UNANG PAHINA

8 2 0
                                    

"Allessia Felicity Montence!" Nagulat ako ng may tumamang eraser sa muka ko. Kanina pa pala ko tinatawag ni Maam. Nakakainis kasi si inay kwinentuhan nya na namn ako tungkol sa mga elves. Hanggang ngayon tuloy hindi mawala sa isip ko.

Argggg mukang the whole week lagi lang ako mababato ng eraser o di naman kaya chalk.

"I-im sorry maam" paghingi ko ng tawad sabay kamot sa ulo.

"Absent minded ka na naman Miss Montence. What's wrong with you? You are the top 1 in this class ikaw ang inaasahan ko lagi sa ganitong lesson . You are busy imagining something!" napayuko at napakagat na lang ako sa pang ibabang labi ko ng marinig ko ang mga sermon ni Maam Andrada.

Sisihin mo si Inay.

"Im sorry po" nakayuko lang ako dahil naiisip ko na ang mga reaction ng mga kaklase ko,dinig ko na din ang bulung bulungan nila.

But i dont care! I have my own life i can handle and care  myself. Wow ano to libro? Emeeee

"anyway, lets continue this lesson" mahinahon pero may kaunting inis sa tono ni maam.

Kinuha ko na lang ang sketchpad ko at nagsimulang mag guhit ng kung ano anong bagay na nasa isip ko. Alam nyo na kung ano yun.

Natapos ang subject namin kay maam Andrada ng walang pumapasok sa utak ko.

Actually its a big question. Did i have brain?sure? Wala bang mas lalaki pa sa utak na to?

Nawala ang pag-iisip ko ng may biglang tumawag sa pangalan ko. At Dahil i really love my name napalingon agad ako.

"Allessia ,pinapatawag ka ni Maam Andrada sa office nya" napabuntong hininga na lang ako at tuluyan ng lumabas ng room namin. Siguradong papagalitan lang ako nun. I've already experience that the whole week.

Pagdating ko sa faculty Office nasalubong ko kaagad yung Teacher namin sa Mathemathics. Sir Flores.

"Oh you again?mukang magiging suki ka ng faculty Ms. Montence" Ngumiti na lang ako at yumukod.

Share mo lang sir?

Pagdating ko sa office ni Maam Andrada nakatingin na agad to sakin ng masama habang nakataas ng isang kilay.

Ay! Ano maam galit ka na nyan? Like dzuhh nitong week lang namn ako tuleg pero bakit parang the whole life ang laki ng kasalanan ko sa Teacher na ito?

"Sit down miss Montence" agad akong sumunod baka kasi mag alburuto.

"Im waiting for your explanation Ms.Montence" masungit na sambit nito. Si maam yung teacher na talagang outfit pa lang alam mo nang terror at masungit. Lagi nyang suot ang Salamin nya na mas nagbibigay sa kanya ng awra na pang masungit.

"po?"

Eto tayo eh kahit narinig na, ipapaulit pa natin.

Sinamaan agad ako ng tingin ni maam kaya agad akong nagsalita.

"Sorry po maam . I think masyado lang po akong nadadala ng mga alalahanin ko po sa life ko" Im not joking that time  im freeking serious.

"Hindi ako nakikipagbiruan sayo Miss. Montence. I.need.your.explanation.right.now!" may diin sa bawat salita ni maam kaya alam kong galit na talaga sya.

"Sorry po maam. Hindi na po mauulit, na stress lang po talaga ako this week andami po kasing school works ang dapat tapusin . Im sorry po"

Dinig ko ang buntong hininga ni maam. May kinuha sya sa drawer nya at inabot sakin,naka envelope eto

"Para sakin po?" agad kong tanong

"Uhmm. Im looking forward na makasama ka dyan.  You are the top 1 in your class so be responsible. Balitaan mo ko tommorrow morning If you decide to join" Ang kalma na ng pananalita ni maam.

Moody kaba ghurl? Char hahahaa

"Opo. Sorry po ulit"

"its okay. Bumawi ka sa susunod na week,months,and years. I really need a students like you. Sayang ang talino kung hindi gagamitin"

Tumungo na lang ako ngumiti.

"Opo" sagot ko

"you can now go back to your classroom"

"Thankyou po" yumukod ako at tinalikuran na si maam.

Haistt ano naman kaya tong envelope na to? Nang makalabas ako ng faculty,agad kong binuksan ang envelope at binasa ang mga abuchichi na nakasulat dito. Naupo muna ako sa bench malapit sa field kung saan may mga naglalaro ng football

Nakita ko sa papel ang Consent paper na papapirmahan namin sa parents namin. Parang ayaw ko  sumali sa tour na to.

Bumuntong hininga ako ibabalik ko palang yung envelope ng may makita pa kong isang papel kinuha ko ito at binasa.

LIST OF PLACE'S basa ko sa nakasulat sa papel. Kumot ang noo ko sa nabasa

Sana naman maganda yung pupuntahan. Muli kong binasa ang mga nakasulat na lugar. Sa pagbabasa ko nasayahan ako sa mga lugar na pupuntahan may zoo,museo at iba pang lugar pero napatitig ako sa huling lugar na nakasulat.

El Foltrigeus Place basa ko sa huling  nakasulat.

Ano to? Ngayon ko lang nalaman na may ganito palang lugar. El foltrigeus place muli kong banggit sa lugar .

Unique!

Nang tapos ko nang basahin ang nakasulat binalik ko na ang papel sa envelope at tumayo na. Babalik na  ako sa room namin , Mathematics pa namn ang next subject namin.

Habang naglalakad ako pabalik sa classroom namin napahinto ako nang biglang humangin ng malakas napatingin din ako sa mga naglalaro ng football kanina,pati sila ay napahinto sa paglalaro kahit ang mga estudunyante na naglalakad,kumakain at nag kwekwentuhan sa labas ay nagtakbuhan sa loob nang kani-kanilang classrooom. Napahawak ako sa palda ko dahil baka masilipan na ko dito

Im so sexy pa namn shocks! ang isa kong kamay ay hinawak ko sa puno na malapit sakin.

Hindi nagtagal at muling naging banayad ang hangin umalis ako sa pagkakahawak sa puno at palda ko at tiningala ang langit. May nakita akong dahon na sumasabay sa daloy ng hangin pero unti unti itong bumabagsak at babagsak ito mismo sa harapan ko kaya agad kong inilahad ang palad ko para masalo ang dahon. Nagsalubong ang kilay ko ng makita ang kulay ng dahon.

Blue?!bakit blue?

Nakatitig lang ako sa dahon na nasa palad ko. Bakit naman kaya ganito ang kulay nito? Hindi sya bastang. Kulay blue lang kumikinang ito na parang isang Krystal at talagang ang ganda ganda nito.

Shining, shemiring,splending Leaves


Napangiti  na lang ako at inilagay ang dahon sa bulsa ng palda ko at muling naglakad.

This is weird. Saan kaya nanggaling ang dahon na ito at bakit ganito ang kulay niya. Para syang mahalagang dahon na nanggaling sa mahiwagang lugar.

NOTE: THIS IS ONLY A WORK OF FICTION . KATANG ISIP LAMANG PO ANG LAHAT NG ITO WAG SERYOSOHIN BAKA MASAKTAN!ENJOY READING!

                        -missleilythe-



The Guardian of YggdrasilWhere stories live. Discover now