Zoe.
"See you around." Then naglakad na s'ya palayo. Madami na ang nakiki-usyoso sa nangyari kanina.
Waahhh! Ano ba 'tong pinasok kong gulo? Ang tanga mo ZOE! Tanga tanga mo! Patay na ko nitoooo.
"Tapos na 'yung palabas. Pwede na kayong lumayas dito. Baka 'di ko kayo matantsa."
"Hala, nakakatakot naman 'yun. Binangga n'ya si Luke."
"Ano kayang mangyayari after? Whoo! Exciting!"
"I'm sure nyan, paparusahan 'yan ni Luke. Diba girls?"
"Yeah right."
Biglang may nagsalita. Si Andrea Gomez. Isa pa 'yan. Mayabang 'yan e. Peymus peymus kuno. Oo na! Maganda s'ya. Atsaka, oo peymus 'yan.
"H-hi Andrea." Nakangiting sabi ni Josh na nauutal pa. Crush n'ya 'yan e. May jowa na nga, landi landi pa.
"Josh!" Impit kong saway sakanya.
"Baket?" Nakangiti parin n'yang sabi pero hindi ako tinatapunan ng tingin. Kainis 'to. Mamaya 'to sa'kin.
"Hello Josh." Malanding sabi ni Andrea the peymus.
Naglakad na ako mag-isa. Iniwan ko silang nag-uusap don. Badtrip! Aba ang lalaki, hindi ako sinundan? Akala ko ba!
*BLAAAAG!*
Padabog kong binuksan 'yung pintuan ng room namin. As usual, tinginan sakin mga kaklase ko.
"Problema n'yo?" Tanong ko sakanila. Nag-iwas naman sila ng tingin. Takot pala kayo e.
"Uy, problema mo?" Tanong sakin ni Stephy. Girlftriend ng magaling kong pinsan.
"Wala." Sabi ko sabay dukdok ko sa desk.
"Aish."
x-x-x-x-x
"Maaaaaa!"
"Oh anak! Nandyan kana pala. Manang! Sabay na po kayo kumain ni Zoe."
Huh?
"San punta mo Mommy?" Tanong ko tapos binaba ko na 'yung bag ko. Bihis na bihis e.
"Sa Daddy mo."
"HUH?"
"Kaylangan ako dun. Para sa business natin."
"Eh? Iiwan n'yo ko mag-isa?"
"Hindi baby! 1month—"
"WHAT?! 1month LANG? Ma naman!" Naiiyak na ko. Niyakap ko si Mommy.
"Hush baby. May kaylangan lang kaming asikasuhin ng Daddy mo duon sa States para sa business natin." Hinahaplos n'ya pa ang buhok ko.
*sniff* "Sige Mom. Ingat po kayo. Pasalubong ko po ah? Hihi."
"Ikaw talagang bata ka. Sige na sige na. Male-late na ako sa flight ko e. Pinapunta ko dito si Josh. Kayo muna ang magkakasama for a mean while hangga't wala pa ako."
"Sige po. Bye po! I love you forever. Pakisabi nalang po kay Daddy, miss na miss ko na po s'ya."
"Okay. Bye! Magiingat lagi ha? Manang! 'Yung bagahe ko po paabot."
x-x-x-x-x
"Uy pangit. Galit ka?"
"Uy!"
"Ay dinededma na ako."
"Uy Z! Sorry na!"
"Sorry na nga e!"
"Bahala ka. Iiwan kita mag-isa dito. May mumu pa naman d—"
"FINE!"
"Ihh. Hindi n'ya ko natiis."
"Ulul!"
"Hahaha! Sorry na nga e. Di na mauulit. Promise!" Tinaas n'ya pa 'yung kamay n'ya na parang namamanata.
"Promise?"
"Promise!" Tas nag-apir-an kami. Niyakap n'ya ko. Niyakap ko rin s'ya.
"Anyway, bakit nga pala parang takot na takot ka kanina nung nabunggo mo 'yung lalaki kanina? Sino ba 'yun?" Humiwalay ako ng yakap. Nandito kami sa kwarto ko.
"Leader ng Frat 'yun. Bali-balita kasi sa school. Wala daw sinasanto 'yun. Mapa-matanda, lalaki o babae. Pinapatulan n'ya. Wag lang s'yang kalabanin."
"Oh? Grabe naman. Teka, bakit hindi ko kilala yun? Sabagay. Wala naman akong paki sa mga estudyante don e. Maliban sa'yo."
"Natatakot ako couz. Baka balikan ako nun."
"Nandito naman ako Z. Hindi ka n'ya magagalaw hangga't nandito ako." Niyakap n'ya ulit ako. Siguro kung hindi kami magpinsan neto, kinilig na ako.
Eto ang gusto ko sakanya e. Sweet. Para ko na s'yang kuya. Matanda s'ya sa'kin ng oras. Parehas kami ng birthday, kaya nga oras ang pinagkatalo namin e. Una s'yang inire ni Ninang then ako 'yung huli. Ang galing diba? Para kaming kambal.
We stayed in that position hanggang sa nakatulog na ako.
BINABASA MO ANG
Unexpectedly Inlove With a Playboy (ON HOLD)
Ficção AdolescenteShe's a nerd. She's nobody. She's not that oh-so-gorgeous girl. But then, something's happened, UNEXPECTEDLY.