Chapter 21
The dream catcher helped. Hindi ako nanaginip ng masama at naging mahimbing ang lahat ng tulog ko simula noong sinabit ko 'yon sa likod ng pinto ko. But whenever I'll wake up from my sleep, I'd be back in reality that our lives are in danger.
The investigation is still ongoing and I continued going to school as if everything was fine. Nahahalata ni Hailey 'yon at thankful naman ako na naiintindihan niya ang sitwasyon ko. Ever since my grandfather received death threats, my parents made sure that I am home after school.
Hindi na ako nakakalabas kasama ang mga kaibigan ko. Kung hindi ko kailangang kailangang umalis ng bahay, hindi ako pwedeng umalis. Iba iyon sa mga pinsan ko dahil malaya silang nakakaalis ano mang oras nila gusto.
Siguro dahil nga babae ako at hindi ko kayang depensahan ang sarili ko kaya lagi akong naiiwan dito. I cannot hide my jealousy but I understand. Kapag bumuti buti na ang sitwasyon, papakiusapan ko ang parents ko na i-enrol ako sa self-defense class. I think that would also ease my mind, if I know that I can, at least, defend myself in case something bad happens.
More weeks passed but there is still no lead. Mahigpit pa rin ang security namin pero natigil na ang mga threats. Hindi ko alam kung dapat bang bumuti ang pakiramdam ko dahil kalmado na ang lahat o dapat bang mas lalo akong matakot dahil wala na 'yung mga banta sa buhay namin.
"Pinayagan ka na ba nina Tito at Tita na mag-enrol sa self-defense class?", si Hailey na kasama kong kumakain sa canteen.
"Oo kaya lang wala akong oras kasi finals na natin tapos opening na rin ng next semester. Inaasikaso na rin 'yung debut ko."
Her eyes sparkled when I mentioned my upcoming debut. Isa pa iyon sa mga bumagabag sa akin. Ayos lang ba na magkaroon ako ng enggrandeng celebration kahit na nakatanggap kami ng death threat months ago?
"Oo nga pala! Dapat na talagang umpisahan ang preparation para 'ron. Sino ba ang gagawa ng gown mo? Si Mackenzie Diaz ba?", she asked.
I smiled as I looked at her more excited than me. Mabuti pa siya excited para sa 18th ko, samantalang ako, hindi ko magawang ma-excite.
"Siguro. Wala akong kilalang mga magagaling na designer 'e. My cousins are all boys so..."
"Magaling si Mackenzie! Siya ang designer ng gowns ni Liannon Monteclaro."
I nodded. I know Liannon because of Hailey. Nakita ko siya isang beses sa isang mall malapit dito sa school st may kasama pa siyang isang babae. Iyon yata 'yung bestfriend na babae ni Theo, si Calista Riqueza.
"I see. Sasabihin ko kay Mommy para ma-contact namin", I said and continued eating.
"Hindi ka man lang ba excited sa 18th mo? October na, girl! You'll turn 18 in February. Ilang months na lang!"
Nagkibit balikat ako. "Nakakatakot kasi. I don't know if I can fully enjoy a party while knowing that our lives are still under threat from Papa's enemies."
"Still no improvements with the investigation?"
"Sabi sa balita wala pa rin. Hindi naman kasi pinag-uusapan sa bahay at kapag mag-uusap sila, lagi namang wala ako. How would I know, right?"
"Mukha namang ginagawa nila ang lahat para sa safety niyo. I am not saying that it's okay, okay? Kapag kasi titigil ang mundo mo sa mga ganyang bagay, paano ka na lang araw-araw?"
"Ayoko lang na maging kampante, Hailey. Paano kung may mangyaring masama sa akin? Sa amin ng pamilya ko?"
"I'll be honest with you. May politiko rin sa pamilya ko. Cain's Dad is into politics, too, right? Parang almusal na ni Tito ang mga ganyang threat at sanay na sanay na sila sa mga ganoong bagay. Kapag kasi pinakita nila na natatakot sila, mako-kontrol sila ng kaaway." She paused and then sighed. "Karamihan sa mga ganyang threats, kahit anong hanap mo sa nagpadala, hindi talaga nahahanap o kaya ay ibang tao ang tinuturo. Alam mo naman kung gaano ka-fucked up ang sistema sa bansa natin 'di ba? Hindi ko sinasabing balewalain mo na lang pero ang sa akin lang, wala kasing kasiguraduhan kung mahuhuli pa ba 'yung tao behind that scheme. Hindi pwedeng hintayin mong mahuli 'yung taong 'yon bago umikot ulit ang mundo mo. That's not the first and last terrifying threat your family will receive, Adi. Don't let it faze you."
BINABASA MO ANG
The Calm in the Chaos (Trazo Real Series #3)
RomanceAdi, a child from a family of politicians in Batangas, grows fond of Rafael, her late cousin's closest friend. As their lives intertwine, Adi realizes that her life will always be chaotic. But she found serenity in her new found friend, Rafael. Adr...