twin face

76 1 0
                                    

"Mesha Zhione." Okay! Kapag tinawag na ni tatay ang buong pangalan ko isa lang ang ibig sabihin noon, makinig ako ng walang reklamo. Kababalik ko lang galing ng Japan nang ipatawag ako ni tatay dito sa town house namin sa Tagaytay. Akala ko noong una para i-surprise ako pero higit pa pala doon ang madadatnan ko.

"Pero 'tay, bata pa naman ako ah!" sabi ko. Hindi ko na talaga alam ang gagawin ko, gusto kasi akong ipakasal sa kababata kong si Denver. Matagal nang sinasabi nila nanay at tatay sa akin ang tungkol dito, hindi ko nga lang pinapansin kasi akala ko titigil din sila sa pangbubuyo sa akin, kung titingnan ayos lang naman na maging kami ni Denver, sa totoo wala ka nang hahanapin pa sa kanya gwapo, maginoo, matipuno, at mayaman. Matagal ko na rin siyang kilala at mula pa noong pagkabata namin inaasar na talaga kami pero pinagsasawalang-bahala lang namin.

"Ano bang ayaw mo kay Denver?" sabat ni nanay na kanina pa nananahimik sa tabi ni tatay.

"Hindi naman po sa ayaw ko kay Denver 'nay, gusto ko lang magpakasal sa taong mahal ko po talaga parang kayo ni tatay."

Mula pagkabata wala akong hinangad kundi magkaroon ng pag-ibig tulad ng mayroon ang mga magulang ko.

"Pero naipagkasundo din naman kami ng nanay mo anak." Sabi ni tatay na kung kanina ay sobra ang awtoridad sa boses ngayon naman medyo naging malumanay na. Buong buhay ko lumaki akong sumusunod sa lahat ng gusto ng magulang ko, hindi dahil sa wala akong kalayaang pumili pero dahil alam kong tama sila pero iba ang sitwasyon ngayon.

"Pero 'tay iba ang sa inyo, naipagkasundo kayo kung kalian mahal niyo na ang isa't-isa." Pinalaki akong kalmado ng mga magulang ko, pero sa pagkakataong ito gusto kong magalit at sumigaw dahil sa sobrang emosyon na nararamdaman ko.

"Payag ba si Denver dito?"

"Oo, at isa pa mula bata pa lang kayo ay alam na niya na hahantong sa ganito kaya hindi na siya nagulat nang banggitin ng tito Enrique mo ang tungkol dito."

"Pero 'tay---"

"Wala ng pero pero Zhio, pinal na ang desisyon ko magpapakasal ka sa kanya sa ayaw at sa gusto mo." Pagkasabi ng tatay iyon, tumayo na siya at umalis naiwan kami ni nanay na parehong hindi malaman ang gagawin. Bakas sa mukha ng nanay ang lungkot at pag-aalala at sigurado akong iyon din marahil ang hitsura ng mukha ko kung titingin ako sa salamin. Magkahawig na magkahawig kasi kami ni nanay. Morena ang kulay, matangos ang ilong, mapipilantik na mga pilik-mata na nagtataglay ng kulay berdeng mga mata. Madalas sabihin ng iba na kakaiba daw ako dahil nga naman sa kulay kong pag dalagang Pilipina. Hapones ang aking ama, Pilipina naman ang aking ina.

"Nay, ayaw ko pa pong magpakasal." Hindi ko na mapigil ang pagdaloy ng luha sa mga mata ko. Masama ang loob ko dahil sa nalaman ko ngayon. Ayaw kong suwayin ang mga magulang ko pero ayaw ko naman gawin ang gusto nila. Tumayo si nanay at lumapit sa akin, umupo sa tabi ko at mahigpit na niyakap ako. Nanatili kaming ganoon, hanggang sa humupa ang pagluha ko.

"Hindi ba inimbitahan ka nila Jewel at Diamond sa party nila." Alam kong sinusubukan lang pahupain ni nanay ang pakiramdam ko.

"Opo."

"Oh! Siya hija dapat maghanda ka na." Sa Maynila ang party nila Jewel at Diamond matagal ko na silang kaibigan at kilala rin ng pamilya namin ang mga pamilya nila.

"Tama po kayo." Hinalikan ko si nanay sa kanyang pisngi at niyakap, at umakyat na ako sa kwarto ko upang kunin ang ilang mga gamit at damit na dadalhin ko.

Madalas ako sa Maynila dahil ako ang namamahala ng kumpanya namin doon, kaya naman may condo unit ako doon. Papalipasin ko muna ang oras at makapag-isip-isip ako sa mga dapat na kong gawin sa aking problema.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 07, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

twin faceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon