Chapter 26: Pain

9 4 0
                                    

Kel's POV

Akala ko magiging mahirap ang pasok ng 3rd year saken, pero akala ko lang pala yun. Kasi siguro may nagiging stress reliever ako. Lagi na kasi kaming magkasama ng napakaganda kong girlfriend, as in lagi, always, everytime. Through nawawalan na naman ako nang time kay Kael pero bumabawi pa rin naman ako.

Pero this past few days parang may pinagtutuunan si Anj na ibang bagay. Palagi kasi  syang nakaharap sa cellphone nya, na halos hindi na nya mabitawan to. Minsan pa nga ngumingiti at tumatawa sya habang may binabasa dun. Kahit nacucurious ako ay hindi ko pa rin sya tinatanong because I have trust on her and I respect her privacy.

"Grabe talaga luv yung reaksyon ni Kael nung pinrank namin sya ni Xhi, gusto kong videohan kasi sobrang nakakatawa." pagkukwento ko sa kanya habang nagdadrive ako pero nakatutok pa rin sya sa cellphone nya.

"Luv." tawag ko para makuha ang atensyon nya.

"Huh? May sinasabi ka?"

"Sino ba kasing katext mo dyan? Hello! Kasama mo po ako kung nakakalimutan mo." iritang sabi ko, natawa lang sya.

"Sorry na luv. Kausap ko lang naman yung kaklase ko. May tinatanong lang kasi sya about sa irereport namin next week."

"Next week pa pala yung report nyo. Eh bakit tinatanong ka na agad nya tungkol dyan."

"Seloso naman nento." pabiro pa nya kong sinampal sa pisngi.

Hinabol ko lang ang kamay nya at ipinatong sa kambyo at ipinatong ko ang kamay ko. Patuloy pa rin syang tumatawa dahil sa muka ko na nakabusangot.

Papunta kami ngayon sa isang restaurant na matagal ng gustong puntahan ni Anj. Syempre surprise ko na lang yun ngayon since malapit naman na yung anniversary namin.

"Kelan mo titigilan yang selpon mo ha?"

"Saglit nalang luv."

Hinayaan ko na sya dun, mapapagod din yan sa kakaselpon nya.

"Maganda naman yung location tsaka yung restaurant luv." yun ang sagot nya nung tinanong ko sya kung ano sa tingin nya yung lugar.

"Wala ka bang napapansin sa lugar na to?" tanong ko ulit pagkatapos ay uminom ng wine.

"Wala. Ano bang meron dito?" pagbabalik nya ng tanong.

"Wala. Sige, order ka na nang gusto mo." nakangiti kong sabi kahit sa kaloob-looban ko ay nagtataka na ko sa inaasta nya.

Konti lang ang kinain ko dahil sa gumugulo sa isipan ko katulad ng, 'Bakit hindi nya maalala na ito yung restaurant na matagal na nyang sinasabi saken na gustong gusto nyang puntahan?', 'Bakit wala akong makitang excitement sa mga mata nya na kasama nya ko ngayon katulad dati?', 'At bakit patuloy pa rin syang nagseselpon kahit ako yung nasa harapan nya?''. Hindi naman kasi sya ganito lagi, kapag lumalabas kami o nilalabas ko sya makikita yung saya at excitement sa muka nya, lalo na sa mga mata nya. Pero ngayon meron iba eh.

Hindi ako tanga para hindi mapansin na may nagbago sa relasyon namin sa mga araw na lumilipas dahil patuloy na lumalayo yung loob at atensyon nya saken. Nagiging masama na yung pakiramdaman ko sa mga nangyayare samin dahil dumanas na ko sa gantong eksena.

"Anj may ginawa ba ko sayong mali?"

"Huh? Wala naman. Bakit?"

"Eh bakit ganito ka? Parang....parang nilalayo mo yung sarili mo saken?" nilaro ko nalang yung baso habang tinatanong yun sa kanya.

"Nagiging OA ka lang Michael. Ano ka ba, hindi ko naman nilalayo sayo yung sarili ko. Tignan mo magkasama nga tayo ngayon eh." yun lang ang naging sagot nya saken, tumawa pa sya pagakatapos.

Gangster And Nerd SiblingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon