The singing bulletin board
By: Galaxy Unheard
..........
Siguro naman lahat tayo dito ay nakakita na at alam ang gamit ng bulletin board diba? Kung Hindi pa, kasalanan niyo na yun, wala akong kinalaman dyan ah.
So ayun nga, ang kwento natin ngayon ay about sa bulletin board sa school namin. Ako si Reindant Escvorch, kung mukang galling sa historical manhwa yung pangalan ko, si author ang consultahin niyo dyan dahil puro yun nalang binabasa niya buong pandemic.
Alas siyete ng umaga nang dumating ako sa school at nung napadaan ako sa main building ay napansin ko na andaming studyante ang naka flock sa isang wall. Nang naisipan ko ring makitingin ay napansin kong karamihan sakanila ay may dalang sticky notes tsaka may kung anong isinusulat o iginuguhit sila dito.
Habang nagtitingin tingin sag a studyante ay nahagip ng mata ko yung kaklase ko na si Kleisser, lalo na sa agaw pansin niyang blond na buhok tapos may pink na highlights pa. I remember her saying na big fan siya ng Barbie kahit ano pa man ang edad niya. Since mukang magisa naman niya at parang focused na nagsusulat sa pink na sticky notes ay nilapitan ko siya.
"Kleisser" tawag ko dito at lumingon naman ito. "Ano meron?" tanong ko sakaniya
Tinapos muna nito ang sinusulat niya saka ipinakita sakin kaya napakunot ang nook o sa nabasa.
I love Barbie, does anyone else do?
-ImABarbieGirlhehe
"Uhm...what am I looking at?" tanong ko sakaniya
"As you can see may blank bulletin board dyan. The student council announced kagabi sa school site na they will put up a free wall para sa mga studyante or kahit sino mang employee ditto sa school. Kaya andaming tao ngayon dito. I'm actually hoping to meet a penpal! Try mo rin kaya?" pag aya sakin nito tsaka inabot sakin yung sticky notes niya na malarainbow dahil sa dami ng kulay.
Wala namang mawawala kung itatry ko diba?
Kaya ayun, kinuha ko yung blue na sticky notes tsaka yung ballpen kong nakasabit sa ID ko at nagsulat.
I write music. Collab, anyone?
-Prince_Ame
I put prince kasi yan yung tawag sakin ng mama ko at Ame naman ay Japanese ng rain (ulan) na galling sa Reindant
Nang mailagay na namin sa malaking board yung mga notes ay saktong tumunog ang bell kaya nagsipuntahan na kami sa mga respective classrooms namim.
Kinabukasan ay medyo late akong nakadating sa school. Buti nalang halos magkasunod lang kami nung first period teacher namin. Since magkatabi kami ni Kleisser ay narinig kong bumulong ito.
"psst! Nakita ko may nag reply sa note mo! Hihi! Ikaw ah, inunahan mo pa ako magkapenpal!" kantyaw nito sakin
"Sus, baka scam lang yun!" bulong ko pabalik sakaniya
"Pano kung hinde? Malay mo ito na pala yung ka-destiny mo? Yieee!" bulong naman nito pabalik pero bago pa ako makasagot ay hinampas ng teacher yung lamesa naming kaya pareho na kaming nanahimik.
Nung lunch na ay palabas na sana ako ng classroom nang hilain ako ni Kleisser papunta sa Free Wall.
"Ayun oh! Tignan mo yung reply ni destiny, dali!" turo niya sa black sticky note na may correction white out na nakasulat. Saan naman kaya galling yung black pad?
I'm a singer and I also write songs. Maybe we should perform together once?
-KuroHime9
YOU ARE READING
GU writes random [COMPLETED]
RandomThis book is composed of different stories with random genres... Yung iba scrip ng role play na project/performance task sa school Yung iba na-tripan kong gawin lang Yung iba mga kanta na gawa-gawa ko lang Yung iba individual activity sa klase Yung...