Nagpasya akong bisitahin ang mga magulang ko kaya maaga akong umalis sa apartment ko. Wala naman talaga sa plano ko ang umalis pero noong nalaman kong ikakasal na ang babaeng mahal ko, sobrang sakit.
Parang ayaw ko na muna umuwi ngayong gabi.
Nandito na ako sa tapat ng bahay at nagulat ako sa biglang bumukas ang gate.
"Oh, Evan, nandito ka na pala."
Ngumiti ako kay mommy. "Bihis na bihis po kayo ngayon ah. Saan po kayo pupunta?"
"Pupunta ako sa CAS."
Kumurap ako sa sagot ni mommy. "Sa ganitong oras? Malapit na pong gumabi."
"Hindi ko alam sa daddy niyo kung bakit ako pinapupunta doon ngayon. Ayaw pa kasing sabihin sa akin pagkauwi niya."
"Ah okay po. Ingat po kayo." Kumaway na ako kay mommy hanggang sa mawala na siya sa paningin ko.
Even though I didn't know my birth mom but I'm still lucky to have her. Tinuturing pa rin niya akong tunay na anak kahit hindi ako nang galing sa kanya. Kung makilala ko man ang birth mom ay pipiliin ko pa rin ang nagalaga sa akin simulang bata pa lang ako. Siya lang kasi ang nagiisang ina para sa akin at wala ng iba.
"Hey, wala ka bang balak pumasok?"
Lumingon ako sa kanya. "Meron. Pero paano mo nalaman nandito ako ngayon?"
"Nandoon ang kwarto ko at narinig ko ang boses mo kanina." Tinuro ni Travis kung nasaan ang kwarto niya. Alam ko naman kung saan ang kwarto niya. Dito rin kaya ako nakatira ng ilang taon.
"Oo nga pala."
Nauna na siyang pumasok kaya sumunod na ako sa kanya. "Bakit ka nga pala nandito?"
"Malapit ka na rin ikasal, bro. Pagusapan natin kung kailan ang bachelor party mo."
Malapit na nga ikasal si Travis sa babaeng kinakainisan niya. Isang arrange marriage ang naganap sa kanila. Hindi ko nga inaasahan uso pa rin pala ang arrange marriage sa panahon ngayon.
"Hindi ako interesado sa bachelor party. Kung walang gagawin si Mavis para hindi matuloy ang engagement party namin ay ako ang gagawa ng paraan para hindi matuloy iyon."
Talagang itutuloy niya ang binabalak niya para hindi matuloy ang engagement party nila. Wala rin magagawa si Mavis kapag nalaman niya ang dahilan kung bakit kailangan niya magpakasal kay Travis, ang taong kinaiinisan niya.
Alam ko ang dahilan kung bakit ikakasal si Travis dahil kasama ako ni daddy habang kausap niya ang ama ni Mavis noong mga panahon na iyon. Pero walang ideya si Travis kung ano ba talaga ang dahilan ng mga magulang namin. Kung bakit pinagkasundo siyang ipakasal.
"Come on, Travis. Wala naman mawawala sayo kung magkaroon ng bachelor party bago ka ikasal."
"Huwag mo na aksayangin ang oras mo diyan. Kung tayong dalawa lang ang pupunta."
"Bakit hindi mo imbitahin ang kaibigan mong may gusto kay Thea?"
Tinaasan niya ako ng kilay. "Kapatid mo rin si Thea baka nakakalimutan mo."
"Binibiro lang kita. Ayaw ko rin si Marvin para kay Thea." Ayaw ko lang makitang umiyak ang bunso naming kapatid dahil lang sa isang lalaki at mapatay ko lang ang magpapaiyak kay Thea. "Balik na tayo sa bache–"
"May problema ka ba ngayon, Evan? Sabay tayong lumaki kaya kilala kita."
Bumuga ako ng hangin. "Well, nasa apartment ko siya ngayon."
Kumunot ang noo nito. "Sino ang nasa apartment mo?"
"Si Jasmine Sarmiento, ang Campus Queen noong high school tayo."
"Yung crush mo?"
"Dati pa iyon. Hindi ko na siya crush ngayon."
