Chapter 15
"Tita's here na dad!" anunsyo ni Justine na ikinalingon ni Dustin.
Hilaw akong napangiti sa kanya. Lumapit rin ako at umupo sa may tabi niya. Si Justine naman ay humiga sa may lap ko. Medjo matagal tagal ang byahe at pati na rin ang paglalaro namin kanina kaya ang dali niyang nakatulog, dalana rin sa pagod. Kami nalang ngayon ni Dustin ang nanood.
"Thank you." mahina kong anas. Nanatiling sa screen ang paningin. Kita sa gilid ng mata ko ang patingin ni Dustin sa'kin.
"For what?" tanong niya
"For taking care of Justine." Sabi ko habang hinimas himas ang buhok ni Justine. "Hindi ko alam kung saan ko iwan si Justine kanina kung wala ka. Dahil alam kong hindi dapat nando'n si Justine kasama ko kanina." patuloy ko.
"No problem. I have my time always para kay Justine. And also, thank you for trusting me." asik niya. Tumingin ako sa kanya. Nanatili sa'kin ang kanyang paningin. Ako ang unang umiwas at tumango.
"Ano ang pinag-usapan niyo ni Hannah?" tanong niya.
"Nothing special." ngiti ko. "Hindi mo na kailangang malaman, Dustin." saad ko na mas lalong ikinakunot ng kanyang noo.
"May ginawa ba siyang masama, Hailey? That girl!"
"Wala naman." pagsisinungaling ko. Alam kong hindi naman dapat magsinungaling sa kanay. Pero kapag sinabi ko ang dahilan ng pag-uusap namin, mas dadami ang kanyang tanong at baka masabi ko pa ang hindi dapat.
Tumunog ang phone ko. Nang tingnan ko iyon, isang text message na naman na galing sa unknown number. Pero kahit na gano'n, alam kong si Hannah pa rin 'yon.
From: Unknown number
Just call me if you change your mind, Hailey. I'm one at call.
Text nito na ikinalito ko. No way! Hindi ako tatanggap ng pera na galing sa kanya.
"Daddy, I want that!"
"This?"
"No! That ball daddy!"
"Okay, I got this! Let's go to the pool and play."
Nagising ako sa ingay nina Justine. Kinusot ko pa ang aking mata. Nakasanayan na ni Dustin na magang pumunta dito sa condo ko para maligo sila ni Justine. And that happen every day-off ni Dustin.
Nasa ibaba ang pool kaya sa isang iglap ay nawala na ang ingay. Napailing nalang ako at nagluto na ng agahan naming tatlo. Dahil paniguradong makikikain lang naman si Dustin dito.
*DING DONG!*
Sunod-sunod na doorbell ang narinig ko mula sa kabila. Sa tingin ko ay sa condo iyon ni Dustin. In-off ko ang gas stove at pinuntahan saglit ang nagdoorbell. Kita ko naman ang babaeng pormal na pormal ang tayo. Nasa mid 40's na yata siya, pero hindi halata sa kanyang mukha ang pagiging matanda dahil sa kutis nito. May bitbit rin itong groceries.
"Excuse me," tawag ko. "Wala po d'yan si Dustin, nasa baba pa po." saad ko. Nang lumingon siya sa'kin at gano'n nalang ang paglaki ng kanyang mata at kasabay ng pagbitaw niya sa mga pinamili dahilan para kumalat sa sahig ang kanyang pinamili.
"Holy Jesus Christ!" sigaw ng babae na ngayon ko palang nakita. Napatakip pa siya sa kanyang bibig. "C-christine? B-buhay ka?" gulat pa ring aniya.
Kunot-noong nakatingin pa rin ako sa kanya. "I'm Hailey po---" naputol ang dapat na kong sabihin nang dumating sina Dustin. Magkahawak kamay ang dalawa habang balot na balot ng towel si Justine.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
Любовные романыChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...