PANGITI-NGITI siyang pumasok ng dorm.
Rigo's the reason of her smile. Walang duda iyon. Everyday he never fail to make her happy. May pagka-mokong lang talaga minsan."So, the rumors are true." Boses iyon ni Stephanie na nagpaangat sa kan'ya ng tingin. Napalis ang ngiti niya.
"Kumusta naman kayo ng boyfriend mo?" Nakaupo ito sa single sofa.
"Okay naman," tipid niyang sagot.
Tumuloy siya sa paglalakad. Paakyat na siya sa hagdan nang magtanong muli si Stephanie.
"Alam ba niya ang tungkol sa nangyari sa atin?"
May talim ang bawat salitang binibigkas nito. Nakakapagtaka lang na ngayon lang muli sila nagkadaupang palad samantalang magkasunod lang naman sila ng silid.
Hinarap niya ito ng taas noo. "Wala naman siyang pakialam. Ang mahalaga masaya kami."
"Talaga lang, huh?" Mapakla itong ngumiti, tumayo at humalukipkip.
"Hindi ba siya nandidiri sayo?"
Mapangmatang lumapit ito sa kan'ya at inikutan pa siya.
"Hindi ko alam na kumakati rin pala ang mga puk* ng mga katulad mo," tumawa pa ito ng mala-demonyo.
Naikuyom niya ang dalawang palad. Tinikis ang sarili h'wag patulan ang gaya nito.
"Go straight to the point, Stephanie." Nilabanan niya ang titig nito.
"You're a slut!" asik nito.
"Are saying that to me or... to yourself?"
Nanlilisik ang mga mata nitong sinugod siya ng sampal. Sinampal siya nito ng dalawang beses sa magkabilang pisngi, kahit masakit hinayaan lang niya ito.
Pero bago pa man dumapo ang ikatlong sampal niya sa pisngi niya ay lumabas si Amor sa kwarto nito at tinulak ito.
"Ano bang problema mo ha, Stephanie?!" bulyaw nito kay Steph na ngayon ay nakaupo na sa sahig.
Sinangga nito ang katawan sa kan'ya na sa paraang pino-protektahan siya nito kay Stephanie.
"Umayos ka kung ayaw mong mapaalis dito!"
"Bakit ka ba nangingialam sa may problema ng may problema, huh?!" Nanlilisik ang mga mata nito. "Eh, tibo naman talaga 'yan!" dinuro pa siya nito. "Akala mo kung sinong hayok sa puk*, eh makati din naman pala!"
Napasinghap siya ng dumapo ang palad ni Amor kay Stephanie, napahawak naman sa pisngi niya ang huli. "Watch your mouth, Stephanie. Baka sa susunod hindi lang sampal ang maibibigay ko sa'yo."
Hinawakan siya nito sa braso at inalalayan paakyat.
NILALAPATAN NI AMOR ng first-aid kit ang labi niyang pumutok pala sa lakas ng pagkakasampal ni Steph.
"Huwag ka ng mag-alala sa nangyari. Sinisiguro ko sa'yong walang sasabihing kung anu-ano ang babaeng 'yun."
Sa totoo lang naiilang siya sa babae. Sumisiksik kasi sa isip niya ang kamuntik na milagrong nangyari sa kanila.
"Ahm.. ate Ams... iyong nangyari sa—" nabitin sa ere ang sinabi niya ng magsalita ito.
"Huwag kang mag-alala," sabat nitong nakangiti. "Kalimutan na natin 'yon. Dala lang ng–alam mo na." Manipis pa itong tumawa.
Maya-maya ay niligpit na nito ang first aid kit.
"Alis na ako," paalam nito at dinampot na ang box.
"Salamat!" pahabol niya bago ito makalabas ng pinto. Nag-OK-sign lang itong hindi lumilingon sa kan'ya.
"SAAN KA NGAYONG Christmas break?" tanong niya kay Rigo habang nakasubsob ito sa pagkain ng fruit salad na ginawa nila. Siya lang pala, kasi nilalantakan lang nito ang cheese na hinihiwa. May iba't-ibang love language ang bawat magkasintahan. For them, it's definitely food.
Dati hindi siya naniniwalang lahat ng lalaki ay malalakas kumain. Literal na pagkain.
May mga kapatid siyang lalaki pero hindi gano'n katakaw... pero iba rin si Rigo. Kahit anong iluto niya rito ay kakainin nito. Another character development for her— ayaw niyang may pinagsisilbihan dati. All she wants is freedom and being drown in solitude. Some even called her self-centered. But when Rigo came, everything has changed.
"Dahan-dahan nga!" saway niya rito nang mabilaukan ito. "Para kasing mauubusan, e." Binuksan niya ang mineral water saka binigay kay Rigo.
"Shit!" mura nito ng mabuhusan ng tubig galing sa bote. Nabasa tuloy ang pang-itaas nito suot, hinubad nito iyon.
Napakamot na lamang siya sa ulong kinuha ang extra t-shirt nito sa bag niya. Lagi siyang may dala no'n nang mapansin may pagkadugyutin ang boyfriend niya.
"Oh!" Abot niya. "Magbihis ka! H'wag kang maglive-show dito," yamot niya nang may makitang ilang babaeng napalingon sa paghubad nito.
Halos mabali pa ang ulo ng babaeng dumaan sa kakalingon nito sa kanila.
Nakangisi siyang bumalik sa pag-upo pagkatapos isuot ang t-shirt niya. "Ang sungit mo naman po, Mommy."
Napataas ang kilay ko niya sa sinabi nito. Ilang araw na siyang inaasar nito sa 'Mommy'. Dapat daw kasi masanay na siya. Kasi 'yun ang itatawag nito sa kan'ya kapag nagka-anak na raw sila. 'Tapos 'Daddy' naman daw ang itatawag niya rito.
Ang gago!
"Isa pang Mommy mo riyan, ipapalunok ko sa'yo 'yang baunan." Pinandilatan niya ito.
Malakas pang tumawa ang mokong.
Asar.
"Hindi mo sinagot ang tanong ko!" Irap niya.
Tumigil ito sa pagtawa pero nakangiti pa rin. "Anong bang tanong mo?"
"Saan ka nga ngayong Christmas break?"
"Ewan ko. Busy si Tatay kapag pasko," kibit-balikat nitong sabi saka bumalik sa pagkain ng fruit salad.
"Ang Mama mo?" tanong niyang muli.
"Twice a year lang kami nagkikita n'un diba?"
Oo nga pala. Kapag birthday lang nito at kapag bakasyon lang ito umuuwi. Sa ibang bansa kasi talaga ito nakatira, half-australian.
Kahit hiwalay ang mga magulang nito ay hindi naman daw pinabayaan ng ina.
Napansin niyang hanggang sa makauwi sila ay tahimik lang ito. Malalim rin ang ang isip at malayo ang tingin. Hindi rin siya nito inaasar.
Nang nasa tapat na sila ng dorm, nakayuko nitong inabot ang backpack niyang sukbit nito. "Ingat ka pag-uwi."
Ginagap niya ang kamay nito. "Baby," aniya na sinalo ang tingin nito.
Umangat ito ng tingin. "Hmm?" he asked, he smiled but there's sadness in his eyes.
Maliit pa nga lang siguro ang panahong nakakasama niya ito. Ngunit alam niya kung kailan ito masaya o malungkot. Alam niya kung ano ang ibig sabihin ng bawat kilos at galaw nito. Hindi gano'n kahirap malaman kung ano ang nararamdaman nito.
Ang sitwasiyon nito sa magulang ay hindi lingid sa kan'ya. Kaya hindi niya maatim kung anong laging sitwasiyon nito kapag may mga okasyong kasama sana nito ang mga magulang.
Her family wasn't also perfect. Her dad leave them when she was twelve, her mom was even pregnant at that time. Pero wala naman siyang hinanakit sa ama dahil simula't-sapol hindi naman na niya ito nakakasama, lagi kasi itong nadi-destino sa iba't-ibang lugar. Lumaki siyang sa ina nakasandal lagi.
Masuwerte pa siya dahil nasa tabi lang lagi niya ang ina. How about Rigo?
Minsan naisip niya, bakit kaya may mga ganoong mga magulang? She's not generalizing, but some parents are really selfish.
"Sama ka sa'kin sa christmas break," nakita niyang nabigla ito, maski siya ay nabigla rin. Keysa naman sa mamatay ito sa lungkot.
"H-hindi ba magagalit ang Mama mo?" nag-aalinlangang tanong nito.
"Hindi naman..." Hindi naman siguro... Naibulong na lang niya.
BINABASA MO ANG
RODEO ENTRADA: RODRIGO SERNA III (The Playboy Programmer)
Ficción GeneralFORMER TITLE: A SAPPHIST'S DESIRE WARNING: SPG | R-18 | MATURE CONTENT READ AT YOUR OWN RISK! BE A RESPONSIBLE READER! •ENTRADA• Samantha Zalde's dream is to study at the university that she admired when she was still in high school. That's why when...