Kinabukasan na nga ang araw na yon. Hindi ako sigurado kung buo na ba talaga ang loob ko na ituloy ang pinapagawa nila sa akin. At Natatakot ako sa kung anuman ang pwedeng mangyari...
Gayunpaman, nag-umpisa na akong mag-impake ng mga dadalhin matapos kong pinasa ang resignation letter ko sa Manager namin. Maging siya ay hindi makapaniwala sa biglaan kong pag-alis, ewan ko na lang sa iba.
Sa mga puntong 'to ay wala pa rin akong balita sa kung ano nga ba ang naging kinahinatnan ni Archie. Ni hindi ko nga alam kung buhay pa ba siya o tinuluyan na nila—dahilan para madagdagan ang takot ko. Bitbit ko ang pagsisisi sa sarili dahil kung 'di dahil saakin, hindi yun mangyayari sakanya.
Habang nasa kalagitnaan ako ng pag-iimpake ay bigla namang nagring ang cellphone ko. At gaya nitong mga nakaraan ay si Sameer ang tumatawag. Pero sa pagkakataong ito ay sinagot ko na ang tawag niya.
"Hey, Reese. What the hell happened to you? I've been trying to call you for days now." Pagbati pa niya mula sa kabilang linya.
"I'm so sorry--I was just a bit preoccupied..." Tanging sagot ko sa katanungan niya.
"Why? What's going on? You can tell me, I'll listen."
Sa mga oras na ito, napaluha na lamang ako nang hindi ko namamalayan. Hindi ko alam kung ano ang gagawin, wala akong ibang pwedeng makausap tungkol dito sa pinagdadaanan ko. Halos mabaliw na ako habang kinikimkim ang lahat ng ito.
"Hey, Reese. Are you still there?"
Ibinaba ko na ang cellphone. Nagsimula na naman akong magmukmok, napapatanong kung bakit nangyayari ang lahat ng'to sa akin.
Part of me ang nagsasabing hindi ko to kayang mag-isa at kailangan ko ng tulong kahit papaano. At sa kabilang banda ay may nagsasabing tama na, ayaw ko nang may madadamay pa nang dahil sa akin.
Hindi ko alam pero...para bang nananaig ang takot ko sa kung ano ang posible na mangyari.
Binuksan ko muli ang cellphone at agad na tinawagan si Sameer. Hindi ko alam pero sa mga oras na 'to, siya lamang ang mapag-sasabihan ko ng problema. Nagkataon din at malapit siya doon sa pupuntahan ko. Siya lang talaga ang makakatulong sa akin sa mga oras na ito.
"Hey, Sameer? I'm so sorry for hanging up. I was just..." Sabi ko pa ngunit pinigilan niya ako.
"No, you don't need to apologize. I know you're going through some shit. I understand." Sabi pa niya.
Hindi ko namalayan ay napaluha na naman ako. Siguro dahil pakiramdam ko ay nakita ko na ang ilaw sa dulo ng lagusan—kung saan ako palakad-lakad sa loob ng matagal na panahon. Yung para bang muli akong nagkaroon ng pag-asa sa kabila ng lahat ng nangyayari.
"Look, I need your help. I'll be on my way to Caragao right now and I was hoping you could meet me. Should I arrive at the meeting place, I will need you to go to San Ignacio and deliver my laptop to the first police station you'll see on your arrival. I badly need your help." Paghingi ko pa sa kanya ng tulong, umaasa na matutulungan niya ako.
BINABASA MO ANG
Ang Pagkawala Ni Teresita Gomez
Mystery / ThrillerSi Teresita Gomez ay ipinanganak sa isang simple ngunit marangyang pamilya. Bagama't maayos ang kanyang pamumuhay ay may mga patong-patong na problemang dumating sa kanya. Dahil dito, napagpasyahan niya na munang umalis upang nang sa ganoon ay makap...