Nagkaruon ka na ba ng crush? Yung masaya kana na makita mo sya araw-araw. Yung tumingin sya sayo kahit di nya sinasadya pero para sayo crush ka na rin nya. Yung di ka makikinig sa teacher mo dahil naka focus lang yung mata mo sa kanya. Yung likod ng notebook mo punung-puno ng pangalan nya at naka FLAMES pa sa pangalan mo. Yung naubos na yung bulaklak sa garden ng school nyo para lang gawin ang he loves me, he loves me not tapos dadayain mu pa para lang maging he loves me. Yung susundan mo pa sya kahit san sya magpunta. Ang hirap talaga magkacrush ng taong di ka naman napapansin diba? Saklap lalo na at tinatawag ka na nilang stalker, obsses at posses pero di ka pa rin nya napapansin. Hayyy .. crush bakit ba ang manhid much mo?
First year highschool ako non nung makita ko sya. Takte, yung feeling na ngumiti sya at naging blurd na lahat except sa kanya. Yung sya na lang ang nakikita mo? Grabe first time kong naramdaman ito. Bumilis bigla yung puso ko. Normal pa ba to? Kung pwede lang matanggal yung mata ko at idikit sa kanya nagawa ko na para lang di sya mawala sa paningin ko. Syempre gagawa ako ng paraan para mapansin nya. Kinaibigan ko yung mga kaibigan nya. Nagtagumpay naman ako at naging kaibigan ko rin sya. Bwisit lang dahil nalaman kong may gf na sya. Ang sarap sabunutan ng babaeng yun. Pero di ko pinahalata sa kanila na inis ako. Smile lang, hide this fucking feelings. Marami akong naging kaibigan, halos lahat nga ata sa classroom naging kaibigan ko na. Buti di nila inisip na iboto akong class president ee. Ang mga loko ibinoto akong muse, eh kaso natalo kasi mas maganda yung kalaban ko eh. Hahaha no hurt feelings, mas masakit pa ng nalaman kong may gf si crush. Masaya naman dahil friend kami ni crush.
2nd year, malas lang at magkaiba kami ng section. Bakit ba kasi ang taas ng grade ko? Hay naku! Di ko tuloy sya makikita sa loob ng room. Pero atleast alam kong friends parin kami. Oo nga pala nalaman kong nagbreak sila ng gf nya kaya hayahay! Hahaha ang sama ! Ayun, parang kaluluwa na lang ako sa classroom. Di na ako masyadong freindly pero ayus na din. Di ko na rin ginalingan para asmate na ulit kame next year.
3rd year, isang malaking akala. Pwede ko ng iumpog ang aking ulo sa mga madadaanan kong poste. Bakit ba naging sobrang tanga ko. Wanna know why? Kasi magkaiba nanaman kami ng section. Ang magaling na crush ko ay napunta sa section ko at ako ay sa dati nyang section. Oh di ba? Kung di nga lang talaga nambubwisit si tadhana eh. Ee di dakilang stalker nanaman ang aking peg. Bwisit talaga ! Buti at wala pa syang nililigawan kung hindi masasabunutan ko talaga yun. So, bahala na kung anu mangyari. Mataas na naman yung mga naging grades ko. Hay bahala na si lolipop.
4th year, buti naman at naging magkaklase ulit kame. Yehey! Makakalbo ko na talaga gumawa ng plot sa buhay ko pag di pa kami naging magkaklase eh. Normal naman ang naging buhay ko, syempre friend pa rin kame. Nakakalibre ako ng chansing. Wahaha :D Nagiging mas close pa kami. At syempre nagiging sweet sya. Nasabi ko na ba na asal lalake ako? Kung hindi ayan nasabi ko na. Hindi ako kikay na babae kahit alam ko na pwede sa aura ko iyon. Madami ulit akong naging friends at madami ring transferee ngayon taon. Ang masaklap lang nung mga nakaraang taon wala akong naging kapangalan at kaapelido pero ngayon meron na akong naging kapangalan. Hay! Pano na sa recitation? Baka mapunta sa kanya yung grades ko no. Hehehe g.c pala' hay enough with that grades di naman nakakain yan at di naman sukatan ng kagandahan. So, ayun na nga close na close na kami. Parang normal na nga sa amin ang maghampasan at magsigawan. Turing nya siguro sa akin ay lalaki. Ahaha, naghoholding hands pa nga kami eh. Pero syempre di ko pinahahalata na kinikilig ako. May nalaman din ako sa common friends namin na may liligawan sya. Syempre gusto kong malaman kung sino kaya tinanong ko pero yung sa di pahalatang may gusto ako sa kanya. Nagbigay lang yung crush ko ng initials. Sabi nga nila ay ako daw yun. Edi si ako naman ay kinilig pero di pinahalata. Wahaha :) nakita nya na siguro na click kame. May napala naman pala ako sa pagiging stalker. Uwian na at nilapitan ako ni crush. Magtatapat na kaya sya? May sasabihin daw sya sa akin. Mukhang ito na nga. Nakangiti sya sa akin at sinabing liligawan nya daw si *toot*
parang unti-unti akong nanghina. Gusto kong sampalin sya at isigaw na napaka tanga nya. Pero di ko magawa. Ngumiti na lang ako at umalis na. Gusto nya daw ipaalam sa akin dahil close na kame. Putangina lang talaga! Baket? Baket di ako? Napaka sama talaga ng plot ng storya ko. Natatawa na naiiyak ako! Napaka manhid nya at napaka walanghiya ng tadhana. Niligawan nya yung
KAPANGALAN KO.
Bakit di na lang ako di ba? Mas matagal kaming nagkakilala bakit yung transferee pa? Para akong pinapatay ng madaming beses habang nagmamakaawang tama na.
