⁰ | PROLOGO

8 0 0
                                    

⚫️+<

---PROLOG⁰---

NANLALABO ang kaniyang paningin na tila ba humihiwalay ang pinto sa pintuan sa harap ng kaniyang mata at halos tunawin na ang hanging nasa tapat niya.

"Hoy! Ano pang hinihintay mo?!" sigaw ng isang lalaki at kinamot ang kaniyang pawis sa katawan pati ang berdeng shorts na tanging suot niya lang. Palagi siyang nakahawak sa kaniyang kanang balikat at umiinda -- may pulang likidong tumutulo.

At dahil sa mga sigaw nito, ay mas lalong sumigla ang kaniyang mga dugo sa loob dahilan upang mas lalong manginig ang buong katawan niya, at balutin ng mga pawis na dumudulas mula sa kaniyang noo hanggang sa dulo ng darili ng kaniyang paa.

"T-teka lang... Yuro..." nauutal na wika ng lalaking ito. Nakaangat ang kamay nito sa harapan ni Yuro habang nakaharap ang mukha nito sa kaniya, ngunit iwas na iwas at halos nakayuko na siya na para bang sinasamba na si Yuro.

Tumingin siya sa kaniyang kaliwa't kanan ngunit tanging pader lang ang kaniyang nakikita na halos dalawampung talampakan lang ang agwat ng dalawang ito. Papikit-pikit na rin ang mata nito sa 'di malamang dahilan.

Napatingin siya sa kaniyang sarili, "Tangina," bulong nito nang makita ang kaniyang katawang pinagpapawisan na pilit niyang pinupunasan. Ngunit uminda ito sa sakit nang pumunas ang kamay nito sa kaliwang bahagi ng kaniyang tiyan. "Ah! Nasagi ko na naman!" bulong niya, "Nakakainis!" Bigla siyang napakamot kaniyang shorts dahil sa mapanghing basa na tumagal sa suot niya.

Humarap siya sa isang bakal na humuhugis sa isang anino ng baka na lumalamon sa kaniyang balat sa tuwing tititigan niya ito at mas lalong nagpabilis ng tibok ng puso niya. Nagdikit ang kaniyang labi at huminga nang malalim.

Dinilat niya ang kaniyang mata. "B-baka?" Nakakunot ang noo nito at napangiwi. Tiningnan niya pa ito nang maigi dahilan upang lumiksi at sumayaw sa mata niya ang apoy.

"B-bumwelo ka-- lang, Asinto... k-kaya mo 'yan..." mahinahong wika ni Iskobo. Nasa kabilang dulo siya ng koridong pinaglalagyan nila.

Nakahawak siya sa kaniyang hita dahil nahigop ito ng umaalong apoy kanina. Maging ang kaisa-isang suot nitong kulay puting shorts ay humalo sa dilim ng paligid.

"Bata, dalian mo na. Kung hindi ka tatalon, kami muna," singit ng isang lalaking nakahalukipkip ang dalawang kamay sa likod ni Asinto at Yuro. Nakasandal lang ito sa pader, walang anumang galaw na ginagawa, maski ang mukha nitong bagsak.

"T-teka lang!" Humalo sa hangin ang boses niya sa sobrang nginig ng kaniyang nanghihinang tuhod kaya't humampas sa pader ang palad nito.

"2:31..."

"2:30..."

"Kung hindi ka pa tatalon, sama-sama tayong mamamatay dito," seryosong wika ulit ng lalaking nakahalukipkip sa likod nila.

"Sino ka ba, ha?!" sigaw ni Asinto.

"Hoy, dalian mo na, mas lalo pa tayong tatagal dito e!" pagsigaw rin ni Yuro at biglang hinarangan si Asinto nang aambahan niya ang lalaking nakahalukipkip.

"Ikaw rin kasi! Imbes na suportahan niyo si Asinto, mas lalo niyo pang pinapakaba!" sigaw ni Iskobo mula sa kabilang dulo ng korido. "Ah!" inda ni Iskobo dahilan upang mapahawak siya sa kaniyang hita.

"Kung makapagsalita ka diyan -- Pare-parehas din naman tayong mamamatay dito!" sigaw ni Yuro mula sa kabilang dulong halos puputok na ang ugat sa boses niyang unti-unti nang numinipis.

