(20)

85 4 0
                                    

"Pasok na kayo dahil malamig na. Hintayin na lang natin sina Axie at tito na makapunta." Sabi ni Luxzell sa'min.



Nasa Bicol na kami at naiilang ako sa presensiya ni Luxzell lalo na kung narito si Axie.


"Uhmm Ev, bukas pupunta ako sa bahay namin. Pinapupunta ka ni Papa." Sabi ko kay Yvez.



Nanlaki ang mata niya tsaka agad na tumango.



Paniguradong alam nila na narito kami dahil sinabi ni tito pero hindi niya pa alam na kasama pala si Yvez.



Nang makarating sina Luxzell at Axie ay agad din kaming nagsimula sa pagkain. Nagkwentuhan pa sila ng ano anong bagay bago pumasok sa kani kanilang kwarto. Natulog din agad ako dahil gusto ko na din makuwi sa bahay. Kinabukasan ay nagpaalam ako kay tito Primo pati na din sa mga kasama namin na pupunta kami ni Yvez sa bahay at pinayagan naman agad kami. Ipinahatid pa kami sa driver niya.




"Ma." Sabi ko ng makapasok kami ng bahay.




Sa pagkakataong ito ay hindi ako nahiyang ipakita kay Yvez kung anong mayroon sa amin.




"Oh andito na pala kayo. Welcome ka sa bahay namin Yvez." Sabi ni Mama kay Yvez.


Ngumiti naman si Yvez. "Maraming Salamat po." Sagot ni Ev.



"Saglit lang at hindi pa luto ang niluluto ko. Ang Papa mo ay naliligo pa habang ang kuya mo ay pauwi pa lang." Sabi ni Mama tsaka pumasok ng kusina.


Naiwan naman kami ni Yvez kaya napalingon ako sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko habang nililibot ang tingin sa bahay namin.



"Is that you?" Tanong niya habang nakaturo sa picture frame na nasa lamesa malapit sa Tv.


Napatango naman ako. Larawan ko 'yun 'nung bata pa 'ko. Siguro nasa apat na taon ako niya. Nasa park kami nina Mama, Papa at Kuya at nakangiti ako sa larawan habang may hawak na hopya sa kanang kamay.


Lumapit siya doon kaya pati ako ay nadala dahil hawak niya ang kamay ko. Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang larawan ko. Naglipat naman siya sa kabila kung saan kasama ko si Kuya. Nasa likod ako ni Kuya habang parehong tumatawa sa larawan.


"I hope I have sibling too." Sabi ni Yvez. Oo nga pala, only child lang siya.


"Pwede mo 'kong kapatid." Pagvovolunteer ko.



Natawa naman siya sa sinabi ko. Hinila ko naman siya papasok ng kwarto namin ni Kuya.



"This is your room, it's so cute." Sabi ni Yvez habang nakapasok ang isang kamay sa bulsa.



"Room namin ni Kuya." Pagtatama ko tsaka inilapag ang bag namin sa kama. "Upo ka." Yaya ko sa kaniya na tinapik pa ang kama.



Tumabi naman agad siya sa'kin habang hindi nakokontento ang mata sa kalilibot.




"Kain na!" Tawag ni Mama kaya hinila ko ulit si Yvez palabas.


Sabay kaming naupo at doon ko naabutan sina Papa at Kuya. Niyakap ko sila bago ako umayos ng pagkakaupo.



"Ilang taon ka na nga Yvez?" Tanong ni Papa kay Yvez habang kumakain kami.



"17 po." Sagot naman ni Yvez.


"2 years gap pala kayo." Singit ni Kuya, tumango naman si Yvez. "Akala ko magkasing edad lang tayo kasi hindi nagkakalayo 'yung itsura natin, mas matanda pa pala 'ko sa'yo." Natatawang sabi ni Kuya dahilan para matawa din kami.




SHS SERIES II: CHASING THE MOON | ✓Where stories live. Discover now