Chapter 16
Napatahimik ako. "Hindi ka ba nasasaktan, Hailey? Ang anak mo, unti-unti nang ninakaw sa'yo ng harapan. Pero anong ginawa mo, diba wala? Dahil isa kang pabayang Ina!" patuloy niya pa.
"T-tama na," mahina kong anas.
"Ikaw ang sisisihin sa lahat dahil pabaya ka, Hailey!" tinuro niya ako. Puno ng galit ang mata. "Once na lalapit ka pa sa fiance ko, I swear, may mangyayaring hindi mo magustuhan, Hailey." huli nitong saad bago tuluyang umalis.
She slap me with reality. Sinaktan ko ang anak ko. Ipinagdamot ko sa kanya ang pagmamahal mula sa totoo niyang Ina. Paano ko nakayanan 'to ng matagal? Pero hindi dapat ako magpaapekto kay Hannah. Ginawa niya lang ang lahat para mapasunod ako. Tiarra is one of my family, at hindi ko dapat inisipan siya ng masama.
Nanlumo ang aking tuhod na pumasok sa nakaparadang sasakyan ni manong. Naalarma naman siya pero binuksan ko lang ang salamin.
"Akin na ang susi manong," mahina kong anas.
"Pero ma'am, hindi ka pwedeng magdrive gayong hindi maayos ang pakiramdam mo."
Umiling ako at ngumiti. "Kaya ko," walang nagawang binigay ni manong ang susi.
Napatawa ako. Nakaya ko nga noon eh, ito pa kaya? Ang simple lang.
Nang makarating sa hospital, gaya ng inaasahan ko, may nakakabit na namang oxygen kay Justine. Ako ang nahihirapan sa sitwasyon niya, pero ang dahilan ng lahat ng 'to ay ang aksedente. Kung hindi nangyari 'yon, siguro maayos kami ng anak ko. Baka hindi niya pa maranasan ang ganitong sakit. At sana, hindi niya na hinahanap ang daddy niya dahil magkasama na sila. Kung sana maalala ko lang ang lahat, magbayad ang dapat na magbayad dahil sa kapabayaan nila.
"Mommy," ungol ni Justine. Wala doon si Dustin kaya agad kong dinaluhan si Justine at mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay. Kasabay ng paglalandasan ng taksil kong luha. Nasasaktan pa rin ako, kahit kailan.
"J-justine, Tita's here na. I-im sorry. Sorry kung hindi ko nabigay ang g-gusto mo. Sorry kung p-pinapabayaan kita, a-anak." nanginginig ang labi kong saad.
"M-mommy," ungol pa rin nito na kahit nandito ako ay hinahanap pa rin si Tiarra.
"Hindi ka ba nasasaktan, Hailey? Ang anak mo, unti-unti nang ninakaw sa'yo ng harapan. Pero anong ginawa mo, diba wala? Dahil isa kang pabayang Ina!" pag-alala ko sa mga sinasabi ni Hannah. Kahit anong pilit kong huwag intindihin, pero nasasaktan at nasasaktan pa rin ako.
May mga dapat talagang pag-aari mo pero kailangan mong ipaalaga muna sa iba para hindi masaktan. May oras din para magkakilala tayo bilang mag-mommy and baby, Justine. We'll wait for the perfect timing.
"Justine—" dahan-dahang minulat ni Justine ang kanyang mata. Kitang-kita dito ang pananamlay niya dala na rin sa pagkakasakit.
"T-tita, w-where's m-mommy?" tanong nito at luminga-linga pa.
Pinales ko ang luhang kusang tumulo sa aking pisnge bago siya nginitian. "You want to see your mom?" basag ang huling sambit ko
Marahan siyang tumango. "P-please?"
Tumango ako. Hinalikan ko muna siya sa noo. "Tatawagan ko na ang mommy, okay?" sabi ko bago lumabas. Humugot muna ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Ayos lang 'to, Hailey. M-maaayos din ang lahat.
Ilang ring lang ay sinagot na ni Tiarra. Matagal-tagal kaming parehong tahimik. Alam kong takot din si Tiarra sa pagdating ng araw na kunin ko na si Justine, kaya siguro hindi siya sumama samin.
BINABASA MO ANG
Impregnated By My Ex (COMPLETED)
RomanceChristine Paller was impregnate by her ex, Dustin Sandoval. Pero hindi sa ganoong paraan nagtatapos ang kanilang relasyon. Their parents wants them to get married. Then, they make a plan, their marriage is only in paper and for the baby. Pero paano...