"Ikaw lang mag isa dito?" Tanong ko habang nililibot ang paningin sa loob ng bahay.
Tumango naman siya habang kumakain. "Join me." Yaya niya sa'kin.
Umiling naman ako. "Ikaw ang kumain niya, kumain na 'ko." Sabi ko naman.
"I always alone here. Nagiging maingay lang ang bahay sa tuwing pumupunta dito sina Luxzell at Tristan and now, ikaw lang ang babaeng nakapasok dito except to my cousin Axie." Nakangiting sabi niya habang kumakain.
Lumaki naman ang mata ko habang nakatitig sa kaniya. Ako pa lang ang babaeng nakapasok dito?
"A-ano?"
"Anong ano?" Nakakunot ang noo niya pero nakangiti. "I don't allowed anyone to enter my properties, ganu'n ako kaarte. Malalapit lang sa'kin ang nakakapasok dito." Nakangiting sabi niya.
Napalunok akong umiwas ng tingin. Gaano ba kami kalapit sa isa't isa?
Nang matapos siyang kumain ay siya din ang naghugas ng plato. Napatingin naman ako phone ko kung anong oras na. 6PM. Tsh buti na lang at wala akong pasok bukas dahil sabado pero lunes ay exam na namin.
"You want to enter my room?" Tanong niya nang makabalik sa sofa.
"H-ha?" Aligagang tanong ka.
Umangat naman ang gilid ng labi niya, napakaattractive niya sa paraang 'yun pero hindi pa rin 'nun kayang bawasan ang iniisip ko.
"You are always tremble when you talk to me. Parang ngayon mo lang ako nakausap." Natatawang sabi niya tsaka naupo sa tabi ko at kung ano anong pinindot sa phone niya. "Let's go. I show you my room."
Bakit?
Gusto kong itanong kung bakit kailangan niya pang ipakita sa'kin e hindi naman ako interesado.
Basta niya na lang ako hinila paakyat ng hagdan. Hindi mahinto ang paglunok at pagkalabog ng dibdib ko.
Napaawang ang labi ko ng makita ang second floor. Kulay brown ang tiles at sobrang iwas. Maraming pinto at tumuloy kamisa itim na pinto sa dulo. Lalo akong bumilib sa ganda ng loob ng kwarto niya.
"Welcome to my room." Sabi niya na isinara ang pinto.
Napalunok ako pero hindi pa rin mawala sakin ang paghanga sa loob ng kwarto niya. Naghahalo ang kulay itim, grey at puting kulay sa loob ng kwarto niya. May king size na kulay grey na kama. May circle gass table at glass window na may kurtinang puti. May picture frame sa table malapit sa lamp, picture niya. Doon natuon ang atensyon ko, napakagwapo niya.
Umihip ang hangin ng buksan niya ang glass door at bumungad ang magandang tanawin. Dahil second floor 'to ay makikita mo sa labas ang mga bahay na malapit sa kanila. Kitang kita mo din ang buwan at mga bituin.
Sinundan ko siya doon na nakatingin sa mga bituin. Nakapatong ang siko sa bakal na harang habang nakatingala sa mga bituin, parang ang lalim ng iniisip. Ipinatong ko din ang siko ko sa tabi niya at sa kaniya tumitig. Hindi ko rin maintindihan ang kalabog ng dibdib ko habang nakatitig sa kaniya. Sa puti at kinis ng balat niya ay halatang mayaman siya. Tindig at itsura pa lang ay malalaman mong may maipagmamalaki. Napakagwapo niya malayo man o sa malapitan.
"Did you experience to love silently?" Tanong niya na hindi ako nilingon.
Napalunok naman ako pero nasa kaniya pa din ang tingin. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Love? Siguro hindi pa pero paghanga oo, at sa kaniya 'yun. Oo humahanga ako sa kaniya. Doon pa lang sa sinabi ni 'nay Sally na hindi siya tulad ng ibang binatang pinapabayaan ng magulang ay nagrerebelde. Iba si Yvez. Lahat siguro ng babae ay pwede siyang magustuhan.
YOU ARE READING
SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓
RandomSHS SERIES 2 (YVEZ AND JICHELLE STORY) Ako si Jiwell Achelle Yskaela Gonzaga,mas kilala sa pangalang Jichelle at walang ibang hinihiling kundi ang simpleng pamumuhay bilang isang probinsyana. Ang simpleng gusto ko ay nadagdagan ng isang kahilingan...