Walang kibo si Iskobo sa kaniyang mga narinig. Napagdesisyunan na lang niyang umupo sa sulok ng korido. Ngunit nang maisalampak na niya ang kaniyang puwit sa lapag ay natigilan siya nang biglang sumigaw.

"IKAW!" Napalingon siya sa pinanggalingan ng boses na 'yon. "Iskobo ka, 'di ba? Bakit hindi ka na dumiretso sa isang kwarto? Bakit hinihintay mo pa kami? O baka naman hinihintay mo si Asinto?" sunod-sunod na tanong ng lalaking nakahalukipkip kaya't narindi ang tainga ni Iskobo.

Akmang tatayo si Iskobo ngunit tumigil siya. Huminga ito't ibinuga nang marahan at mabagal na umupo habang nakatitig sa kaniya.

"2:15..."

"Tangina! Ako na nga muna, Asinto!--" sigaw ni Yuro dahil sa pagkaburyo.

"Teka lang! Kaya ko ito, TEKA LANG!!" marahas na sigaw ni Asinto at agad niyang itinulak si Yuro nang matunugan niyang tatakbo na ito.

Agad namang hinatak ng lalaking nakahalukipkip si Asinto. Nagulat ito nang humagupit siya sa hangin papalayo sa kaniyang pwesto at naparalisa siya dahil sa kapit nito na tanging bibig lang ang kaya niyang maigalaw.

"Malapit na ako! Magagawa ko na, ang iingay niyo kasi! Mga putang ina niyo!!" sigaw ni Asinto na nagpapabingi sa paligid kasabay ng yapak nito sa lapag.

"TUMIGIL KA!" sigaw ng lalaking sumasakal kay Asinto, "Nauubusan na tayo ng oras!" dagdag ng lalaki habang tinatanggal ni Asinto ang bisig nito sa leeg niya. "Ilang minuto na lang," mahinahong wika ng lalaking ito.

"Isang minuto na lang..." wika ni Yuro nang tumingala sa orasan na gumegewang-gewang mula sa kisame.

Marahan siyang napalingon sa kaniyang likod at pinukulan ng matulis na tingin si Asinto. "Tingnan mo ang nangyari! Ang bagal mo kasi!"

"Yuro?! Pati ba naman ikaw? Tangina mo, dalian mo na d'yan, hinayupak!" sigaw ng lalaking ito at napaupo na lamang sa sulok upang hindi na gaanong gumalaw si Asinto mula sa kaniyang bisig.

Mabilis na napalingon si Yuro sa anino ng baka sa gitna at unti-unting lumuluha ang mata nito sa tumutusok na liwanag. "Ah! Hayop!"

Agad niya itong pinunasan at napayuko. Wala na siyang sinayang na oras at agaran siyang umatras dahan-dahan.

Nang makaatras siya ng isang hakbang ay biglang bumagsak ang orasan mula sa kisame patungong lapag na nasa harapan ng aninong humuhugis sa isang baka.

"1:38..."

Napatigil ang paghinga ni Yuro dahil doon ngunit inalog niya ang kaniyang ulo, huminga nang malalim at pumikit saglit. Pagdilat niya, itinuloy niya ang paghakbang paatras upang makapagbuwelo.

"Dalian mo na..." nanggigigil na wika ng lalaki kay Yuro.

Lumingon si Yuro sa kaniya at nginitian nang mapakla. Mabilis siyang tumakbo at tumalon sa mapanlinlang na anino ng baka.

"Argh!" sigaw nito nang gumapang ang init sa kaniyang kaliwang paa habang nasa ere kaya't mabilis na sumubsob ang kaniyang kaliwang pisngi sa lapag, kasabay ng paglagapak ng ganiyang buong katawan.

"Magaling. Ako naman..." bulong ng lalaki nang makita niyang lumagapak si Yuro.

"Teka, ako muna!" pagpapahinto ni Asinto sa kaniya sa pamamagitan ng pagtaas ng kamay nito dahil nahihirapan na siyang makatayo sa ginawang pagsakal niya.

"Asinto?!" gulat na gulat na wika ni Iskobo nang makita niyang naghahabol ito ng hininga. "Anong ginawa mo sa kaniya?!" gigil na gigil na sigaw nito sa lalaki.

"Siya ang tanungin mo--"

"Sagutin mo ang tanong ko!"

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 21, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Lintang Ulap || ★Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon