ANOTHER DAY
ANG IKALAWANG KABANATA:
IKATLONG BUHAY AT ANG PAGKAWALA🍷
Unti-unti kong iminulat ang mga mata ko at nakita ang isang puti na kisame. Medyo nanghihina pa ako kaya hindi ko maigalaw ang katawan ko, naramdaman ko ding may nangyayari sa paligid ko.
"Gising na sya!"
"Salamat napakagaling mo talagang doktor."
Yun lang ang huli kong narinig at nawalan ng malay ulit.
—
Nang magising na akong tuluyan ay nagulat ako dahil sa mga nakita ko. It seems they're fine like nothing happen.
"Mama, wala ba kayong naaalala kung bakit ako nagkasakit?" Saad ko.
Why they're look so calm and fine?! A-at tsaka bakit andito yung mga body guard ko dati? I though they're dead?
"Huh? Anong sinasabi mo anak? Naghulog ka diba sa terrace sa palasyo dahil napagkamalan mo kaming monster?"
huh?
"H-hindi yon ang nangyari ma, d-diba nilusob tayo ng bampira? Yung buong clan natin wala na!" Bigla silang natawa at tinapik ako ni mama sa likod.
"You should rest anak, you're panicking lang kasi muntikan ka nang mamatay. Ano ba kasing ginagawa mo at bakit ka natatakot samin that time."
Umalis na silang lahat at ako na lang ang naiwan sa kwarto.
Bakit wala silang naaalala? Bakit ganon? Nananaginip lang ba ako that time? Pero kasi parang totoo.
Pero nasaan si Lycus?
Lumabas ako at sakto namang may body guard.
"Hindi pa ho kayo maayos Princess Serenity." Sabay alalay sakin nung bodyguard.
"A-yos lang ako, nasaan ba si Lycus?" Agad silang napakunot ang noo.
"Sino pong Lycus? Princess Serenity?" Naiiyak na ako, ano ba talagang nangyayari?
"S-sya yung body guard since i was 15! Ano bang meron sa inyo bakit hinyo nyo maalala?!" Sigaw ko at nagwala. Inawat nila ako at dumating ang doctor para pakalmahin ako.
"Are you calm now?" Tanong ng doctor. I want to shout but they will think I'm crazy. Lahat kasi sila hindi naaalala si Lycus.
P-panong hindi nila maalala? Paanong si Lycus lang ang wala dito?
"Yes doc, tell me ilang months akong comatose?"
"Mag-t-twelve months na sana bukas, buti nagising ka." Ha? It's almost a year! What the heck?
"D-doc anong age ko po nung nahulog ako?" Bakas sa kanya ang pagkagulat ngunit hindi ko iyon pinansin.
"You are 17 years old that time and sa pagkakaalam ko 18 kana ngayon? And last month kakabirthday mo lang pero cinelebrate pa din iyon ng buong Winslet Clan pero for sure bukas uulitin iyon dahil andito kana."
18 was legal age of woman and natatakot ako sa bawat mangyayari. Lalo na bukas dahil parang may hindi magandang mangyayari at parang mauulit na naman.
—
"Princess Serenity, tapos na po ba kayo magbihis? Sinabi ko na po sa inyo kami na po ang magbibihis sa inyon." Saad ng dama ko.
Nasa cr ako at tinitingnan ang hubad kong katawan sa salamin. Unti unti akong napatingin sa collar bone kong may dalawang tuldok. Parang tinuklaw ng ahas pero hindi. Kinusot kusot ko pero hindi nawala kaya minabuti ko na lang na isuot ang debut gown ko daw.
Bloody Red with Glitters galing pa ata sa clan ng Grayson. Pa-off shoulder kagaya nung kay Belle sa Beauty and the Beast pero red.
"Opo patapos na ang bigat po e patulong na lang sa pagsara." Agad na pumasok ang dama ko at tinanong ko sya.
"Manang paano po ako nagkaroon nang ganito?" Sabay turo ko sa collar bone ko na may tuldok dalwa pero kumunot ang noo nya.
"Anong tinutukoy mo ija?"
"Eto pong parang tuklaw ng ahas,," sabay turo ko ulit na ikinakunot ng noo nya.
"Hays ija wag mo akong niloloko, tsaka wag ka nga magbiro. Napakakinis mo at halos mala-diyosa baka pati siguro mapagkamalan kang diwata nyan." Sabay labas nya nang nakayuko na may halong ngiti sa labi.
Tiningnan ko ulit ang sarili ko sa salamin.
Bakit hindi nya nakikita? Unti unting naglaho ang imahe ko sa salamin.
"Hala!" Agad kong kinapa kapa ang sarili ko ngunit andito pa naman ako.
"May problema ba mahal na prinsesa?" Saad nang dama ko. Tumingin ulit ako sa salamin na nanginginig.
"A-ano 'to?" Bulong ko. Baka matakot sila sakin pag nakita nila 'to?
"W-wala manang, padalhan mo na lang ako nang t-tubig sa kwarto ko." Umupo ako at umiyak.
A-anong nangyari sakin?
Sinubukan ko ulit tingnan ang sarili sa salamin. Bakit ganon? Hindi ko na makita ang sarili ko?
—
"Bumaba na daw kayo mahal na prinsesa." Saad ng dama ko kaya bumaba na ako nang may malungkot na mukha.
"Oh bakit mahal na prinsesa? Hindi ba dapat masaya ka?" Paano ako magiging masaya, nawawala si Lycus, baka ako na sunod na mawala. A-ayoko pa.
"Ah hindi po, parang kakaiba lang kasi e."
"Ah alam kona ija, hindi ka siguro makapaniwala na pagkagising mo bigla ka na lang isang ganap na dalaga na." Saad nya at iginiya ako sa hallway papuntang bulwagan kung saan gaganapin ang pagdiriwag.
"Medyo ganun na nga p-po."
"Ayos lang yan ija, basta palagi ka nang mag-iingat ha?"
—
Palabas pa lamang ako ngunit biglang kumulog ng malakas kasabay ng malakas na pag buhos ng ulan kaya napatigil ako.
Dinig na dinig ko din ang hiyawan at pagkakagulo, pagkabasag ng mga pinggan at baso, takbuhan. maya-maya ay tumahimik na.
Pwede na kaya akong lumabas?
Ano kayang nangyayari?
Pinili kong lumabas kahit anong mangyari. Kinakabahang pinihit ko ang pinto at inihakbang ang mga paa ko.
Bakit ganoon? Ayos naman ang mga bisita at walang kahit anong nangyari! Nag-p-panic ba ako? Anong nangyayari saken?
"This is the most awaiting moment of the debutant, shes now on the legal age of woman. Princess of Winslet Clan soon to be Queen, let's all welcome and gave her applause Serenity Gabriel Winslet!"
Ayun yung narinig kong sinabi nya nang bumaba na akong ng staircase.
They're all congratulate and greet me. Give some mamahaling gifts and limited para ipakita ang estado ng buhay nila or di kaya gusto nilang magpagood shot.
18 candles, 18 gifts basta lahat ay ginawa at hinuli ang 18 roses.
Una isinayaw ko ang papa ko, pangalawa to pang lima mga pinsanin ko, and the 12 rest ay mga anak ng ibang clan. And the last one suppose to be Lycus.
"18th roses named Lycus Hexarian?"
Nung binanggit iyon nang emcee lahat sila nagtaka kung sino daw ba iyon or kung saan galing. Bakit daw yung hindi pa kilalang guy yung last dance ko.
Inilagay ko kasi yon, kasi sya nga diba ang boyfriend ko? and he's very special to me as a friend. Ito na lang yung mababawi ko para sa kanya but now, he's gone.
"Ay hindi pala siya, pasensya na ho at mali ang aking nabasa. 18th roses named Chamber Killua Sullavin from Sullavin Clan."
Kasabay noon ang pagpatay ng mga ilaw at pagtutok ng isang ilaw sa lalaking kaharap ko pero medyo malayo sakin.
S-sya yun!