"Can we start again?" That question made my heart beat fast and loud that I could almost hear it.
Dahil sa pagtigil ko ay naabutan niya ako at niyakap mula sa likod. Katulad ko ay ganoon din ng pagtibok ng puso niya.
I was about to answer when the door suddenly opened at lumabas doon si Joshua at agad na napatingin sa amin at biglang ngumisi bago nagsalita.
"You guys, get a room," and now I prefer the silent Joshua. Yung mabilis na tibok ng puso ko kanina ay mas nadagdagan dahil sa sinabi niya.
Natatawang humiwalay naman si Dale sa akin at inakay na ako papasok. Hindi na din natuloy na umalis si Joshua at ipinagpabukas na lang ang lakad.
That night magkakasama kaming natulog ni Dale at Zeleina. Hindi na din kami nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap muli kaya hindi na niya nalaman pa ang sagot ko sa kaninang tanong niya.
Kinabukasan ay umasa akong magkakausap kami pero paggising ko ay wala na siya. Agad na nanlumo ako lalo na nang malaman na maaga siyang umalis at kasama pa si Rhian.
Ganito ba ang sinasabi niyang magsimula ulit? Bakit parang hindi pa kami nakakapagsimula pakiramdam ko matatapos na agad? Ayoko ng ganitong pakiramdam. Nakakalito. Nakakapagod mag-isip. Parang nakakasakit. Ganito ba talaga dapat?
Tanghali na pero wala pa rin siya. Hanggang sa dumilim na ay wala pa din siya. To think na kasama pa si Rhian, lalo akong hindi mapakali. Zeleina on the other hand is with her grandma and grandpa. Everyone seems so busy pero eto ako at walang ginawa kundi isipin yung taong wala dito. Kaya naisipan ko na lang na mahiga at itulog ang mabigat na pakiramdam ko. Nagbabakasali na mawawala iyon.
Next morning came pero hindi ko pa din nakita si Dale. And again he's with Rhian. I am beginning to think that he is not serious. Yung plano namin na pumunta ng beach, hanggang sa ngayon ay hindi pa din natutuloy. Zeleina is busy playing games with her tita Summer. Tita and Tito is not here either. Maaga din daw umalis.
Lumapit ako kina Zeleina. Hindi naman iyon napansin ni Summer dahil may kausap siya sa kaniyang cellphone.
"Yes kuya. I understand, yeah I know.. ... She's here playing with me...."
"Ow ate Louise you're here pala. Sige na kuya, bye," aligagang pinatay niya ang tawag at nagtanong.
"Kanina ka pa ba diyan ate?" Tila kinakabahang aniya na inilingan ko lang. Ipinagsawalang bahala ko iyon at nagtanong sa kaniya.
"Ang kuya mo ba ang kausap mo kanina lang?" Tumango siya bilang pagsagot.
"I haven't seen and talked to him since yesterday. What is he doing?" Nagtatakang tanong ko pa.
"Ah, eh hindi ko alam ate eh pero wag kang mag-alala kasi kasama niya naman sina kuya Joshua. May importante daw silang kailangang gawin kasi nagkaproblema sa resort," natatarantang paliwanag niya kaya naman ang tampong nararamdaman ko ay napalitan ng pag-aalala.
"Why? What happened?" I asked.
"I don't really know the details basta ang sabi niya lang kailangan daw nilang ayusin ang resort para sa isang event tapos biglang nagbago yung gusto ng guests kaya ayun sila na mismo ang nag-asikaso," mahabang paliwanag niya na tinanguan ko lang at inintindi ang sitwasyon.
"I thought kasama din niya si Rhian. Yun ang sabi ni manang at tita," I said trying not to stutter dahil kinakabahan ako sa isasagot niya. But her answer, once again made me irritated.
BINABASA MO ANG
His Sweet Little Secret
RomanceIn a short span of time Dale fell in love with Louise: the girl who's been into him for years. She was hired as his PA and after knowing she's a good chef, he hired Louise to cook for him. Dale was in a relationship that time and being with Louise...