Chapter 1
___________
Hanalei
Marahan kong inilapag ang blue hand carry bag sa sahig na gawa sa marble nang papasukin ako ni Tita Julie sa apartment na titirhan ko. Tumingala ako saka lumingon sa kanan at kaliwa.
Nasa apartment building ako sa second floor. Dito ako pansamantalang patitirahin ni Tita Julie habang nag-aaral. Bubungad ang study table-na nasa kaliwa-pagkabukas mo ng pinto habang katabi nito ang pintuan ng restroom. Sa harap ng restroom ay ang kusina na may center island.
Sa kanan matatagpuan ang kama, tv, mini living room, at iba pa. Modern ang pagkakagawa ng apartment at ang kulay lang na halos makikita rito ay white at cream.
"So, this is going to be your room, iha." Naglalakad si tita galing sa kusina habang dala-dala niya ang isang baso ng juice.
Marahan akong tumango. "Thank you po ulit."
Sinenyasan niya akong sundan siya patungo sa kanan kung nasaan ang mini living room. Parehas kaming umupo sa mahabang sofa saka nito inilapag ang baso ng juice sa rectangular table.
"Condolence, iha. I hope you'll get better soon," puno ng lungkot na saad nito.
Saglit akong tumango saka matipid na ngumiti.
"Anyway, sino raw ang bahalang magbabayad sa hospital?"
Saglit akong nag-isip, "Si Tita Jena raw po."
Tumango ito. "Anyway, call me if you want anything, huh? Masasanay ka rin dito lalo na't matalino ka naman."
Yumuko ako saka marahang tumango.
Umalis si tita matapos ang ilang minuto dahil may lakad pa raw sila ng asawa niyang foreigner. Kasalukuyan akong narito sa Brunei kung saan nagtatrabaho si Tita Julie. Base sa naaalala kong sinabi ni tita, nasa Bandar Seri Begawan ako ngayon, ang capital ng Brunei.
Sumandal ako sa sofa saka tinitigan ang baso ng juice na hindi pa nababawasan. Hinagod ko ang shaggy kong buhok habang nakakunot ang noo sa baso.
Muli akong huminga nang malalim dahil sa bigat ng dibdib ko. Kinagat ko ang ibabang labi saka lumunok upang pigilin ang sariling bumigay sa kalungkutan.
Tumayo ako saka inayos ang gamit sa loob ng apartment. Habang nagpapahinga sa sofa, hindi maiwasang sumagi si mama sa isip ko.
Sana bumalik na siya sa dati. Hindi ko na kakayanin pang mawalan ng ina kapag tuluyan siyang nawala sa katinuan.
Kinuha ko ang cellphone mula sa bulsa ng maikli kong short saka nagtungo sa gallery. Muli na namang tila may bumara sa lalamunan ko nang makita ang picture naming tatlo nina Ate Rylie at ni mama. Nasa amusement park kaming tatlo at nagsi-selfie habang si Ate Rylie ang may hawak ng cellphone dahil siya ang pinakamatangkad.
Kung pwede ko lang ibalik ang panahon bago siya mawala, gagawin ko. Hindi ko na siya hahayaang magpunta ng school mag-isa. Kinagat ko ang aking ibabang labi ngunit huli na ang lahat, dumulas na ang likido sa pisngi ko na hindi ko pinagkaabalahang punasan.
Bumangon ako mula sa sofa saka kinuha ang nakasabit kong guitar sa white wall sa tabi ng closet ko. Binuksan ko ang case saka inilabas ang gitara. Umupo ako sa kama bago ipinusisyon ang gitara sa katawan ko.
Tulala kong kinalabit ang string ng gitara habang nakatingin sa maliit na mesa sa mini living area.
"Remember the first day," saglit akong tumigil para lumunok dahil tila ba hahagulgol ako, "the first day when I saw your face," naluluhang pagkanta ko saka iginalaw ang mga daliri sa strings ng gitara.
BINABASA MO ANG
Love Me (Series #2)
RomancePast is past, they say. But what if that past has its own life and chase after you? ______________ ONGOING Taglish