Chapter 21

133 6 1
                                    

Shey's POV

Nash: "Mahal kita Shey..."

 "Mahal kita Shey..."

 "Mahal kita Shey..."

 "Mahal kita Shey..."

 "Mahal kita Shey..."


Ano ba?!?! Bakit paulit ulit naman tong nasa isipan ko. Nakakainis na. Pero sinabi niyang mahal niya ako. Pero hindi pa rin pede. Sila pa rin ni Alexa. Ano ba tong napasukan ko! Nakakainis naman! Hindi pa nga nila alam na ako si Sharlene tapos eto na naman ang ginawa ko sa barkada ngayon. Nakakainis!!!!!!

*Francis calling......*

Eto pa dagdag pa to. Ano ba kasing buhay to Sharlene!

Shey: Hello Francis? Bakit ka napatawag?

Francis: Asan ka Sharlene?

Shey: Nasa ospital ako.

Francis: Ha?! Bakit?! Anong nangyari sayo?!

Shey: Walang nangyari sa akin. Yung kaibigan ko yung sinugod sa ospital. 

Francis: Ah akala ko naman may nangyari sayo. Pede ba tayong magkita ngayon?

Shey: Sige. Balikan ko na lang kaibigan ko. Saan tayo magkikita?

Francis: Sa may restaurant sa dati nating pinagkakainan."

Shey: "Ah okay sige."

Francis: Sige ingat ka Shey ha?


*End call*

Ano na naman kaya ang pakay ni Francis sa akin. Makaalis na nga. 

Nash: "Shey!"

Shey: "Ay! Baklang palaka!"

Nash: "Hahaha. Adik."

Shey: "Ah sorry Nash. Alis muna ako. May pupuntahan lang ako. 

Nash: "San ka pupunta?

Shey: "Ah eh may bibilihin lang ako mall. May ipapabili ba kayo?"

Nash: "Ah kasi gusto ko lang sanang makipag-usap sayo."

Shey: "Sa susunod na lang natin pag-usapan yan Nash. Mas mahalaga si Alexa ngayon. Sige paalam. 


Anong katangahan ang ginawa mo Sharlene!! Tae. Kausap mo na si Nash eh. Hay ang complicated talaga ng pag-ibig nakakainis.

Para bang forbidden love ang peg ko ngayon. Bakit pa kasi ako nagmahal ng maling lalaki.



Francis' POV


Asan na kaya si Shey? Hala nasanay na rin akong tawagin siyang Shey. Hahaha.


Ayun! Ayun na siya! Ang ganda pa rin niya hanggang ngayon. Natatandaan ko nung mga araw na masaya pa kaming magkasama. Masaya pa kaming nagmamahalan......


Francis: "Shar!"

Shey: "Uy! Tae ka! Wag mo akong tawaging Shar in public baka may makarinig sayo!" Sabay biglang kurot sa akin.

Francis: "Aray ko! Sakit nun ah!"

Shey: "Tama lang sayo yan no! So ano namang pakay mo?"

Francis: "Wala lang. Gusto lang ulit kitang makasama.


Natahimik siya. Alam kong nakapagmove on na siya. Alam kong tapos na sa amin. Pero as a friend, gusto ko pa rin siyang maging kaibigan kahit mahal ko pa rin siya hanggang ngayon.


Francis: "Oh? Bakit ka natahimik diyan? Hahaha. Kinilig ka ba?"

Shey: "Ha? Anong kinilig? Hindi ah!"

Francis: "Hahaha. Ang cute mo talaga kapag inaasar. Ano ka ba. Wala na yun. Past is past na. Friends naman tayo eh :)"

Shey: "Hahaha. Oo friends! :)"


Halata sa kanya ang awkwardness pero alam kong nakikisakay na lang din siya.


Francis: "Pakay ko ngayon. Maggagala tayo. Hahaha. Let's just take a break from all the stresses that we have experienced these past few days."

Shey: "Ayyyy! Gusto ko yan! Jusko. Kailangan na kailangan ko yan! Mag aamusement park ba tayooo?"

Francis: "Gusto mo? Ek?"

Shey: "Oo!! Yehey!! EK!"


Namiss ko siya sobra. Ang saya lang kasi kahit awkward pumayag siya. Namimiss ko yung kakulitan niya. Namimiss ko yung smiles. Namimiss ko yung ganito. Yung dating kami...


Hay pag ibig nga naman. Napakakumplikado. Kung hindi lang sana siya bumalik sana okay pa rin kami hanggang ngayon, okay pa rin kami ni Sharlene hanggang ngayon.


============================================================

Hello guys! It's been a while!!


Midterm exams ko kasi ngayong week kaya ayun medyo busy.


Hope you enjoy this update!


Marami pang revelations ang magaganap!!!


Keep loving NashLene!



What if? (NASHLENE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon