Chapter 13
"We have the same nose, eyebrows and eyes. Are you my missing daddy?" wala sa sariling tanong ni Justine. Nanatiling nakatingin sa kanya si Dustin na halos hindi na kumurap pa. "Can I call you daddy? Para may matatawag rin akong dad, like the other kids?"
Kaagad akong lumapit sa kanila. Hinila ko si Justine dahilan para mapahiwalay siya kay Dustin na ngayon ay bakas na sa kanyang mukha ang pananamlay.
"Justine, You can't just hold someone else's hand para may matawag kang daddy." sermon ko sa kanya. Nahihiyang tumingin ako kay Dustin. Nanatili pa rin ang kanyang paningin kay Justine. "I-im sorry, Dustin. Ganito na talaga si Justine, masyadong naghahanap ng daddy." pilit kong ngiti.
"But, Tita. We have a lot in common, so he can be my daddy." pangangatwiran pa ni Justine.
"Hindi gano'n 'yon, Justine---"
"But I want him to be my dad," bulong niya. "He's cool, and I can even tell mommy that I'm looking for my daddy."
Akmang magsasalita pa ako nang sumingit si Dustin. "Let him be, Hailey. Let him call me daddy, because when he grows up, he will also know the truth." aniya.
"Pero---"
"Yey! Your so cool, dad!" asik ni Justine at nagpabuhat na kay Dustin.
"Justine---"
"Kaya ko na 'to, ayos lang." bulong ni Dustin sa'kin.
Walang nagawang napasapo nalang ako sa aking noo. "Justine, bakit siya pa ang napili mo?" nagngingitngit ang ngiping bulong ko.
Kaagad akong napatingin kay Dustin nang tumunog ang ringtone ng phone ko. Buhat-buhat niya na si Justine kaya nahirapan na siyang kunin iyon sa may bulsa niya.
"P-pwedeng kunin ko?" nag-aalangan kong tanong.
"Yeah, sure." saad niya na agad ko namang ginawa.
Dahan-dahan kong kinuha, nanginig rin ang kamay ko dahil baka may iba akong makapa, mahirap na.
Nang sa wakas ay nakuha ko na, kaagad ko iyong sinagot kahit unknown number. Pasimple akong lumayo kela Dustin na ngayon ay kinukulit na siya ni Justine.
"Hello, ate!" si Tiarra.
"Tiarra, nakita ko na si Justine. Halika na at nang makauwi na tayo."
"Ate, I have a call from states. May emergency akong puntahan, nakabili na rin ako ng ticket pabalik, Ikaw na ang bahala kay, Justine ha?" si Tiarra.
"Pero, hindi ba pwedeng ipagbukas 'yan Tiarra?"
"H-hindi ate, bye na muna." saad nito at kaagad ng pinatay ang tawag. Pagtingin ko sa may unahan ay siyang pagtalikod ni Tiarra. Isa lang ang alam ko, nagsinungaling siya sa'kin. Pero anong dahilan ng kanyang pagsisinungaling?
"Tita, let's go to the Jollibee, I'm so hungry na," pinilig ko nalang ang ulo ko at si Justine na ang binigyan ng atensyon.
"Okay, wait a minute, baby. Magpapaalam muna tayo kay—"
"He's with us, Tita!" ani Justine na ikinagulat ko. Wala pang isang oras pero nagkasundo na kaagad sila.
"Justine, may work pa si Tito—"
"Daddy. He's my dad!"
"Okay," bumuntong hininga ako at bahagyang napapikit dahil sa kawalan ng pasensya. "As what you've said, your dad is coming with us. Let's go?" malaki ang kanyang ngiti na tumango. Parang alam na rin ni Dustin ang mangyari dahil bumusina na siya. Napailing nalang ako sa gusto nilang mangyari.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
Roman d'amourChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...