"Aba, ang bilis naman. Parang dati lang palagi mong iniistalk ang mga social media niya. Palagi ka ngang updated sa nangyayari sa buhay niya."
"Dati pa iyon. Noong mga panahon na hindi ko pa alam na may fiance na siya."
"Wait, what? May fiance na siya? Ibig sabihin ikakasal na rin siya?"
"Huwag mo na paalala sa akin na ikakasal na rin siya."
"Iba na iyan, Evan. Paalala ko lang sayo na hindi naging kayo para masaktan kang ganyan ngayon." Grabe talaga si Travis. Mas nasasaktan ako sa sinasabi niya kaysa sa nalaman kong may fiance na si Jasmine, eh. "Mahal mo na?"
Tumango ako. "Mas lalo akong nasasaktan lalo na nasa apartment ko siya ngayon."
"Ano pala ang ginagawa niya sa apartment mo?"
Sinabi ko kay Travis ang mga sinabi sa akin ni Jasmine kagabi.
"Pwede tayong humingi ng tulong kay Marvin para sa kaso ni Jasmine."
"Sinabi ko na rin sa kanya ang tungkol diyan pero ang sabi niya maraming connection ang fiance niya."
"Mahirap nga iyan."
"Wala na kong maisip na pwedeng gawin para tulungan siya. Kaya balik na tayo sa pinaguusapan natin kanina at huwag mo ng ibahin ang topic natin."
"Pwede bang huwag ng bachelor party? Sasamahan na lang kita pumunta sa bar dahil alam ko namang heart broken ka ngayon."
"Ayos lang sayo?"
"Sasamahan lang kita at hindi ako iinom. Baka maparami ang inom mo mamaya."
"Pero ayos lang ba sayo?"
"Takte yan, Evan. Paulit paulit? Oo nga sabi."
"Magagalit si dad sa atin kapag nalaman niyang pumunta tayo ng bar."
"Hindi ko naman sasabihin kay dad kung saan tayo pupunta. Hintayin mo ko dito at kukunin ko na muna ang susi ng kotse ko." Tumakbo na siya paakyat papunta sa kwarto niya.
Lagot kami nito kapag nalaman ni dad na pupunta kami sa bar. Well, ako naman ang nagyaya na magsaya kami pero hindi ko namang dadalhin ang soon-to-be groom sa bar.
Tumingin lamang ako sa labas ng bintana habang nagmamaneho si Travis papunta sa isang sikat na bar.
"Ikaw ang sisihin ko kapag nalaman ni dad na pumunta tayo ng bar ngayon." Panimula ko.
"Gago 'to. Ikaw itong nagyaya sa akin tapos ako 'tong sisihin mo."
Tumingin ako sa kanya. "Oo nga niyaya kita pero wala naman akong balak yayain ka pumuntang bar."
"Eh, saan mo naman ako dadalhin?"
"Club." Simpleng sagot ko.
"Gago ka talaga, Evan. Parehas lang iyon."
"Hindi kaya. Sa club, may makilala kang mga babae at pwede ka rin magsaya sa dance floor. Sa bar, may makilala ka ring mga babae pero konti lang."
"Ugh. Wala akong interest sa mga babae nagtatrabaho sa club. May ibang bagay akong ginagawa ngayon pero pinagbibigyan kita dahil heart broken ka."
"Wow ah. Ginawa mo pa akong excuse. Ilang beses ko na ba kasi sinasabi sayo na huwag mo ng ituloy ang binabalak mo."
"Never! Ayaw kong magpakasal sa kanya. Kung magpapakasal man ako, doon sa babaeng mahal ko at alam mong hindi siya iyon. Pero sa ngayon wala pa sa plano ang pumasok sa isang relasyon kahit nga ang magpakasal."
BINABASA MO ANG
My Secret Romance
RomanceChase Sequel #2 : Evan Chase Ang akala nga ng mga kasamahan ni Evan sa trabaho ay isang bakla dahil niisa wala siyang pinapatulan na babae. Pero ang totoo niyan may isang babae siyang gusto makasama habang buhay - iyon ay walang iba kung 'di si Jasm...