"Sana binulag niyo nalang ako." Nakakainis umagang-umaga naglalampungan na 'yong dalawa.
"Bitter mo talaga tin!" Inirapan ko lang sila.
"Halika nga dito, may tatanong ako!" Hinila ni Kysha 'yong upuan ko papunta sa kanya. Ganito talaga siya araw-araw, kung hindi chika 'yong sasabihin may itatanong naman. Nasanay nalang ako na may biglang hihila sa upuan ko, ang gaan ko nga daw hilahin eh.
Nakabusangot na 'yong mukha ni Jerome dahil lumapit si Rhea sa amin para maki-chismis.
"Ano nanaman shang?" Nilakihan ko siya ng mata kasi sabi nila ang ganda daw ng mata ko, inggit na inggit nga silang dalawa.
"Ano may nakausap ka na ba sa Cupido?" Napausog ako sa gawi ni Rhea dahil sa pagsiko sakin ni Kysha.
"Cupido? Hindi ba diyan kayo nagkakilala ni Charles?" Nag-iingat na si Rhea pagdating kay sugar papi, naiinis kasi si Kysha pag tinatawag namin siyang sugar daddy. May time nga na nag away kami kasi nakalimutan ko, tatlong araw akong hindi nakakain ng cake.
"Wala pa, nakalimutan ko na mag chat! Ewan ko sino 'yon pero antok na ako kagabi eh hindi na kinaya ng powers ko dzaie." Nilabas ko 'yong phone ko para mag picture sana pero hinablot agad ni Rhea tsaka binigay niya agad ito kay Kysha.
"Magnanakaaaaw!" Napatingin sa akin ang mga kaklase ko kaya inirapan ko lang sila.
"Ang OA mo tin, pati pag chat tinatamad ka!"
"Oo nga paano ka magkaka-lovelife kung ganyan ka?"
"Mabuti nalang nandito kami!" Kinindatan lang ako ni Kysha, kukunin ko sana 'yong phone ko pero pumasok na si Miss Hope. Siya 'yong subject namin sa Personal Development.
Paano nalang 'yong nudes ko do'n? What if ikakalat nila? Tapos magiging viral ako. Mapapahiya pa ako sa publiko, may magkakagusto pa ba sa akin? Tapos magiging depress ako, hindi na ako makakakain ng cake. Friendship oven na rin kaming tatlo, papalayasin na ako ni auntie sa bahay. Ikakahiya na nila ako, sorry ganito lang ako.
"Do you get me class?" Kung ano-ano nalang pumapasok sa isip ko hindi na ako naka focus sa klase ni miss. Samantalang 'yong mga kaklase ko na pakboi halos tutulo na 'yong laway kakatitig kay miss. Paano ba naman? Dalaga tapos ang kintab ng katawan. Maputi, sobrang ganda pa tapos biniyayaan ng magandang katawan. Edi sanaol nalang 'di ba?
Umalis na rin si Miss Hope sa wakas, kahit wala akong naiintindihan sa klase niya. Nilingon ko agad 'yong dalawa na busy parin sa phone ko. Ano kaya ginagawa ng dalawang 'to? Nakita ba nila 'yong nudes ko talaga? Inayos ko muna 'yong gamit ko bago pumunta sa kanila, bitbit ko 'yong bag ko at ready ko na sanang kunin 'yong phone ko.
"Eto na phone mo tin, thank us later!" Pinanliitan ko lang sila ng mata, bakit naman ako magpapasalamat aber? Dapat ba ako magpapasalamat na kinalat nila 'yong nudes ko? 'Yong dignidad ko lord!
"Sabay na kayo sa amin kumain tin." Binulsa ko 'yong phone ko, mamaya ko na nga titingnan.
"Sabi mo yan Jerome ah! May libre akong cake, 'di ba yang?" Tinanguan ako ni Rhea kaya abot sa tenga 'yong ngiti ko ngayon.
"See you later everyone, pupuntahan ko lang si Charles." Nagpaalam na rin kami ni Kysha bago pumunta sa parking lot.
May kotse kasi itong si Jerome, rich kid din 'to eh. Sumunod kay Kysha na sinuwerte sa pag-ibig, samantalang ako nganga. Palaging third wheel sa kanila, nagsasawa na ako maging mainggit.
"Thanks!" Pinagbuksan ako ni Jerome ng pintuan kasunod naman si Rhea.
Mabuti nalang talaga at half day kami ngayon, tanging si Miss Hope lang ang pumasok sa amin.
"Saan tayo?" Tanong ni Rhea na nakaupo sa harap habang nakahawak sa hita ni Jerome.
Shuta, 'yong mata ko feeling ko mabubulag na talaga ako malapit na. "Pwede ba? Respeto sa single nakakasuka kayo!" Pagrereklamo ko.
Tinawanan lang nila akong dalawa, nasanay na siguro sila sa pagiging bitter ko. Mabuti nalang talaga at palagi rin nila akong iniintindi, never rin nila pinaramdam sa akin na mag-isa lang ako. Kaya ang swerte ko sa kanila bukod sa palagi nila akong nililibre ng cake.
Ngayon ko lang namalayan na nandito na pala kami sa Star Mall. Dito siguro kami kakain, sosyal nila no? "Huwag muna kayo bababa, dapat ang mga lalaki ang magbubukas ng pintuan para sa inyo." Nagtinginan kami ni Rhea sabay tawa ng mahina. Ganito talaga si Jerome, hindi na bago sa amin na biglaan nalang siyang magiging gentlemen pero natatawa parin kami ang korni e.
Pinagbuksan niya ako ng pintuan pagkatapos ngumiti, kasunod rin si Rhea na pinagbuksan niya. Nakaholding hands sila ngayon papasok sa mall habang nasa likod nila ako at pinapatay sila sa mga tingin ko.
"Mag order kana babe, dito lang kami ni Quintin nakakatamad eh." Paglalambing ni Rhea kay Jerome.
Nakaupo na kami ngayon sa isang mamahalin na restaurant. Ewan ko anong pangalan hindi ko mabasa kasi chinese 'yong nakasulat. Konti lang rin 'yong mga tao dito kasi halata naman na hindi lahat makaka-afford na pumunta dito.
"Ako kaya 'yong nag drive, ikaw na babe." Hindi ko rin talaga ma-gets minsan itong si Jerome. Tinotopak, minsan gentlemen tapos minsan naman tamad.
Iba kasi 'yong restaurant na 'to, parang mga fast food lang na kami dapat 'yong pupunta sa counter. May pinareserve na kasi yata si Jerome nung papunta palang kami dito, pagkuha nalang ng food 'yong gagawin namin.
Bakit hindi ako 'yong kukuha? Simple kasi mas tamad ako hehe. Ako na nga nililibre, ako pa 'yong tamad. "Shuta, ako na nga magugutom 'yong baby ko dahil sa inyo." Kumunot 'yong mukha ni Jerome habang tumatawa lang si Rhea.
"Buntis ka?" Madali talaga utuin itong si Jerome.
"Joke lang!" Binawi ko na agad ang seryoso niya masyado.
"Ako na nga total ako naman 'yong mabait dito." Tumayo si Rhea tsaka umalis para kunin 'yong pagkain.
Ano bang trip nito ni Jerome at ang seryoso ng mukha niya. Halatang naiinis kasi nakayukom 'yong kamao, lalayo na kaya ako? Baka ako pa masuntok pag nagkataon. Nag-away ba sila ni Rhea? Parang hindi naman, sweet pa nga nila kanina eh himala nalang na buhay sila ngayon kasi hindi pa kinain ng mga langgam.
"Ayos ka lang Jerome?" Halatang nagulat si Jerome pero binawi niya rin sa pag-ngiti tsaka tumango.
Dumating na rin si Rhea bitbit 'yong mga pagkain, tinulungan ko na rin siya pero una ko kinuha 'yong cake hehe.
"Busog na busog ako grabe, sarap pala ng cake nila feeling ko babalik talaga ako doon." Nakaupo na kami ngayon sa sasakyan habang hinihimas ang tiyan ko. Hindi na rin kami nagtagal doon kasi pareho naman kaming tatlo na mabilis lang kumain.
"Sino naman kasama mo?" Tiningnan ako ni Jerome sa rear-view mirror pero binalik niya rin agad ang tingin niya sa kalsada.
"Kayo or sila Kysha mwehehe." Hindi pwede na ako lang mag-isa, wala akong pera.
"Uuwi kana ba tin?" tanong sa akin ni Rhea.
"Ah oo, wala naman na akong gagawin kaya hatid niyo nalang ako sa bahay." Hindi ako demanding ah, routine na talaga namin 'to pagkatapos ng lakad ihahatid nila ako sa bahay.
Nagpasalamat ako sa kanilang dalawa bago ako bumaba, kinawayan ko lang sila bago sila umalis.
Humiga agad ako sa kwarto ko, walang tao sa bahay feeling ko iniwan nanaman nila ako at nagpasyal na sila lang. Edi wao!Nagbihis na rin ako ng pang bahay, naalala ko bigla na 'yong phone ko. Dali dali ko agad itong kinuha mula sa bulsa ng uniform ko tsaka humilata sa kama.
May biglang nag notif pagkabukas ko pa lang sa phone.
'Edward Sespeñe reacted haha to your message.'
'Edwars Sespeñe sent you a message.'
RHEAAAAAAA!!!! KYSHAAAAAA!!!!!
YOU ARE READING
When I Met You
NonfiksiAng third wheel na si Quintin Borromeo ay forever na lang ba na magiging third wheel? Forever nalang ba na magiging bitter? Makakahanap kaya siya ng lalaki na magmamahal sa kanya ng totoo? Paano kung nahanap na niya nga ito, ngunit hindi sang-ayon...