Two Bread In One Tea
"Ma, I'm on my way home."
[Naglalakad ka ba ngayon? Mamaya mapahamak ka!]
"Chill... Malapit lang ako sa police station."
Umangat ang tingin ng dalaga sa lumang bahay na nasa harapan niya. Pinilit niyang patatagin ang boses at hindi sabihin sa kaniyang nanay na naliligaw na siya. Bagong lipat lang sila dito at hindi niya pa masyadong kabisado ang daan na dinadaanan niya.
"I'll talk to you later once I'm there. Bye, Mama..."
Hindi na niya hinintay pang magsalita ang mama niya, agad niyang pinatay ang tawag.
Napapikit siyang mariin at huminga ng malalim saka niya sinimulan ang paglalakad. Nasa tamang subdivision naman siya, pero sa pagkakatanda niya ay nasa dulo pa nitong subdivision ang bahay na nilapitan nila.
Patay na ang ilaw ng ibang bahay. Iba dito ay wala pang nakatira at ang iba ay sira-sira na rin. Wala rin siyang lakas ng loob magtanong-tanong dahil mukhang namamahinga na ang ibang taga dito. Ayaw niya ring tawagan ang mama niya at baka mag-alala ito sobra at mamaya ay atakihin pa dahil may sakit ito sa puso.
Inabot na siya ng gabi sa kakahanap ng bahay nila. Mali talagang umalis siya mag-isa na hindi man lang inaalala ang itsura ng bahay nila.
Sa pagderetso nang paglalakad ay tuluyan niya ng nakita ang bahay nila na hindi naman kalayuan sa kanila. Nandoon ang mama niya na naglalabas ng basura. Napangiti ito at itataas ang kamay niya para tawagin ito pero laking gulat niya nang may humigit sa kaliwang braso niya.
Gulat siyang liningon ito. "Sino ka-"
"Would you like to have a cup of tea with two breads?"
Nanlakihan ang mata ng dalaga at akmang sisigaw na pero mabilis tinakpan ng taong may maskara ang bibig niya. Sinubukan niyang tumingin kung nasaan ang nanay niya ay huli na rin para tawagin ito dahil pumasok na ito sa loob.
Sa isang iglap ay nanlabo na ang paningin niya at tuluyang bumigay sa katawan ng taong may hawak sa kaniya.
***
"Isang hindi magandang hapon sainyong lahat. May natagpuan nanamang walang buhay na katawan ng isang dalaga na halos hindi na makilala dahil sa tadtad nito sa mukha kahit ang lamang loob nito ay malapit na ring lumabas sa katawan. Nakita ang katawan nito sa loob ng basaruhan." Ani ng reporter at huminga ng malalim, "Ang sabi ng mga estudyanteng nakakita ay nagulat sila sa amoy na umaalingasaw, pagkatingin sa likod kung nasaan ang basurahan doon nila tuluyang nakita ang kaawang-awang dalaga. Hindi pa rin natutukoy kung sino nga ba ang taong responsable sa gumagawa ng krimen na ganito dahil hindi lang ito ang unang beses na nangyari sa lugar ng San Lazaro."
"Ngayon ay hinihintay nalang ang autopsy result para malaman kung kagaya ba ito sa kasong naiitala sa bayan na ito. Kahit ang DNA test nito ay hinihintay rin ang resulta dahil baka ito ang dalagang nawawala mula sa kabilang bayan na San Luis. Ilang buwan na daw itong nawawala at hindi malaman ng nanay nito kung nasaan na nga ba ang anak niya lalo na't bago lang rin sila sa lugar."
"Ito si Amara Pauline Quin na nagpapaalala sa inyong mag-ingat at laging maging handa lalo na't kapag kayo ay nag-iisa."
Pagkatapos ng balita ay lahat ng mga manonood ay napailing nalang at parang hindi na bago sa kanila ang kaso. Ilang beses na rin itong nangyayari sa isang buwan, minsan nga ay tatlong beses pa sa isang linggo, ni hindi nila malaman o maisip kung sinong gagawa ng ganitong krimen sa mga kabataan.
Umaga man o gabi ay walang pinipiling oras ito sa pag-atake. Ang sabi-sabi pa nga daw ay aswang daw ito na nangunguha ng lamang loob pero hindi, malayong aswang ang gagawa nito. Dahil iba sa mga biktima ay kumpleto pa naman ang lamang loob. Talagang maiiwang misteryoso ang taong gumagawa nito sa kanila. Hindi malalaman kung may sama ba ito ng loob sa biktima o sadyang nakakasanayan na talaga nitong pumatay.
"That sucks! What kind of person would do such a thing like that to an innocent girl?" umiiling na sabi ni Patty. Nakahawak pa ito sa bibig na para bang hindi makapaniwala sa balitang napanood.
"Baka walang magawa ang taong 'yan." Sagot ni Flor habang kumakain ng tinapay. Nakahiga ito sa sofa na tapat rin ng sofa na kinauupuan ni Patty.
"Tinadtad daw sa mukha? Seriously?!"
"Yeah, halos hindi makilala kase pinagtatadtad ang mukha gamit ang itak at halos gilingin na." Confident na sabi ni Flor.
Napatigil si Patty sa paglilipat ng channel ng marinig ang sinabi ng kaniyang kakambal. Para bang may mali itong nabanggit.
"How did you know? Wala pa namang sinasabing itak ang ginamit sa pagtadtad ng mukha ni Abby na taga San Luis."
Seryosong nagkatinginan ang dalawa. "Wala pang DNA result na linalabas tungkol sa biktimang taga San Luis. How did you know the victim's name, Patty?"
Ang seryosong titigan ng dalawa ay nauwi sa kakaibang ngisi at nauwi rin sa malakas na tawanan. Tawa na sila lang nakakaintindi ng katuwaan.
"Tss. Nandito lang pala kayong dalawa. I removed the fingerprint you two stuck to Abby's body. Ayusin niyo next time, ako na i-stress, e. Pahingi nga tinapay!" Singhal ni Warren, ang nakakatandang kapatid ng kambal.
Hindi lang isang tao ang pumapatay kundi dalawang tao na laging sumasawsaw sa maiinit na galawan.
BINABASA MO ANG
Two Bread In One Tea - One Shot
Mistério / Suspense"Would you like to have a cup of tea with two breads?"