CHAPTER 10:

7.4K 288 3
                                    

STILL HIS POV:

Parang daloy ng tubig ang mga ala-alang  iyon ng pagkabata namin, Simula ng makita ko si kuya zeus sa kwarto ni zerenity ay iyun ding araw nayon Na pinagbawalan nya kaming lumapit sa bunso namin.

Napatingin ako kay kuya zeus habang naglalakad kmi papasok sa isang kainan, Deretso lang ang tingin nito sa daan at tulad dati ay blangko lang mga mga mata nya.

Napatingin sya sakin kaya napaiwas ako ng tingin Hindi ko talaga makayanan ang malalamig nyang mga mata, Pumasok na kami sa kainan at naupo sa bakanteng upuan doon.

"Mga tol ang seseryoso nyo naman Hindi kayo gumaya sa akin na laging gwapo." Napabalik ako sa huwisyo ng buong pagmamalaking nagsalita si kevin napatingin kami sa kanya nakangiti ng malaki at tumataas baba pa ang dalawang kilay.

Muntik nakong matawa ng binatukan sya ng kalapit nyang si dustin bago nagsalita.

"Ulol mas gwapo ako sayo hindi moba naaalala na mas madami ang chicks ko kesa sayo?" Tatawa tawang sabi ni dustin, Napatawa na talaga ako ng batukan naman ito ng kalapit din nilang si tyton.

"Ulol kayong parehas di hamak na mas lamang ang kagwapuhan ko sa inyong dalawa Mas gwapo pa ako kay killian mas madam-" Hindi na nito natuloy pa ang sasabihin ng madapo ang tingin nito kay killian na nakatingin sa kanya ng malamig, Kitang-kita namin ang pamumutla ng mukha nito at mapalunok ng paulit ulit, Tinawanan naman ito nila Kevin at Dustin.

"HAHAHA ako na bahala sa tinapay at kape." Humahalakhak sa tawa na sabi ni dustin habang nakatingin sa namumutlang pagmumukha ni Tyron.

"HAHAHA sagot kona ataul at mga bulaklak  mo tol." Tumatawa ring sabi ni kevin habang nakahawak sa tiyan.

Natigil naman sa pagtawa ang dalawa ng may dumikit na bublegum sa bibig ng mga ito, Napatingin sila kay polaris na syang may gawa non Patuloy parin ito sa pagbabasa ng spell book nito hindi pinansin ang masasamang tingin ng dalawa.

"Naiirita ako sa boses nyong dalawa Manahimik nalang kayo kung ayaw nyong gawin ko kayong  palaka." Naiiritang sabi nito bago masamang tumingin sa dalawang my bublegum parin sa bibig. Bumusangot nalang ang dalawa kaya tinanggal na ni polaris ang spell na nilagay nya.

Nagtawanan ang mga babae habang bumebelat sa dalawa na nakabusangot parin, Hindi nagtagal ay dumating narin ang pagkain Kaya nagsimula na silang kumain.

"Hindi parin ba nag bibigay ng bagong misyon si headmaster?" Tanong ni Kalixta habang humihiwa ng steak.

"Hindi daw muna, Pagbalik nalang daw natin sa akademya tsaka nya ibibigay ang bagong misyon Pinasabi nya ring makakasama daw natin si prinsesa serenity." Ngumunguyang sabi ni Kaius inagaw pa nito ang beaf steak ni kalixta na tinignan lang sya ng masama nagulat naman silang lahat sa sinabi nito dahil ito ang  First time na makakasama namin sya sa misyon.

"WHAT! Anong mapapala natin sa mahinang yon? Baka maging pabigat lang sya sa atin." Biglang kontra ni alicia na napatigil pa sa pagkain, Tinignan ko naman sya ng masama. How dare her.

Nagkibit balikat lang si kaius at nagpatuloy sa pagkain wala ng nagsalita sa amin hanggang sa matapos kami sa pagkain, Lumabas na kami bago sumakay sa karwahe na maghahatid sa amin pabalik sa palasyo. Iniisip kopa rin ang sinabi ni kaius kanina anong iniisip ni headmaster at pinapasama sya samin.

Another Life Of Ashanta Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon