Bumaba ako ng sasakyan at napa-buga ng hangin. Nilibot ko ang tingin sa paligid ng lugar na hinintuan ng kotse. The place didn't change after a week that I can't find myself going back here as I am recovering myself.
Sinara ni Yandiel ang pinto ng kotse at tumingin sa akin. Simpleng sumenyas siya. "Tara na."
Sumunod ako sa kanya na may malalaking hakbang. Hindi ko alam kung saan kami pupunta pero may kutob ako na sa dulong office. Bawat silid na nadadaanan at pasimple kong sinusulyapan. May mga tao sa loob na mga nag-uusap, hindi ko maobserbahan ng mabuti pero parang normal lang naman ngayon.
Tumigil kami sa harap ng pamilyar na office, marahan na binuksan ni Yandiel ang pinto nang hindi tumitingin sa akin. Nanahimik ako at napalunok na lang dahil sa kakaibang pakiramdam, hindi pa rin ako mapalagay sa nangyari kanina. Ngayon naman ay nagtataka ako kung bakit niya ako dinala rito sa lugar ni Ryker.
"Anong ganap?" salubong sa amin ni Ryker na komportableng napaupo sa swivelling chair niya at nakaharap sa sinag ng araw, napatingin ito sa akin at napangisi. "You brought our newly initiated member. Can't she come here all by herself?"
Unti-unti akong napatingin kay Yandiel na mukhang seryoso at walang ganang nakatingin kay Ryker. "She's leaving," he said, shortly. What?
Dahil doon ay natigilan si Ryker na bahagyang naliwanagan ang papalubog na araw na mukha. Naging seryoso ito ngunit naroon pa rin ang kurba ng labi. Kahit ako ay natigilan dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng puso ko at hindi maintindihan na pakiramdam sa dibdib. Why is he doing this?
Mahinang tumawa si Ryker at tumayo sa kinauupuan, nakaramdam ako ng tensyon dahil maloko ang isa at seryoso naman ang lalaking katabi ko. "Why are you kicking this woman out? She loves here, she'll have people to fight with her," he chuckled again. "Look at that girl acting tough and wild. Let her stay."
Tumalim lalo ang titig ko sa kanya, may lumabas na babae sa CR ng office pero hindi ko ito pinansin. Just be sure that I'll love to be here, I won't love it when I didn't had the chance to say a Word.
Inangilan ko si Ryker, baliw.
Narinig ko ang malakas na pag-buntong hininga ni Yandiel, sa gilid ng mata ko ay nakita ko ang pagkibit-balikat niya bago tumalikod at padarag na lumabas ng office.
Ibinalik ko ang atensyon kay Ryker at nagtipid ng ngiti. "Mmm. I'll definitely love being here," I said.
His lips pursed. "I don't know why he's kicking you out."
"Who knows? Maybe, he wants someone to be protected here." I looked at my side, to the window and saw that he's no longer here. "He's not like you. Then, tell me who he is," I demanded as I stepped forward.
"What are you saying?"
"Yandiel Castille, who is that person? He looks nothing like you," I coldly uttered. "I didn't see him when I got initiated in this lame, funereal, and leaden place. Do you know why?"
Hindi siya nagsalita at nakatingin lang sa akin, naghihintay ng susunod na sasabihin ko. I could sense it, these two are related.
"He got hospitalized after asking for the money he openly gave to those drug addicts, no one even protected him. Do you call this a fraternity? You were supposed to help the needy."
Natigilan ako nang bigla itong tumawa na parang isang malaking biro ang sinabi ko. Komportable nitong isinilid ang isang kamay sa bulsa at humahalakhak pa rin. "Anong akala mo rito? Bahay-ampunan at charitable organization?" he mockingly said. "What you said doesn't suit you as a person, stop it. You are not supposed to feel any sympathy here."
BINABASA MO ANG
Covenant in the Wilderness
Espiritual2013, where about 55% of college students suffered injuries from hazing. For more than two months, Deborah Yuenne, an ordinary college student of education found herself watching out over this group that they called fraternity, where members share c...