTE)
Sandugo (ASO)
Ermitanyo Tanying