" Minsan nasasabi ko sa sarili ko na ....hanggat hindi mo nakikila ang tunay na ikaw kahit kailan hindi ka magkakaroon ng sariling paninindigan, sariling desisyon, at respeto sa sarili mo"
Lumaki akong maagang nawalan ng magulang 4yrs. old lang ako noon nung nawala ang mama ko ay 7 yrs old nmn nung nawala ang papa ko. Sa una parang wala lang para sakin kasi bata pa ako nun wala pa sa isip ko yung mga bagay bagay. Syempre kapag bata ginagawa mo lang kung ano yung nakakapagpasaya sayo. Bata pa lang ako talagang mahiyain na ako at minsan naman tahimik lang. Hindi rin ako gaano ka palakaibigan kung sino lang ang kakilala ko yung lang ang nagiging kaibigan ko. Hanggang sa nag- aral na ako ng elementarya naalala ko noon hinahatid pa ako ng papa ko sa room ko grade 1 ako noon at isang janitor naman ang papa ko sa kalapit lang na paaralan ng high school. Umiiyak ako noon kapag uwian na at wala pa sa gate ang papa ko, feeling ko kasi noon di na ko babalikan ng papa ko at iiwan na ako sumisilip pa lang ako mula sa pintuan ng room namin tumutulo na ang luha ko kapag hindi ko nakikita ang papa ko at ang palatandaan ko pa noon na laging suot ng papa ko yung damit nya na kulay pula at my tatak na batman tuwang tuwa na ko non kapag nakikita ko siya. Kapag nasa bahay naman kami laging katabi ko matulog ang papa ko yakap yakap siya at pag gising ko naman na wala na siya sa tabi ko umiiyak na ako at palaging tinawag siya at minsan pinupuntahan ko siya sa palayan...At hanggang isang araw bago dumating yung araw ng birthday ko nagkasakit si papa akala ko simpleng lagnat lang at nakapasok pa sya nun kinabukasan araw ng birthday ko pag uwi nya galing trabaho medyo nakainom ang papa ko my dala dala syang tuta regalo nya nun sakin tuwang tuwa ako nun yun na ata ang pinaka masayang birthday ko na hinding hindi ko makakalimutan sa buong buhay ko at hanggang sa kinabukasan after ng birthday ko nagkasakit ulit si papa at hindi nakapasok sa trabaho niya at dahil my pasok nun ang ate at kuya ko ako ang nagbantay sa papa ko pero syempre bata lang ako noon naglalaro lang ako maghapon at hanggang sa kinabukasan ulit my sakit pa rin si papa yun pala malala na yung sakit nya at dinala sya nun sa hospital.. At ako naman kakauwi lng galing sa paaralan ibinilin ako sa mga tita ko masaya ako nun naglalaro hanggang sa my dumating na sasakyan bihira lng sa probinsya namin nun makaakyat yung mga sasakyan dahil lubak-lubak ung daan sa unang kita ko isang puting sasakyan at nkita ko yung kapatid at tita ko umiiyak pagkahinto ng sasakyan at nakita ko may nakahiga at natatabunan ng puting kumot pagbukas ng kumot ang papa ko nakahiga iyak ako ng iyak nun sa isip ko noon ganun pala kabilis mawala ang papa ko😭.
At yung araw na yun dun nahinto sa buhay ko ang mawalan ng magulang. Kami ng mga kapatid ko kinuha kami ng mga tito at tita namin si kuya naman at dahil kakagraduate lang nya nun ng college naghanap muna sya mga trabaho at kmi nmn ng ate ko nag aaral nun pinag aral kmi ng mga tita at tito namin hanggang sa huminto ang ate ko ng pag aaral sa kolehiyo at ako naman tuloy tuloy lang sa pag aaral ko ng elementarya. Sa una mahirap dahil bata pa lang ako kailangan ko ng makisama sa mga kamag anak ko at dun ako natuto makisama bata pa lang ako alam ko na kung paano ako makikisama sa mga taong nasa paligid ko at masaya ako kasi kahit nawala ng maaga ang mga magulang namin hinding hindi naman kami pinabayaan ng PANGINOON na masira ang buhay namin napunta kami sa mabubuting tao ❤️. At siguro bago nawala yung mga magulang namin ibinilin na kami sa PANGINOON nasaksihan ko din naman kahit sa saglit na panahon at sa murang edad ang pagiging mabuting tao ng papa namin para sakin napakabait ng papa ko at siguro ganun di ang mama ko sayang nga lang at di ko man lang matandaan masyado ang alaala ko sa mama ko my sakit kasi sya noon yun lang ang naalala ko at noon sabi ng papa ko ipagdasal ko dw si mama kaya ang ginawa ko tinawag ko si Jesus Christ at Mama Mary noon literal na tinawag ☺️.
to be continue....