kabanata 1

0 0 0
                                    

ANOTHER DAY
ANG UNANG KABANATA:
ANG IKALAWANG KAMATAYAN NI SERENITY

📌

"Tara na Serenity!" Takbo kami ng takbo, malayo pa ang daan para makapunta sa susunod na clan pero tinatahak namin ang gubat na to ng magkasama palayo sa clan namin.

Pati ang mga tauhan namin lahat sila pinatay pati ang mga nasa labas na palasyo, mamamayan ng Winslet. Patay silang lahat.

"P-pagod na k-ko." Mahigit isang oras na kami paikot ikot dito sa gubat medyo madilim pa din at kahit ata umaraw hindi kami sisikatan ng araw dito dahil sa sobrang daming puno at dilim ng paligid.

Sinuri nya ang mga katawan ko at nakitang may mga sugat sugat na maliliit pati na din sa pisngi ko.

"Maganda ka pa din naman, tara na." I know he gave me chill but thats for a second lang. kinakabahan ako para kasing may manyayaring masama. Pinagpatuloy namin ang pagtakbo hanggang sa lumalabo ang daanan habang naiyak ako.

"Makikita ko pa kaya sila ama?..." tanong ko sa mahinang paraan.

"Oo alam kong ligtas sila kaya ikaw din kailangan mong makaligtas Serenity." Hanggang sa huminto kami sa isang malaking bato at sumandal don.

"Dito ka lang hah? Pag nakita mo na hinabol na nila ako lumayo kana Serenity promise ko hahanapin kita."

"Ayoko.. dito ka lang please." Naiiyak kong sambit.

"Shh... kailangan mong makaligtas Serenity! This is for your own sake please, makinig ka naman sakin kahit minsan lang." saad nya at tinap ako bago umalis. Gusto ko pa sanang magsorry sa kanya sa lahat at hawakan na sya ng mahigpit pero umalis na sya.

"Lycus..." nakita kong hinabol sya ng mga bampira at kinuha nya na ang espada nya para incase na mahabol sya.

Nung nakalayo na sila hindi ko na napigilang humagulgok at gustong puntahan sya.

Tama this time atleast i have a right to do.

Pumunta ako sa direksyon kung saan hinabol si Lycus kaso bago pa mangyari yon may narinig akong boses galing sa itaas ng isang puno.

"Awws.. the man sacrifice for you and you didn't do what he say, acting like a hero? Kung ako sayo tumatakbo na ako palayo Serenity."

This man what i see is like a god.

But i have no time to praise him, i must save Lycus no matter what happen.

"How did you know my name?"

"Sabihin na lang nating kilala kita? Oh sya una na 'ko ha? I save mo na si Lycus baka mahuli ka." Sabay act nya na parang may kutsilyo at ginigilit sa leeg.

Tumakbo na ako papunta doon pero wala na akong naabutan kundi ang mga bakas ng dugo na lang.

"Sinabi ko na sayo e, mahuhuli ka dinaldal mo pa kasi ako e." Aba't ang kapal ng mukha nito ni hindi ko man lang alam na kasunod ko na pala sya.

"T-teka hindi ka tao noh?" Isang ngiti ang iginawad nya sakin at ilang sandali lang ay katapat ko na sya.

"Yes baby." Ramdam ko ang pagdampi ng labi nya sa noo ko dahilan ng pagtulak ko sa kanya.

"A-ano ba! Prinsesa ako hindi mo dapat ginaganyan ang mga prinsesa!" Sa totoo nyan sa kanya ko lang ipinagmalaking prinsesa ako kaya nakakagulat. Why would i act like this?!

"I know but so many people did this to you e, tsaka nagawa ko na? Panobayan?"

"Tumigil ka nga , tatl- este  dalawa pa lang ang humalik sa noo ko noh! Tsaka dyan ka na nga!" Saad ko pero bago pa ako makalayo ay dumating ang mga bampirang lumusob sa Winslet Clan kanina. Mahigit 13 sila at mukhang malalakas kaya napapaatras ako. Tumungin ako sa kasama ko kanina pero wala na sya.

"May natira pa palang isa oh, akin na lang 'to?" Nang humangin ay kasabay nito ang lalaking bampira na nakalapit sakin at inakbayan ako agad ko syang hinampas ngunit halatang walang talab sa kaniya.

"Hindi ako masasaktan nyan binibini kung ako sayo, ipaubaya mo na ang sarili mo lalo pa't wala ka namang laban sa amin." Lahat sila ay nagtawanan.

"Ako una pre, promise isang putok lang to." Agad ko syang sinampal dahil don at nagtawanan sila. Mga bastos at hindi maginoo!

"Wow lumalaban kapa ha! Ah oo ikaw nga pala yung prinsesa na hinahanap namin, ikaw ang kailangan ng pinuno namin e, pero bago yon kami muna ang magpapakasawa sayo mukhang fresh na fresh ka e." Saad nung isa pa.

Agad akong kumawala at pumunta sa bangin.

"Tatalon ako dito sige! Hindi ako nagbibiro!" Baka sakaling effective.

Nagtawanan lang sila.

"Edi tumalon ka." Sabi nung gwapo kanina at biglang lumakad papunta sakin. Yumuko ang mga tauhan nya ata 'to?

"Maligayang pagbati Prince Chamber ng Sullavin Clan, ngunit hindi k-kayo pwede ditong makielam dahil kay Prince Yuan ang babaeng yan." Saad ng isang hindi nya pala utusan. Ano daw? May clan din sila? Sullavin? It sounds familiar...

"Pakisabi sa kanya nauna kasi ako sa babaeng 'to? At pakisabi din kung gusto nyang makuha eto ibigay nya sakin ang clan nya." Halatang natakot ang mga utusan este utusan ng kalaban nya ata.

"P-pero..."

"Isa." Bilang pa lamang iyon ngunit dali daling nawala ang mga bampirang iyon.

"K-kaya mo naman pala silang patigilin bakit hindi mo sinabi?!" Galit na sigaw ko, natatakot kasi ako na baka.... patay na sila...

"Hindi ka naman nagtanong e." Saad nya at lumapit sakin paunti unti habang nakangisi. Palapit na din sana ako sa kanya ng biglang gumalaw ang lupa at nahulog ako.

Minabuti kong maabot ang mga kamay nya pero hindi ko iyon naabot. Dito pababa tanaw na tanaw ko ang mga mata nyang napamisteryoso at ang labi nyang nakangisi. Huli na ng mamalayan kong nahulog ako sa tubig at tumama ang ulo ko sa isang bato.

Pero isa lang ang katanungan ko,

Bakit nakangiti pa sya nung nahulog ako?

(THAT PICS I POSTED WAS EDITED OR FAN ART SO SANA WALANG MANIWALANG TOTOO YUN HAHAHAHAHA.)

Another DayWhere stories live. Discover now