Chapter 10 Pekyepe

326 17 4
                                    

sorry sa late ud. :) may nagbabasa pa ba nito? Hello? HAHAHA! paramdam naman kayo!

Jane with Etzel sa multimedia

Chapter 10

Pekyepe

"Pagkatapos nyan, gumulong ka ng kaunti tas magtago ka sa likod nitong mga gulong saka ka bumwelo na babarilin mo ang kalaban. Gets?" Gumulong-gulong si direk Da Vinci habang tinuturuan ako sa gagawin ko. Nakatingin sa akin si poging manager namin at nag"ok" sign sya. "At ikaw, tumakbo ka para habulin yung may hawak kay Qwerty, tapos naituro na ba sa'yo ni Lance ang gagawin?" Tanong nya kay Anthony na nagbabalot na ng kamay para gawing lumpia. Joke. Para kunwari e may sugat sya sa kamay galing doon sa previous scene na nakipagbugbugan sya dun sa lalaking mas malaki pa sa salbabida ang tyan.

Tinignan ko si Qwerty mula dito sa kinatatayuan namin. Kausap nya yung mga assistants at mga stuntmen. "Oo nga pala, mamamatay ka sa ending.." tinuro ako ni Direk, "kasama mo si Tyrell."

"What?!" Ako mamamatay? Hindi pwede! Kailangang mas mahaba ang exposure ko kay Anthony! E ano pa nga bang magagawa ko? Extra nga lang ako dito di ba?

Lumapit sa akin si Tyrell at hinawakan ako sa balikat, "Instant artista ka na!" Saka sya tumawa. Baliw talaga 'to! Ingudngod ko mukha nya sa cheesecake tignan nya!

"Tss. Mamamatay ka rin!" Tinapat ko ang pekeng baril sa kanya at pinindot ito. "Bang!!"

"Guys, prepare yourselves na. Scene 21!" Sigaw ni direk at umayos na kami. Let the game begins!

--------+---------+

Etzel's POV

"Nakita ko talaga Etzel! Kitang kita ng dalawang mata ko, si Jane may kasamang lalaki! Maniwala ka sa akin! Magkasama silang pumasok sa restaurant!!" Nanlalaki ang mga mata ni Gunther habang kinukwento nya sa akin 'yon. Tapos nginunguso nguso pa nya ako. Langyang lalaki oh! So kailangan ko bang malaman pa ‘yon? Kailangan ko bang magselos? Wala na naman kami ni Jane kaya malaya syang makipagdate sa iba. Tsk! Napakatsismoso talaga ni leader.

"Aminin mo, selos ka?" Tanong ni Gunther.

"Ewan ko sa'yo! Ayusin nyo muna ni Azriel away nyo. Tutuktukan kita dyan!" Kinuha ko yung bote ng softdrinks at ihahampas na sa kanya.

"If I know, masyado kang broken hearted sa kanya!" Ikinorteng puso nya yung dalawa nyang kamay at itinapat sa dibdib nya tapos ibinuka at ibinalik nya ito ng paulit-ulit. Asar lang!

"Pekye pe..." sabi ko sa kanya. Pake ko ba dun sa kasama ni Jane! Sino naman kaya yung kasama nya? Tss. Ang panget panget ni Jane eh! May magkakagusto ba don? Tss. At bakit ko kailangang malaman kung sino ‘yon? Sino nga ba yun?

"Uyy! Curious kung sino kasama ni Jane! Ahahaha!" 

"Alam mo. Mukha ka pong tanga!!" sagot ko sa kanya.

"Kitang kita ko sa mga maliliit mong mata na gusto mong malaman kung sino yung lalaking kasama ni Jane. Hahahaha!"

Best Absolute Pogi (BAP Book 2) [DISCONT.]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon